Halos 5am na ng mahiga si Luna sa tabi ni Red, kaya naman groggy na talaga siya sa antok pero yung panaginip niya masyado naman nakakagising ng dugo. Hindi naman siya nag sulat ng SPG kagabi pero yung panaginip niya para naman ata masyadong wild. Masyadong detalyado at parang nararamdaman na niya. Sa panaginip niya, siya si Sleeping Beauty nakahiga, tahimik, nakapikit, syempre masarap ang tulog niya at syempre din, kung siya ang prinsesa, iisa lang ang puwedeng maging prince charming. Si Red. Toink! Bakit si Red ang prince charming niya diba dapat si Casper kasi si Casper ang jowa niya... hanggang sa panaginip niya nag kakasalana na siya. Di bale, panaginip lang naman yun. Napangiti siya sa loob ng panaginip niya, of course naman, nasa dreamland siya at hindi naman bangungot ang nagaga

