Akala ni Allen, nang kausapin niya si Samantha ng maayos ay ganap na nitong maiintindihan ang lahat pero nagkamali siya. Mula kasi nang mag-usap sila ay bihira na lamang itong magsalita. Palagi na lamang itong nakatulala at gusto laging mapag-isa. "Wife, hindi mo raw kinain ang hapunan mo sabi ni Alexander. May masakit ba sa iyo?" seryosong tanong niya rito nang dumating siya galing opisina. Pero nakatingin lang ito sa may puting kurtina at ni hindi siya sinasagot. "Wife." At hinawakan ito sa magkabilang mga kamay. Hindi ba ay malapit na ang birthday mo? Maybe we can go out of town? Isama natin sina Franco at Mara," nakangiting titig niya rito. Tumango lang ito at umalis na papunta sa may kama at tuloy-tuloy na nahiga. Imbis na malungkot ay napangiti pa siya dahil atleast ngayon ay n

