"Wife?! Did I heard you right?" Masayang tanong niya rito nang harapin niya ito. Pero nakatitig lang ito sa kan'ya. Tila naghihintay ng isasagot niya. "May tinulungan lang akong tao na nangangailangan ng agarang tulong," seryosong sabi niya. Matagal niya itong tinitigan at naghihintay ng isasagot nito pero wala itong naging tugon. Bumalik na naman ito sa pagiging tahimik. "Wife, are you excited for our trip?" mamayang alas-tres na kasi ang alis nila papunta sa Panglao Island sa may Bohol. Pero katulad kanina ay wala itong naging tugon. "Our kids our very excited. Ngayon na lamang kasi tayo makakapamasyal ng mga bata." Nakangiting baling niya pa rin dito. Mahirap man makipag-usap sa taong ni ayaw kang kausapin ay pinipilit niya pa rin na maging malakas. Kagaya nga ng pangako niya, h

