"Anong oras ang flight mo?" napalingon si Luna sa pinto ng kuwarto ng makita si Red na nakasandal sa hamba ng pinto. Habang si Luna naman ay nag-aayos ng maleta niya. Nag-isip si Luna hindi niya puwedeng sabihin na 4:30pm ang flight niya baka bigla makaisip ng kalokohan si Red at biglang sumabay ng uwi sa kanya parang kasing iyon ang nararamdaman niya sa aura nito ngayon. Mula pa kanina siya ilang na ilang dito sa pagkain palang ng breakfast, masama na ang tingin sa kanya ni Kuya Vic dahil ayaw ni Red na lumabas para sa isang presscon nito dahil idinadahilan nito na pagod ito at away muna nitong humarap sa camera. Pero ang hitsura ni Red nakapangalumbaba habang nilalandi lang ang pagkain nito sa plato habang nakatitig sa kanya na parang isa siyang cute na duwente na nasa mesa. Kaya naman

