PAGAK na tumawa si Janette. Hinagod ng nakaka-insultong tingin si Shantel habang umiiling. "Sayang ka, miss. Nagpaloko ka kay Rafael. Kung ako ikaw... aalis na ako sa bahay na ito dahil wala kang mapapala dito." "Wala kang pakialam sa buhay ko," sabi niyang patuloy na nagtitimpi ng galit. Hindi niya gustong makipag-away sa isang estranghera pero wala din naman siyang balak magpa-api dito. "Huwag mo akong turuan kung ano ang dapat kong gawin." Hindi na siya tinugon nito pero humahalakhak na lumabas ng bahay ni Rafael. Agad naman niyang isinarado ang pintuan. Dahil hindi niya inaasahang may darating na taong magpapakilalang girlfriend ng lalaking minahal na niya at desidido ng pakasalan ay parang sasabog sa sakit ang kanyang ulo. Niloko mo ako, Rafael. Nagsinungaling ka. Hindi mo sinabi

