CHAPTER 18

2002 Words
HINDI naiwasan ni Shantel ang paghanga sa malawak na mango farm ni Rafael. Pagpasok palang ng sasakyan nito sa b****a ng lugar ay namangha na siya, lalo pa at kasalukuyang namumulaklak ang mga puno doon. "Ang ganda naman ng mga mango tree dito sa farm mo, Rafael," sabi niyang hindi nagsasawa sa paglinga sa paligid. Tila ba'y napakagandang tawagin ang bumubusog sa kanyang mga mata. "Parang napakaraming bunga ng mangga ang aanihin mo sa dami ng bulaklak ng mga puno." Nagkuwento si Rafael kung paano pinabulaklak ang mga puno ng mangga. Ibinahagi pa nito sa kanya mga paraan kung paano malalamang magulang na ang mga dahon at sapat para wisikan ng flower inducer. "Flower inducer?" "Ang flower induction ay ang physiological process sa halaman o sa puno ng mangga kung saan ang ginagamit na potassium nitrate ay tumutulong para bumubuo ng bulaklak, na nagiging bunga..." Rafael also says that biochemical changes at the apex, particularly those caused by cytokinins, accompany this process. Habang patuloy na nagsasalita ang lalaki ay lalo naman siyang humahanga rito. Para sa kanya ay napatunayan nitong may alam talaga sa mundong ginagalawan. She really interested and she wanted to be a part of it. "It takes perseverance for the harvest to succeed. There's a lot to do, so, you have to be patient." Ngiting-ngiti siyang tumango habang nakatingin dito, na nakatuon ang mga mata sa harap ng kalsadang binabaybay ng sasakyan. I love patient person, Rafael, sa isip-isip niya habang nakatitig pa rin dito. I hope you will love me, too. Bigla niyang binawi ang paningin at itinuon sa harap ng kalsada nang tumingin sa kanya si Rafael. "Isipin mo na lang, there are eleven step sa loob ng one hundred twenty days na dapat gawin sa mahigit fifty mango trees na iyan. Mula sa pagpapabulaklak hanggang sa pagkapitas ng bunga." "Eleven steps?" "Yaph," tugon nitong muling tumingin sa daan. "Pagpapabulaklak, pag-aalaga ng bulaklak, pag-usisa sa bulaklak, pag-aalaga ng bunga, pag-usisa sa bunga, pagbabalot, pagpapain, pagdidilig, pag-aabono, pagpitas at pagkapitas." Tumangu-tango siya habang nakangiti. "Rafael, parang gusto kong matutohan ang mga ginagawa dito sa farm. Gusto kong maranasan ang pag-aalaga sa mango trees." "Are you sure, Shantel?" Kitang-kita niya sa mukha nito ang alinlangan. Alam niyang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. "Hindi biro ang mabuhay dito sa farm kung gagawin mo ang mga trabaho rito." “I’m really interested in the life that exists here on the farm, Rafael. I really want to experience it." Lumuwang ang pagkakangiti ni Rafael. Kinindatan siya nito. "Stay here. So, you can experience life here!" Pinamulahan siya ng mukha. Napatungo. Bigla siyang nahiya rito. Sinisi niya ang sarili kung bakit pa nasabi na intresado siyang mabuhay sa lugar na iyon. "SINO?" bulalas ni Shara nang marinig mula sa kasambahay na si Letty kung sino ang bisitang naghihintay sa kanya sa living area ng kanilang mansion. Inulit nito ang pangalan ng lalaki. Pakiramdam niya ay nanginig ang kanyang kalamnan ng matiyak kung sino talaga ang nilalang na iyon. "My God! Bakit ninyo pinapasok?" "Friend mo daw siya, senyorita. Saka mukha namang mabait. At..." Kinilig ito. "Guwapo." Nangunot ang noo niya dahil sa narinig. Pero hindi na niya kinontra ang sinabi nito dahil totoo naman. Guwapo talaga si Renz Montemayor. At sabi nga ng matalik niyang kaibigan ay hunk. Gayunpaman ay wala siyang pakialam. Basta ayaw niya sa nilalang na ito. Period! "Senyorita, bababa ba kayo?" Inilingan niya si Letty. Sumimangot siya. Wala siyang panahon para bumaba sa kuwarto para harapin ito. "Ho?" "Ayaw ko siyang harapin!" "Pero hinihintay ka niya, senyorita." "Tell him that I don't want to talk to him." "Kawawa naman ho si Sir Renz." "Sabihin mo sa kanya na umuwi na siya. No! Just tell him that I'm not here." Napakamot sa ulo si Letty. Halatang tutol ito sa sinabi niya at para bang gustong tumutol. Pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Go down, Letty," naiinis niyang sabi. "Tell to that man that I'm not here. Go!" Sumimangot si Letty bago umalis. Tila tinatamad itong humakbang paalis. Naiiling niyang isinarado ang pinto. "Mangulit ba?" bulong niyang lumapit sa kama niya. Umupo siya sa gilid niyon. "Akala yata niya ay madadala ako sa kanyang pangungulit. Matigas ka, Renz Montemayor!" Humalukipkip siya. Sumimangot. Naiinis talaga siya at nakilala ang lalaki sa paraang hindi maganda. Sana man lang ay hindi sa ganoong bagay at hindi ito nagmukhang bastos sa kanyang harapan. Para ano? tanong ng isip niya. Para ukulan mo siya ng pagmamahal? "Bakit hindi?" tugon niya sa sarili. "If he's really lovable, I should be treated him with affection." Bigla siyang napaigtad. Nagulat siya sa mga katok mula sa labas ng pinto ng kuwanto niya. Naiinis niyang sinapo ang sariling dibdib. Saka tumayo at lumapit sa pintuan. "Letty?" nausal niya matapos buksan ang dahon ng pinto. "Bakit na naman?" Ngiting-ngiti itong kinilig at iniabot sa kanya ang dalang bouquet of fresh flowers. "Pinabibigay sa 'yo ni Sir Renz, senyorita. Ang sweet naman. Kailan kaya ako makakatanggap ng ganyan?" "Sa iyo na iyan, Letty." "Talaga, senyorita?" sabi nito saka impit na tumili. Niyakap pa ang magandang bunggos ng mga bulaklak. "Naku, thank you ho." "Umalis na ba ang Renz na 'yon?" "Oho, senyorita. Nalungkot nga, e. Parang ayaw pang umalis. Parang... alam na narito ka talaga." "Hayaan mo siya. Bad naman ang Renz na iyon kaya ayaw kong harapin." "Bad?" tili ni Letty. Umiling-iling pa. "Parang hindi, senyorita. Ang totoo ho ay mukha siyang gentleman." "Mukha lang. Pero ang totoo ay bad siya at bastos. Sige na, Letty. Sa 'yo ang flowers na iyan at bumaba ka na. Next time ay huwag na ninyong papapasukin dito sa bahay ang Renz na 'yon. Okay?" Nanlaki ang mga mata ni Letty. Napa-awang pa ang mga labi. "You heard me right, Letty. Don't accept him again. Bye." Hindi na niya hinintay na muli itong makapagsalita. Isinara na niya ang pintuan at pinilit kalmahin ang sarili. Nang bigla siyang napatingin sa cellphone niya dahil tumutog ito habang nasa ibabaw ng bedside table. "Baka si ate," sabi niyang dali-daling kinuha ang gadget. Natuwa siya at na-excite. Lalo na nang makitang ang labing-isang numero. "Nakahiram na naman siguro siya ng cellphone..." Agad niyang pinindot ang accept button ng cellphone niya. "Hello," masigla niyang sabi. "Ate Shan?" "Hi," anang magandang boses-lalaki. "Are you Shara?" Napalunok siya. "Y-yes. Who's this?" "Hello, Shara," masiglang sabi ng lalaki sa kabilang linya. "I'm Renz. How are you?" "Renz..?" "YOU can stay in my house freely," kaswal na sabi ni Rafael matapos ihinto ang sasakyan sa harap ng lumang gate na bakal ng isang malaking bahay na may dalawang palapag. Yari sa semento ang baba nito at kahoy ang itaas. Maganda ang pagkakagawa nito at kahit luma na ay halatang matibay pa rin. "That's humble house is mine. Namana ko sa mga magulang kong sabay na namatay dahil sa aksidente. Excuse me..." Dali-dali itong bumaba sa sasakyan at agad na binuksan ang gate. Saka nagmamadaling bumalik. "Nag-iisa ako diyan sa bahay," sabi nito ng makasakay muli sa sasakyan at pina-andar papasok sa bakuran. "Pinakiki-usapan ko lang si aling Perla, na asawa ng trabahante ko sa farm kapag gusto kong magpalinis ng bahay." Inihinto ni Rafael sa harap ng bahay ang sasakyan. Inilinga niya ang paningin sa paligid kaya natanaw ang malawak na bakuran, na maraming halaman na halatang hindi naaalagaan dahil nasapawan na ng mga d**o. "Nag-iisa rito ang aking bahay," sabi pa ng lalaki na umikot sa unahan ng sasakyan at binuksan ang dahon ng pinto sa pick-up sa tapat niya. Iniumang nito ang kamay sa kanya para alalayan siya sa pagbaba. "Sa kabilang dulo sa kaliwang bahagi ng farm nakatayo ang mga bahay ng mga trabahante ko. Limang pamilya sila roon, na talagang naaasahan ko sa pagtatrabaho sa manggahan." "Thank you so much, Rafael," nakangiti niyang sabi nang makababa sa sasakyan. Agad niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Kanina pa kasi niya nararamdaman ang tila mapinong kuryente na gumagapang sa buo niyang katawan. "I really like your place." Pinaghawak niya ang sariling mga kamay na inilagay sa likuran. Kung hindi niya ginawa iyon ay napapislig siya dahil sa kilabot. "Sa iyo na rin naiwan ang farm ng pumanaw ang parents mo," sabi niya, na tinanaw ang mga puno ng mangga sa di-kalayuan. "Malaking suwerte dahil nag-iisa kang anak." Tumango si Rafael. Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot nang tumanaw sa manggahan. "Dito ko na inilaan ang buhay ko," sabi nito na ipinamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon. "Minsan ay nakakaramdam ako ng lungkot dahil sa pag-iisa. Sina papa at mama lang kasi ang halos nakasama ko sa buhay. Kaya namg mawala sila..." Tumungo si Rafael. Umiling. Nang muling tumunghay ay nagpakawala ng buntonghininga. "Sobra ko silang nami-miss. Kaya sabi ko sa sarili ko ay hindi mababayaan itong farm. Dito na ako mamatay..." Tuwid itong tumingin sa mga mata niya. Nasapo niya ang sariling dibdib at napalunok. Kinabahan siya dahil sa titig nitong iyon. She wanted to look down or avert his eyes but his gaze seemed to have a magnet. "... kasama ng babaing pakakasalan ko!" Nausal niya ang pangalan ni Rafael habang patuloy na nakapako ang tingin dito. Pakiramdam niya ay mahuhulog ang kanyang puso mula sa dibdib. "HINDI ako natutuwa sa pangungulit mo, Renz Montemayor," bungad ni Shara sa kabilang linya. Direkta talaga niyang sinabi dito ang saloobin. "Mas mabuti pa kung mananahimik ka na lang!" "Shara, naman," anitong bakas ang lungkot sa boses. "Huwag ka namang ganyan sa akin. Seryoso naman ang paghingi ko ng tawad sa 'yo. Sincere. Cross my heart." "Tigilan mo ako, alien. Kung plano mong makipagkaibigan sa akin, I'm sorry. You're not accepted." "It's so sad," he said. "I hope you will forgive me, Shara. Let's be friends. Please!" Hindi siya umimik. "Shara, magiging mabuti akong kaibigan. Promise. Babawi ako sa 'yo." Wala pa ring tugon mula sa kanya. "Ano bang gusto mo? Shara, sabihin mo sa akin kung ano ang gagawin mo para mapatawad ako. Pipilitin ko iyong gawin para sa 'yo." "Isa lang ang gusto kong gawin mo, Renz. Tigilan mo ako!" Hinintay niyang magsalita ito pero walang tugon. Nangunot ang noo niya. Ayaw sana niya pero hindi niya napigilang bigkasin ang pangalan nito, para alamin kung nasa linya pa ito. "Renz..." "I want to be your friend, Shara. Hindi ako matatahimik hangga't hindi mo ako tinatanggap." "Hindi ka talaga makaintindi, alien," mataas ang tono na sabi niya. "Hindi ka naman baliw para hindi ako maunawaan. So, please. Don't call me again." Naalala niya kung saan nito nakuha ang cellphone number kaya natawagan siya. Tinanong niya ito, na naging tapat naman at sinabing ibinigay ni Letty. "Antipatika talaga ang babaing 'yon," inis niyang sabi. "Ibigay ba ang number ko?" "Huwag kang magalit kay Letty, Shara. Kinulit ko lang siya." "Pareho kayong makulit!" sigaw niya. "At pareho akong nagagalit sa inyo." Hindi lang niya pinindot ang end button sa screen ng cellphone niya kundi tuluyan na itong ini-off. Ayaw niyang makatanggap pa ng tawag mula dito. "Naku, Letty," gigil niyang sabi nang ilagay sa ibabaw ng bedside table ang gadget. Parang gusto niyang sugurin at pagsasabunutan ang kasambahay. "Bakit nagpakulit ka sa alien na 'yon?" Hindi niya napigilan ang sarili. Lumabas din siya sa kuwarto niya para puntahan si Letty. Sisikapin niyang hindi ito saktan pero sa inis ay tiyak na makakarinig ito mula sa kanya ang hindi nito inaasahang salita. Nasa gitna na siya ng hagdanan ng masalubong niya ang mama niya. Agad nitong napansin ang inis sa mukha niya kaya nagtanong. Hindi naman niya inilihim dito ang gagawing pagkausap sa isa nilang kasambahay. "Antipatika kasi ang Letty na 'yan, mama. Biruin mong ibigay ang cellphone number ko sa Renz Montemayor na 'yon." "Renz Montemayor?" ulit ni Mama Shiela sa pangalang narinig. "Kaano-ano siya ni Mr. Buenaventura Montemayor? Hindi kaya anak siya nito?" tila nagningning ang mga mata ng kanyang ina. "Or kamag-anak?" Agad na naglaro sa isip niya ang bagay na sa tingin niya ay nabuo sa utak nito. Hindi niya gusto ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD