“Remember, Luna,” sabi ni Red habang naglalakad sila papasok ng hotel,
“Bawal kang mag-ingay, bawal kang mangialam, bawal kang gumalaw at bawal kang huminga nang malakas.” tumaas naman ang kilay ni Luna.
“Bawal huminga? Seryoso yun?"
“Oo, dahil isa kang walking disaster."
“Wow! Sakit naman nun boss... Diba masyado naman kayong OA niyan."
“At hindi ka pa talaga aware sa mga pinag gagawa mo sa akin? Magpasalamat ka hindi pa kita sinesesante dahil baka na lilimutan mo anytime kaya kong gawin yun at ituloy na lang ang lawsuit at ipasarado na din ang MetroBeat."
“Pero hindi mo gagawin,” nakangising sagot ni Luna,
“Kasi mabait kang boss at super duper mega over guwapo. Hindi mo kakayanin ng konsensya mo na mawalan ako ng trabaho at ang maraming empleyado ng Metro.” ani Luna na ngumiti pa na parang pusang nag papa cute nanaman.
“Wala akong konsensiya.”
“Meron, naka-leave lang siguro. Babalik din yun.” wika pa ni Luna na inirapan lang siya nito at mas binilisan ang lakad kaya naman napatakbo na lang siya ng di oras sa pag sunod dito. Kaya deep inside 'yun, ang first minute ng araw na yun na gusto na niya ulit itong saksakin gamit ang ballpen.
-
-
-
-
-
-
Loud music, flashing cameras, reporters everywhere. Nasa press launch sila ng underwear brand endorsement ni Red ang parehong project na sinira ni Luna sa article buti nalang kahit papaano unti-unti ng namamatay ang issue na ginawa niya. Sa gitna ng ingay, napansin ni Luna kung paano nagpalit ang ekspresyon ni Red sa harap ng mga tao. Kanina lang, tahimik at iritado puro angil laging galit. Ngayon, boom — charming smile, killer dimples, confident stance.
Parang switch lang ng ilaw ang bilis nitong mag palit ng behavior at attitude mula sa Mr. Grumpy, naging Mr. Worldwild husband.
“Mr. Ortega! Smile please!” utos ng mga photographer.
“Red! Look here!”
“Red, paano mo napapanitiling single ka pa rin hanggang ngayon kahit ang dami ng mga celebrity actress na magaganda ang gusto kang maka date, yung iba lantaran na ang pag-amin ng pag ka gusto sa'yo at majority pangalan mo ang isinasagot nila kapag tinanong kung sino ang ideal man nila." tanong ng isang reporter. Tahimik naman naka abang ng sagot si Luna sa likuran sa may sulok si Luna na nakikinig lang sa presscon ni Red na guwapong-guwapo sa suot nitong damit na kulay violet. Ito yata ang kilala niyang lalaki na kahit anong ipasuot guwapo talaga.
“It’s not that I’m being choosy, but there’s this one girl I just can’t forget. The kind who stays in your mind even after so many years—you still remember her laugh, her quirks. Maybe it’s because no matter how many roles I play in front of the camera, she’s still the one I want to play in real life.” umugong ang malakas na bulungan at sunod-sunod ng tanong ng mga reporter.
"Ay wow! Ang swerte naman ni Mystery girl. May nalalaman na paganun si Bulate. Sino kaya siya?" bulong ni Luna.
"First love niya." sagot ng isang tinig na ikinalingon naman ni Luna.
"Huy! Fakundo, watsup!" tapik ni Luna sa sikmura ni Chase na nakatayo sa gilid niya na nakapamulsa na isa pa rin naman saksaksan ng guwapo sa corporate attire nito. Kung tama ang pag kakatanda niya bestfriend nito si Red.
"Hindi mo ba kilala ang first love ng lalaking yan?" tanong pa ni Chase na hindi nalingon.
"Kailangan ba kilala ko?" balik tanong ni Luna. Lumingon naman si Chase sa kanya sabay ngiti.
"Ang tanda mo na vonzai ka pa rin." ngiti nito na ikinasimangot naman ni Luna.
"Salamat sa papuri." ani Luna na umirap, bahagya naman tumawa si Chase na inakbayan si Luna sabay hila sa leeg niya ba halos maipit na siya sa kilikili nito.
"Ano bang ginagawa mo Fakundo." hampas niya sa braso nito. Nagulat pa ni Luna na napatingin sa daliri nito na hugis baril na itinutok sa tapat ng dibdib niya bago parang pinaputok sabay hipan pa nito.
"Adik ka?" tanong ni Luna na tumingala kay Chase.
"May mag tetext sa'yo." ani Chase at 2 segundo nga tumunog ang cellphone niya.
"Wow! May third eye ka?" na aamaze na tanong ni Luna na dinukot ang cellphone na tiningnan kung sino ang nag text.
"5k sapukin mo yang katabi mo. 10k kung sasampalin mo, 20k kung suntukin mo siya sa mukha." awang ang labi ni Luna ng mabasa ang text ni Red bago napangiti na napatingin kay Chase.
"Chase, lilibre kita ng starbucks yuko ka dali may sasabihin ako sa'yo." ani Luna na nag tataka man yumuko si Chase na inilapit pa ang tenga sa kanya pero nagulat na lang si Chase ng sapukin siya bigla ni Luna, hindi pa ito nakuntento sinampal pa siya nito kasunod pa ang isang suntok na hindi naman mga kalakasan pero natumba din siyang napaupo sa sahig na sapo ang ilong na tinamaan ng suntok ni Luna na ikinalingon ng ilang staff na nasa likuran na nag tataka.
"Pasensya na po, kuya ko po sya."
"Uto-uto ka!" ani Chase na na iiling na tumalikod na mahina din siyang sinapok ni Chase bago umalis na inaayos na lang ang damit pero nakita niyang binigyan pa nito ng middle finger si Red. Malawak naman ang ngiti na nag reply siya kay Red.
"Paki transfer ginawa ko yung tatlo kaya 35k please." text niya kay Red na marami pang emojie. Hindi na nagreply si Red na dahil sinaway ito ni Kuya Vic na katabi nito. Habang pinapanood ni Luna si Red, napansin niya ang totoo sa likod ng bawat ngiti ni Red, may lungkot siyang na kikita na para bang pilit nitong itinatago sa mgaganda niton ngiti. Pagkatapos ng bawat flash ng camera, nababago ang mga expression ng mata nito. Pagkatapos ng bawat sagot sa reporter, napapabuntong-hininga ito na parang napapagod.
Sa mga mata ng lahat, si Red Ortega ay confident, perfect, untouchable, dreamboy ng lahat. Pero sa mga mata ni Luna ngayon, isa lang siyang pagod na tao na pilit nag-a-act na masaya. Napatingin naman sa gawi niya si Red at wala naman sa loob ni Luna na gumawa siya ng maliit na puso sa hangin bago pabirong pinana bago nasapo niya ang sarili dibdib na kunwaring timaan at lumungayngay ang ulo sabay pikit pa pag dilat niya binigyan niya ito ng finger heart. Kitang-kita naman ang biglang pag ngiti ni Red na naiiling nalang sa kanya pero at least legit ang smile nito walang halong ka plastikan.
"Hmmmp! Apaka guwapo talaga, pikutin ko nalang kaya siya? Naawa na ako sa kanya." ngisi naman ni Luna sabay hagikgik sa sariling biro.