Samantha Magmula ng mangyari ang aksidente ay nagbago na ang lahat sa kan'ya. Parang bumigat ang pakiramdam niya at feeling niya ay napaka-iresponsable niyang ina. Nawalan siya ng ganang mabuhay. Madalas ay gusto niya lang mapag-isa at natutulala, gusto man niyang labanan ito pero parang nahihirapan siya. She wants her babies back. Kagaya ngayon, akala niya ay okay na siya pero kanina ay may nakasalubong silang buntis na babae ay parang gusto niyang magwala. "Wife, are you okay?" seryosong tanong sa kan'ya ni Allen. Pero mas pinili niyang umiwas at hindi magsalita. Mabilis silang bumalik sa may hotel room nila dahil alas otso na rin ng gabi. Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo, gusto niya kasing mapag-isa, pero sa pagpasok niya ay tila may boses siyang naririnig. Iyak ng isang sa

