"Wife, how are you? Napagod ka ba sa biyahe?" Tanong niya sa asawa niya nang makabalik sila sa bahay nila. Bahagyang tumango lang ito pagkatapos ay humiga na sa kama. Ang mga anak naman niya ay nagpapahinga na rin sa mga kwarto nito. Nang makitang nakapikit na ang asawa niya habang nakahiga ay marahan siyang naupo sa may couch bago napabuntong-hininga. Hindi siya pwedeng mapagod dahil nakasalalay sa kan'ya ang lahat. His company, his children and his wife. Akmang papasok na siya sa may banyo nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nang tignan ay nakita niya ang pangalan ni Karla sa may screen. Ilang sandali bago muna niya ito sinagot. "Yes, hello?" "Good evening po Sir, nakakaistorbo po ba ako?" "No, why did you call? May problema ba?" "Uhm, nakakahiya man pong sabihin sir p

