CHAPTER 20

2007 Words
WALANG nagawa si Shara kundi ang hintayin na lang si Renz na makababa mula sa sariling kotse. "Saksakan talaga ng kulit," bulong niya. "May tao pala talagang ganito?" Pagkababa nito sa sasakyan ay ngiting-ngiting kumaway sa kanya. Pinandilatan naman niya ito ng mga mata. Nameywang pa siya at sumimangot. "Wait," sabi nitong isinenyas pa ang kamay. "I have something for you." Binuksan nito ang huling upuan ng kotse. May kinuha mula sa loob. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang napakalaking teddy bear. "Ow," anas niya. Lihim siyang natuwa. Pakiramdam niya ay nakiliti ang kanyang puso. "What a teddy bear? It's fun." Lumapit si Renz na halos hindi na mayakap ang malaking manika. Iniabot ito sa kanya. "I hope you liked it, Shara." Tinanggap niya ito pero hindi siya ngumiti. "I'm not young anymore to give me this. Anyway, thank you so much." "I'm sorry for my awkwardness," seryoso nitong sabi. "Hindi talaga ako matahimik, Shara. Pasensiya ka na kung nagugulo kita." Napabuntonghininga siya. "Kaya lalo akong napipikon sa 'yo, Renz. Gigil na gigil na ako." "Sana ay maging magkaibigan na tayo, Shara." Hindi siya umimik. Iniiwas niya ang paningin dito. Tila may narinig siyang tinig sa likod ng kanyang ulo. Is the teddy bear you hug effective, Shara? Will you be friends with that alien? "No," nausal niya. Eksaktong napatingin siya kay Renz kaya inaakala nitong sagot niya iyon sa sinabi nito. Agad na lumatay ang matinding lungkot sa mukha nito. Tumungo ito at hindi na nagsalita. Pagkatapos nitong buntonghininga ay tumalikod sa kanya. Inihakbang ang mga paa papunta sa sarling kotse. Naibulong niya ang pangalan nito. Biglang nabagbag ang loob niya. Parang gusto niya itong tawagin at kausapin. Sumusuko ka na ba, Shara? tanong ng isip niya. Tatanggapin mo na ba ang pakikipagkaibigan ni Renz? Umiling siya. Tinanaw na lang niya ito hanggang sa makasakay sa sariling kotse. Pero nanatili sa dibdib niya ang hindi niya maipaliwanag na saloobin. Ang hindi niya matukoy na emosyon, na lalong tumindi ng pinaandar na nito ang sasakyan malabas sa kanilang bakuran. "s**t!" nausal niya. Napahigpit ang pagkakayakap niya sa teddy bear. "Ano ba talaga ang nararamdaman ko?" Nang wala na sa patingin niya ang kotse ni Renz ay iniakbang niya ang mga paa papasok sa main door ng kanilang mansion. Nakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Kaya matapos niyang pumasok sa sariling kuwarto ay humiga siya sa kama, na nanatiling yakap ang malaking manika. Parang may humila sa mga talukap ng mata niya at hindi na niya mapigilan ang antok. Nakatulog siya. Nahimbing. Mahimbing na mahimbing. Nang biglang may gumising sa kanya. Hindi niya alam kung paano siyang mapukaw ng maingat na paghaplos ng palad nito sa kanyang braso. "Renz..?" Agad siyang napabangon ng makilala ang lalaking nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Malungkot itong ngumiti. Pati sa mga mata nito ay isinisigaw ang kalungkutan. "Bakit narito ka? Paano kang nakapasok dito sa kuwarto ko?" "Magpapaalam lang ako, Shara..." "Ano? Bakit? Saan ka pupunta, Renz?" "Sa malayo..."  "Ano bang sinasabi mo?" "Baka hindi mo na ako makita, Shara. Aalis na ako..." "Renz," nausal niya nang bigla itong tumayo. "S-saan ka ba talaga pupunta? Sandali!" Parang hindi siya nito narinig. Patuloy itong umalis. At laking gulat niya nang tumagos ito sa dingding ng kanyang kuwarto. "My God!" bulalas niyang nasapo ang sariling dibdib. Nakadama siya ng takot. "P-paanong nangyari iyon?" Nandilat ang mga mata niya. Nagliwanag sa utak niya na kaluluwa na lamang si Renz. Tumagos ito sa dingding dahil patay na ito. "P-patay na si Renz? Isa na lamang siya kaluluwa?" Dahil sa takot ay napatili siya. "Hindi!" Bigla siyang nagising. Napabangon. Humihingal niyang nasapo ang sariling dibdib. "N-nanaginip ako," anas niya. Nang maglaro sa utak niya ang laman ng panaginip ay nayakap ang sarili. "Bakit ko napanaginipang patay si Renz?" Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. "Grabe naman," anas niya. "Sino ba itong caller?" Kinuha niya mula sa bedside table ang gadget. Ang pangalan ng bestfriend niya ang nagpa-flash sa screen. Sinagot niya ito. At laging gulat niya ng sinabi nito ang masamang balita. "Are you kidding, Harlene?" "No, Shara. Totoo ang sinabi ko. Renz had an accident. He's in a hospital right now." Nanlaki ang mga mata niya at napa-awang ang mga labi. Inatake siya ng nerbiyos dahil parang totoo ang kanyang panaginip. "BAKIT ba hindi ka mapakali d'yan?" tanong ni Carmina kay Melgar, na kanina pa lakad-balik sa opisina ng resort. "Ako ang nahihilo sa 'yo." Nabulsa siya. "Ate, nasaan na kaya si Shantel?" "Malay ko. Wala naman akong kapangyarihan para alamin kung nasaan siya." "Hindi kaya niya kasama ni Rafael ngayon?" "Hindi naman siguro," sabi ng pinsan niya na ikinibit ang mga balikat. "Wala namang cellphone si Shantel kaya sure ako na hindi sila nakapag-usap para magkita ngayon." "Nasaan siya ngayon?" tanong niyang muling naglakad-balik. "Ano kayang ginagawa niya?" "Dapat ay kaninang umaga ka pa pumunta rito, Mel. Sana ay sinamahan mo na lang si Shantel para alam mo kung saan siya pumunta." "Wala naman akong planong samahan siya, ate. Day-off niya kaya free siyang umalis para mamasyal..." "Alam mo naman pala, eh. Bakit namumublema ka d'yan? Manahimik ka nga." "Hindi kasi talaga ako mapakali. Hindi ako matahimik kaya ako pumunta rito. Gusto kong makita si Shantel at malaman kung nasaan siya." "Taong ito," naiiling na sabi ni Carmina. "Umayos ka nga. Shantel is fine. Okay lang siya kung saan man siya naroon ngayon." Sinapo niya ang noo. Saka ibinagsak ang kamay. "Huwag sana silang nagkita ni Rafael. At huwag sana siyang makakita ng bahay na mauupahan." "Melgar, please," may pagsusumamong sabi ng pinsan niya. "Relax. Huwag kung ano-ano ang iniisip mo. Nangako na sa akin si Shantel na hindi na siya maghahanap ng bagong mauupahan. Kaya sure ako na namamasyal lang siya sa bayan, na hindi kasama si Rafael." He sighed. "I hope so, ate. I hope she don't see Rafael again." "Calm-down," paalala ni Carmina. "Just sit-down and relax. Nahihilo na ako sa 'yo, eh." Umupo siya sa guest couch. Sinikap niyang maging kalmante at tumigil na sa pag-iisip. Pero hindi niya nagawa. "Ate, nakipagbati ka ba kay Shantel?" tanong niyang tumayo muli. "Hindi mo na ba siya inaway?" "Iyon ang utos mo, 'di ba? Ginawa ko. Maganda na uli ang samahan namin kagabi pa." "Mabuti naman. Ate, siguruhin mo na mananatili sa bahay mo si Shantel. Para hindi siya lumipat ng tirahan. Para habang narito siya sa resort ay hindi na mapupuntahan pa ni Rafael." Napangiti si Carmina. Kakaibang ngiti ang sumilay sa labi nito. Para bang may naisip itong kakaiba. Hindi naman nakaligtas sa kanyang patingin ang bagay na iyon. "Bakit, ate Carmi?" "Halika, Melgar," sabi nitong kumaway para lumapit siya. "May sasabihin ako sa 'yo. May ibubulong ako..." Kunut-noo siyang lumapit dito. Gusto niyang marinig ang bagay na sasabihin nito. NANG maramdaman ni Rafael na pababa na sa hagdaan si Shantel ay nakangiti niyang iniwan ang paghihiwa ng karne. Dali-dali niyang nilapitan ito matapos siyang maghugas at magpunas ng kamay. "Rafael," anas ni Shantel ng makita siya. "Bakit?" "Ingat ka sa pagbaba sa stairs," sabi niya ng nasa panglimang baitang na ito sa landingan ng mataas na hagdanan. "Baka mahulog ka." "Thanks sa concern," ngiting-ngiting nitong sabi. "I'll be careful for you." "Talaga lang," tugon niya. "Baka naman para sa iba?" Napatili si Shantel ng aksidenteng sumabit sa kanan ang kaliwang paa. Nawalan ito ng balanse kaya nahulog. "Shantel," sigaw niyang agad na humakbang papalapit para saluhin ang babae. Hindi ito tuluyang nahulog dahil nasalo niya. "Sabi ko namang mag-ingat ka..." Yakap niya si Shantel ng mahigpit. Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa kanya. "Nasaktan ka ba, Shan?" tanong niyang labis na nag-alala. "Are you okay?" Nagdilat ito ng mata. Nausal ang pangalan niya. "Salamat at sinalo mo ako..." Nalanghap niya ang mabango nitong hininga. Bagay na nagpasikdo sa kanyang dibdib. Ano pa't bumilis ang t***k ng puso niya. "Rafael..?" "Shan, I love you," pagtatapat niya. "Mahal kita. Totoo." "M-mahal din kita, Rafael." Dahil sa pag-amin ni Shantel ay tuluyan na siyang natukso. Labis niyang ikinatuwa ang narinig kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na halikan ito sa labi. Masuyo. Dahan-dahan. Naging mapagbigay naman ito. Hinayaan siyang gawin ang gusto niya habang nararamdamang yumayakap na rin ito sa kanya. Halata niyang hindi pa sanay si Shantel sa pakikipaghalikan. Hindi ito marunong tumugon sa kanyang halik. Pero naging matiyaga siya kaya unti-unti ay natoto na itong gumanti. Dahan-dahan siyang umupo habang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi. Pero naging maingat siya sa paggiya kay Shantel hanggang sa makaupo na rin ito. Ang haba ng kanilang halikan. Kapwa sila nakadama ng kasiyahan. Hanggang sa tila sumuko si Shantel at kumalas sa pagkakahinang ng kanilang mga labi. Nausal nito ang pangalan niya na tumitig sa kanyang mga mata. "Yes, I love you so much, Shantel," sabi niyang nilabanan ang titig nito. Gusto niyang maramdaman nito na tapat at wagas ang sinabi niya. "The truth is you're the woman I want to marry." Nalaglag isa-isa ang butil ng mga luha ni Shantel. Minsan pa nitong nausal ang pangalan niya saka yumakap sa kanya ng mahigpit. "SASAMA ka ba, Shara?" tanong ni Harlene sa kabilang linya ng cellphone. "Let's go to the hospital to visit Renz." Umiling siya, na dahil hindi naman niya kaharap ang matalik na kaibigan ay hindi nito nakita. Kaya sinabi nito na hihintayin siya sa opisina at sa kotse niya ito sasakay papunta sa ospital. Napangiwi siya. Lihim niyang sinisi ang sarili sa hindi agad pagsagot. Ngayon ay hindi na siya nakatanggi pa. "What time ba ako pupunta riyan?" tanong niya. "Tatawagan na lang kita sa cellphone para hindi na ako umakyat. Ikaw na lang ang bumaba habang naghihintay ako sa parking area." Pumayag si Harlene. Sinabi nito ang oras na available ito. "You should be here on-time." "Of course," tugon niya. "I'll be there before five. Sure." Nagpasalamat ito saka nagpaalam na. Nang wala na ito sa linya ay bumuntonghininga siya. Pinindot ang end button ng call at napailing. Ang totoo ay napilitan lang siyang sumama. Wala sana siyang balak dumalaw kay Renz pero sinadya yata ng pagkakataon na hindi siya nakatugon para asahan siya ni Harlene. "Hindi bale na," bulong niya. "Baka nga kailangang dumalaw ako kay Renz. Mabuti na ring makapunta ako." Paglingon niya ay nakita ang malaking teddy bear na ibinigay ni Renz. Biglang naglaro sa utak niya ang lalaki. "Ano kaya ang lagay niya?" tanong niya sa sarili na kinuha ang manika. Niyakap niya ito. "Sana naman ay hindi grabe ang lagay niya. Huwag naman sana siyang..." Mamatay! Parang malakas na isigaw sa tenga niya ang bagay na iyon. Nangilabot siya. Muling nanumbalik sa isip niya ang masamang panaginip. "Hindi pa mamamatay si Renz," sabi niya. "Makaligtas lang siya ay makikipagkaibigan na ako sa kanya. Promise." Seryoso siya sa sinabing iyon. Kahit hindi niya nagustuhan ang ginawa nito noong una silang nagkakilala ay ayaw niya itong mamatay. Hindi niya gustong mapahamak ito at mawala ng ganoon na lang. "Tingin ko naman ay may kabutihan din siyang itinatago," sabi pa niya. "Na ngayon nga ay unti-unti na niyang ipinakikita." Napangiti siya sa naisip na iyon. Sabi pa niya sa sarili ay thoughtful si Renz. Mahilig pagbigay, na sana ay hindi pakitang tao lamang. O sa una lang. Bahala na, sa isip-isip niya. Mas makikilala kita kapag naging magkaibigan na tayo, Renz Montemayor. Umaasa akong magiging mabuti ka para magkasundo tayong dalawa. Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang nanabik na makita ang lalaki. Parang gusto na niyang matiyak kung ano talaga ang kalagayan nito. Iniharap niya ang teddy bear at kinausap ito. "I hope your brother is really kind. I wish, we could get along and be good to each other." Nakangiting pinisil niya ang ilong ng manika. "Nagpakita kasi ng bad attitude ang kuya mo, teddy bear. Kaya nabansagan ko siyang alien dahil para siyang hindi tao." Humagikhik siya. "But he's generous, ha. So, I've been a little kind to him. At kapag nagpatuloy siya sa pagiging mabait... may paglalagyan siya sa puso ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD