CHAPTER 29

2009 Words

NANG dumating sa Manila ang bus na sinakyan ni Shantel ay hindi niya naiwasang umiyak. Iyon ay bunga ng pasasalamat sa Diyos dahil payapa siyang nakauwi at siyempre ay bunga ng lungkot dahil malayo na siya sa lalaking minahal niya. Naisip niya, ano kaya ang naging reaction ni Rafael ng malamang umalis na siya? Umiyak kaya ito dahil nasaktan habang binabasa ang iniwan niyang sulat sa ibabaw ng kama? "Sorry, Rafael," bulong niya sa sarili habang pinupunasan ang mga luhang patuloy na nalalaglag sa mga mata niya. "Hindi ko gusto ito pero hindi naman ganoon katigas ang puso ko..." Ang totoo ay naawa siya kay Janette na dahil sa pagmamahal sa lalaki ay umuwi pa ng Pilipinas para ayusin ang nasira nilang relasyon. Naisip niyang magparaya na lang kahit mahal niya ang boyfriend tutal naman ay ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD