NOBYA

1862 Words
Arliya Villarreal MAAYOS ANG NAGING simula sa scholarship na handog ni Mr. Sandro Ciejo sa akin. I took my papers to my previous school. Dalawa lamang kami sa napakalaking mansyon, hindi rin ganun kabigat ang trabaho lalo na at siya lang naman ang pinagsisilbihan ko. Nasa lamesa ako at nakapangalumbaba habang tinitignan ang form kung saan may mga personal details akong dapat ilagay. “Anong kurso ang kukunin mo?” Napaangat ako ng tingin kay Mr. Ciejo sa tabi ko. Nag-aayos ito ng necktie niya at pormal ang kasuotan. Ang pamilyar niyang amoy ay naamoy ko. “Pinag-iisipan ko pa ho.” He crouched and put his one hand behind my chair. Pigil ang paghinga ko nung ang mukha niya ay malapit sa gilid ko. Sinusuri ang mga kursong pagpipilian sa form. “Ikaw ho, Mr. Ciejo… anong kursong natapos mo?” I swallowed hard as I stared at his face, matangos ang ilong at mapupula ang labi. “Accountancy, CPA passer,” paos niyang sagot at bumaling sa akin. Napaiwas ako at tinignan ang mga kursong nasa papel. “Ano ba ang gusto mo?” the gentle on his voice touches my heart. Hindi ko mapigilang mas pumungay ang titig sa kanya. I looked away and tried to gather my senses back. Ano nga ba ang gusto ko? Kaya ko ba ang gusto kong kurso? Kumunot ang nuo ko at napaisip. But the scent of him is kind of distracting me. Especially on the corner of my eyes, I saw him intently watching me. Waiting for my answer. “E-engineer. Civil Engineering.” I licked my lower lip. Dad doesn’t approve of that kind of work for me. He always assumed that I was fragile, soft, and a bit skinny on that job. Iniisip niya ay mabibigat na trabaho ang ginagawa rito. “You want to be an Engineer,” he stated and laughed tenderly. Umayos siya ng tindig, inayos niya rin ang suit. “Kung ganun ilagay mo riyan. Magkakaroon ako ng estudyanteng Engineer.” He smiled with amusement. “Tingin mo ayos lang kung yun ang piliin ko?” “Bakit naman hindi kung yun ang gusto mo?” kumunot ang nuo niya. “Baka kasi gusto mo magnegosyo rin ako katulad ni Dad.” Humarap ako sa kanya at pinatong ang isang braso ko na may hawak na ballpen sa likod ng silya. “Just like everyone else. They want me to continue my dad’s legacy in the business industry.” Tiningala ko siya. I will consider his choice, total siya ang magpapaaral sa akin. “Dahil magaling ang ama mo. But you have to choose where you’re good at Liyah. Lawrence’s expertise is in business. Baka ikaw ay sa establishments, buildings…” he trailed like couldn’t imagine it himself but in the end just curved a small smile on his lips. Sa paraan ng pagsambit niya ng pangalan ni Dad, pakiramdam ko ay ang laki ng agwat ng edad nito sa akin. He is probably… 24. I’m not sure though, ang bata niya naman para maging CEO. Hindi rin impossibli, baga tagapagmana ito. Maybe it came from generational wealth? Dunno. “Kung ano ang gusto mo. Yun ang piliin mo.” Sinulyapan niya ang wristwatch nito at inayos ang relos. “I have to go. Kailan ka mag-eenroll? I have a conference in Shanghai tomorrow. Maiiwan ka mag-isa rito, I hope you locked the house properly while I’m not around.” “How about your girlfriend Mr. Ciejo? Hindi siya dadalaw sayo?” His head moved like stretching. “Pagbalik ko ang bisita niya. Yeah, you should clean her room. And the mansion.” Muli niya akong sinulyapan. “Kailan ka mag-eenroll kung ganun?” “Ah! Sa Monday daw. So I need to get my papers and essential documents from my previous school.” “Magpasama ka kay Fred. Ipagmamaneho ka niya sa mga lakad mo.” Binuksan niya ang wallet, ngunit ang tuon ko ay wala rito kundi nasa kanyang makikisig na galaw. I know my boundaries, I just admire him and I don’t think there is something wrong with it. I admire him for being composed, manly, and intellectually fascinating in business, and for how he manages… people. How he encourages me and believes in me… “Buy some groceries. Isabay mo na rin bilhin ang mga kakailanganin mo sa escuelahan.” Inabutan niya ako ng card. “Ilang araw ka ho ba sa Shanghai?” “After Shanghai, I have another urgent errand to do in Belgium, matatagalan ako roon ng ilang araw.” His jaw moved when he suddenly noticed the shift in my emotions. “Fred will be here. Mapagkakatiwalaan iyun, but I want you to still lock the doors properly.” Marahan akong tumango. Natawa ito at napanguso. “May gusto ka bang pasalubong?” there is a teasing sound in his voice. Sa pagpipigil ng ngisi at tuwa ko ay pagkunot ng nuo ang aking nagawa. I pouted my lips thinking thoroughly about it. Pero sa loob-loob ko ay gusto na lamang mapangiti ng matamis. “Anything will be fine, Mr. Ciejo. Wala naman ho akong kailangan.” I swallowed hard. “All the things that I might need are here.” “Souvenir? Wala? Kahit ano?” he urges. I bit my lower lip. Hindi ba late na siya? Hindi pa ba siya aalis? Magsasalita pa sana ako ngunit dumungaw na sa kusina si Mang Fred at ngumisi. “Ready na ang sasakyan, Sandro!” I have noticed one thing, Fred seems like not just a driver of Mr. Ciejo. Tila ba malapit na rin itong empleyado sa kanya. Mr. Ciejo quickly glanced at his wristwatch and turned around to walk out of the kitchen. Inabot nito kay Mang Fred ang briefcase niya. Napangalumbaba muli ako habang tinatanaw itong naglalakad palabas ng silid. Even him walking out of the room only sighting his broad back and shoulders is still, admirable. Bumagsak ang tingin ko sa hawak na kulay itim na card. THE NEXT COUPLE of days, Mr. Sandro Ciejo was still out of the country. Maayos naman ang naging lakad ko kasama si Mang Fred. Matapos kong mag-enroll ay namili na rin ako ng gamit na maaaring kailanganin ko sa escuelahan, sa college. “The Villareal’s Daughter. His father created an empire and left it with her… wreck abandoned.” “Ow! The owner of high-end malls and condominiums in Metro?” “Karma, Villareal are one of a selfish family. That’s what I’ve heard in various parties. Hindi tinutulungan ang mga relatives nila noon. Kaya ayan, kinarma. Wala tuloy malapitan.” Naghagikhikan ang mga babaeng naka-uniporme na dumaan sa gawi ko. Ni hindi ko sila kilala, ngunit kung pagbulungan ay tila ba alam ang buong pagkatao ko. I smiled bitterly, totoo naman. My life has been exposed to the public. Nanuyo ang lalamunan ko at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng Unibersidad. Hindi ko hiniling na sa mamahalin at mataas na standard ang papasukin ko. Sapat na sa akin ang simple lamang at kasya sa pera ko. Ngunit ito ang nais ni Mr. Ciejo. He wants me to graduate from a University that will bring good credentials to my background. I WAS PREPARING dinner when I heard the beeping sound of a car outside. Nagpaturo ako kay Mang Fred magluto ng adobong manok dahil ngayong gabi ang balik ni Mr. Sandro Ciejo. Kung kaya agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko at may pagmamadaling pumunta sa sala. But my smile vanished when I realized that it was not Mr. Sandro Ciejo alone who just entered the living room. Nagtago ako sa gilid ng pader at sumilip sa kanilang dalawa. “You’re drunk, babe…” bulong ni Mr. Ciejo sa tainga ng dalagang hawak niya sa baywang na nakahilig na sa kanyang dibdib dahil sa pagkalasing. Napalunok ako at sinubukang dumungaw para mas matignan ng maayos ang nobya nito. I tiptoed and gradually lifted my head to see the woman. But I immediately get distracted by Mr. Ciejo’s sweet kisses on the woman’s cheek. Mr. Ciejo licked his lower lip and held the woman’s chin. Inangat niya iyun kasabay ng kanyang pagyuko para halikan ito sa labi. And like magic, their body clicks and knows what’s the next thing to do. Pinulupot ng babae ang braso sa batok ni Mr. Ciejo. Habang hawak niya ang dalaga sa baywang. Mas lumalalim ang halikan nilang dalawa. I pressed my lips together and hid from the wall when Mang Fred entered. Buti na lang ay hindi niya ako nakita dahil nakaharap lang ako sa pintuan. “Sandro… baka makarating ito kay Madam. Iuuwi ko na siya,” Mang Fred interrupted. I heard the woman groan in annoyance. Kumunot ang nuo ko sa narinig. “I’ll stay here, Fred. Dito ako matutulog!” sa unang beses ay narinig ko ang boses ng babae. The voice is quiet and demanding but filled with authority. A voice from a grown-up woman who may be drunk but can still handle herself with decency. “Sandro… let me stay,” paglalambing ng dalaga. “Mr. Ciejo,” seryoso at may pagkapormal ng sambit ni Mang Fred. Hindi na ako nakatiis at dumungaw muli para tignan kung ano ang nangyayari. Bakit pauuwiin ang dalaga? Nobya niya naman ito, hindi ba yun naman ang gusto ni Mr. Ciejo? “Magagalit si Madam kapag nakaabot ito sa kanya,” mababang usal na dagdag pa nito. Naabutan ko si Mr. Ciejo na nakatingala, umigting ang panga at iritabli ang mukha. Bumaling ako sa nobya niya, ngayon ay mas kita ko na ng maayos. She is tall with tan skin, mahaba ang buhok na kulot sa dulo. And most of all, her Spanish beauty makes her more attractive. Pang-beauty Queen ang dating. Sa tangkad at kurba ng katawan niya. “It’s alright, Fred. Hindi ito makakarating kay Mama,” may accent ang huling salitang binigkas ni Mr. Ciejo. His accent appeared to be expensive. “Hear that Fred? I’ll stay for the night.” Pumameywang ang babae at ngumisi. Sandro just pursed his lips as he tried to hide the smirk when Mang Fred had no other choice but to leave them in the living room. “I hate your driver. Baka mamaya siya naman itong nagsusumbong sa pamilya mo?” she rolled her eyes at Mr. Ciejo. Akmang susuyuin na niya ito ngunit aksidenting napunta sa gawi ko ang tingin ni Mr. Ciejo. From the parted mouth, he licked his lower lip as he stared at me. I bowed my head at him, pagpapaabot ng aking pagbati. Umatras ako at tinalikuran silang dalawa. Ang nobya ni Mr. Ciejo ay halos malapit na sa depinisyon ng perpekto. Ano pa ang kulang at hindi ito sasang-ayunan ng mga magulang niya? Baka hindi matalino? Maganda at mayaman naman tignan, may class din. Baka sa ugali naman bumagsak? I shrug it off. Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanda ng dinner para sa kanila. They seem pretty sweet to each other. Ngayon ay napapaisip ako, paano kaya magmahal si Mr. Ciejo? Does he showered gifts his woman? Exert effort? Or touchy? Probably the latter part.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD