Dahil sa pangingirot ng kamao niya ay hindi niya magawang makapagtrabaho ng maayos. Ang isang kamay na gamit niyang panulat kasi ang napuruhan. "Damn!" inis na sabi niya. Saglit naman siyang natigilan nang may kumatok sa may pintuan niya. "Come in." Kita naman niya ang seryosong si Karla habang may hawak itong plastic na may nakalagay na picture ng pulang bubuyog. Mabilis siyang napakunot-noo nang ilapag nito ang supot sa may table niya. "What is this?" "Pagkain po, Sir," seryoso pa rin na sabi nito. "Are you serious? Yes I know pagkain iyan. What I mean is bakit mo sa akin bininigay? I don't remember anything that I ordered a food." "Alas-tres na po kasi, hindi ko pa po kayo nakikitang lumalabas. Pasensiya na po at iyan lang ang nakayanan ko--" "Why are you doing this?" putol

