Dis-oras na ng gabi, tahimik na ang paligid ng condo building, obviously na mas marami ng tulog kesa sa gising. Kaya kampante si Red na lumabas nang walang facemask. Hindi na niya kailangan mangamba na may fans na susugod sa kanya at yayakap or mag papa picture. Sa ganitong oras, ang mga tao sa paligid mas interesado ng mag pahinga kesa intindihin pa ang celecrity na tulad niya. Pag labas niya ng building tumakbo lang siya at tumawid sa kabilang kalsada, ilang hakbang pa narating na niya ang isang one stop shop na 24 hrs na bukas, pumasok siya sa convenience store. Napatingin ang kahera ng mag ding ang pinto, tumigil ito sa pag s-scan ng item. Na bahagya pang nanlaki ang mata pero hindi naman nag papansin, sumunod naman ang tingin sa kanya ang ilang customer na nakain ng instant noodles s

