Arliyah Villareal
ANG INIT MULA sa bathtub ay nagpaginhawa sa nararamdaman ko, nagpapawi sa lamig na halos ikamatay ko kanina. Gusto kong sisihin ang sarili ko at hindi naging handa sa paghahanap ng matutuluyan. Pero paano ako magiging handa kung wala naman akong sapat na pera?
Napaahon ako ng kaonti mula sa pagkakahiga sa bathtub dahil sa katok na narinig mula sa bathroom ng silid ni Mr. Sandro Ciejo, ang master’s bedroom. Hindi ko alam kung bakit dito niya ako piniling pagamitin ng bathroom. Kung pwedi naman sa kuwarto ko.
“Arliyah?” he called in a deep voice after two knocks on the door.
“Hi-hindi pa ho ako tapos maligo.” Ninanamnam ko pa ang init ng tubig sa katawan ko.
“Yeah, just wanna tell you that I will be in the kitchen. After you do your thing, just go downstairs so you can drink hot coffee. Do you drink coffee… or do you prefer chocolate drink?”
I bit my lower lip.
“I… I don’t drink coffee.” Anything will be fine. Wag lang kape.
Narinig ko ang pagtikhim niya.
“Chocolate drink then?” I can sense the playful tone of his voice.
Ayokong maging pabigat. Dahil lang lumaki ako sa marangyang pamilya ay ayokong umarte na tila kailangan pang pagsilbihan. I no longer belong to an elite and wealthy family. The glamour of life was already taken away from me.
“Ka-kahit ano ho… Mr. Ciejo,” I addressed formally. “Salamat ho.”
“Hurry up. Huwag kang masyadong magbabad sa tubig. Your bag and luggage are already here in my room. You can check your things. Lalabas na ako,” paalam nito at narinig ko ang mabibigat niyang yapak hanggang sa nawala na ito.
Napalubog ako sa ilalim ng tubig matapos maalala ang kahiya-hiyang ginawa kanina. Hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa ganung sitwasyon. Bakit ba ako mahihiya? He is a stranger anyway. Hindi niya ako kilala, hindi ko rin siya kilala. Kilala niya ang ama ko…
Ilang minuto pa akong nagbabad sa tubig hanggang sa napagpasyahan ko ng lumabas ng bathroom. Sinuri ko ang silid at may iilang gamit na agad roon na nasa ayos na. I try to peek in the huge walk-in closet that I used to roam around when I was a kid and play with stuff of my mom.
Marami na siyang gamit na nandoon, nakaayos ang ilan. May iilan din na mukhang hindi pa naaayos. Napatalon ako sa gulat sa malakas na kulog at kidlat mula sa labas. Bago pa muling lamigin ay nag-squat na ako sa harapan ng maleta ko at binuksan iyun.
“Lahat ay basa…” mahinang usal ko sa sarili habang iniisa-isa ang mga damit para maghanap ng pupuweding susuotin. Ngunit sa huli ay wala akong makitang tuyong damit, mayroon ngunit hindi masusuot dahil mamasa-masa rin ang mga ito.
Inayos ko ang suot na bathrobe sa pagtayo. I was biting my nails as I walked out of Mr. Ciejo’s room. Sumilip ako sa malaki at mahabang hagdan. Napalunok ako at nagsimulang tumapak sa baitang pababa ng hagdan. Hawak ang railings nung marinig ko ang mabibigat na yapak paakyat. Namilog ang mga mata ko at nagmamadaling bumalik ngunit huli na at namataan na ako nito.
“Where are you going?” Narinig ko mula sa likuran ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan habang siya ay mas lumapit sa akin. “You haven’t changed, the food is ready on the table.”
Pumihit ako paharap sa kanya at naabutan ko itong hubad pa rin ang pang-itaas na parte ng katawan. Hindi ko maiwasan na pasadahan ang maganda at matigas na hubog ng kanyang braso at balikat. Ang panga niyang umiigting at naglalarong titig. Seryosong mukha na may kamaligan.
“Kukuha lang ako ng damit sa kuwarto ko,” paalam niya.
Hindi pa rin ako gumalaw at mabilis na umiwas. I was too obviously staring at him for so long. I licked my pale and cold lips, malamig ngunit nakahubad siya. O sadyang ganito talaga ito sa bahay? Sinulyapan ko ang tanging saplot na suot niya. Faded jeans and metallic buckle belt, it is also robust and rigid just like his body. Defined, firm, and manly.
“Arliyah, you’re going out only wearing a bathrobe?” Mas lumapit siya sa akin at pinasadahan ang suot ko. Basa pa ang buhok ko na hindi pa nasusuklay. “Mas lalamigin ka. Namumula kana, oh. Sa lamig pa rin ba yan?” kaswal niyang tanong at umangat ang gilid ng labi bago ako nilampasan.
Doon lamang ako nakabalik sa ulirat at sumunod sa kanya.
“Ba-basa ho ang mga damit at gamit ko, Mr. Ciejo.” Natigilan siya para mabilis akong sulyapan. “Wala akong damit...” Nagtama ang mga mata namin kaya agad na bumagsak ang tingin ko sa lapag at napanguso. Nahihirapan akong napalunok, kanina pa ako ginagapangan ng kahihiyan at dumagdag pa ako bilang konsumisyon.
“Well, I can lend you some of my clothes. We will get your things dry.” Tinalikuran niya ako at pumasok sa loob ng kuwarto niya. I followed him at naabutan ko na itong nasa walk-in closet niya. Naghihintay ako sa gilid ng mga gamit ko, nakatayo at paminsan-minsang sumusulyap sa kanya.
I glanced again and caught him wearing his shirt. His reflexes are defined, making our age differences evident. I cannot help but notice our age difference. Adding to it is his height. I am not short, I consider myself tall… before. Pero ngayong naandito siya ay napapaisip ako kung matangkad ba talaga ako. He is tall, with a tanned skin complexion. He is not that tan, pero siguro masyado lang akong maputi kaya nakikita ang pagkakaiba.
Nang mapansin kong pabalik na siya sa akin at mabilis akong umiwas ng tingin mula sa panunuod sa kanya.
“Here. Wear this for now.” Binigyan niya ako ng sweatshirt na kulay itim. Mabilis ko iyong kinuha ngunit napanguso nung may mapansin na kulang.
Tiningala ko siya, he looked down on me and his dark brooding eyes met my gaze.
“Ahm… undergarments?” I mumbled at him while my head was a bit lifted because of his tall height. Para akong batang humihingi ng kailangan sa kanya. He let out a soft unbelievable chuckle and rested his both hands on his waist, tilting his head a bit.
“I don’t have panty and bra, baby.” He licked his lower lip after he chuckled.
Uminit ang pisngi ko at umiwas ng tingin. My eyes landed on his chest as I kept my cool composed.
“S-sa girlfriend mo? Baka may gamit siya rito? Shorts will be fine for me.”
Hindi ito umimik kung kaya napasulyap ako sa kanya at naabutan ko ang naninimbang niyang titig. I just want something to wear underneath, especially on my lower body.
“I just moved out here, Liyah. I don’t have her stuff yet.” he pointed out. Oo nga pala! “You want boxer? But I don’t think it will fit in you.”
“Pu-puwedi kong subukang sukatin.” Bumaba ang tingin niya sa pang-ibabang parte ng katawan ko.
“Hmm…” he mumbled softly as his lips twisted restraining himself to smile.
Tinalikuran niya ako at muling pumasok sa walk-in-closet para kumuha roon ng hinihingi ko. I don’t really want to be a headache but I just can’t roam around while he is in the house wearing nothing on, kahit shorts lang sana.
“I don’t have bra for you. I think you will be fine not wearing one. That sweatshirt is thick. So don’t worry, wala akong makikita.” I heard him from the walk-in-closet. Umupo ako sa kama at hinintay siya.
Bumalik ito at inabot sa akin ang napiling boxer. Tinignan ko iyun at napanguso nung mapansin na maluwag nga ito.
“Ah! I have clothespin, I can use it so this would fit on me,” masaya kong pahayag sa kanya at ngumiti matapos maalala ang kahalagahan ng gamit ko ngayon sa pagkakataong ito.
He pursed his lips and his adam’s apple moved. Tumango siya at bumagsak ang tingin sa mga gamit ko.
“Tutulungan kitang magpatuyo ng mga gamit mo mamaya. Kumain muna tayo sa baba… I’ll leave you so you can change.” Magpapasalamat na sana ako ngunit may pagmamadali na itong lumabas ng kuwarto at sinarado ang pintuan. I stared at the door, holding his clothes. Ang sweatshirt niya ay nilapit ko sa ilong ko at agad naamoy ang pabangong panlalaki na ngayon ko lang naamoy. Walang katulad.
A smile curved on my lips. Agad akong tumikhim at inayos ang sarili ko. I dressed myself inside the bathroom and goes out wearing Mr. Ciejo’s clothes on me. Nagpabango rin ako tulad ng kinasanayan ko, dahilan para maghalo ang amoy ng pabango naming dalawa sa katawan ko.
Pumasok ako sa kusina at naabutan ko itong nakatayo at nakahilig sa counter. His arms were rested under the countertop, ang ulo niya ay nakayuko ng kaunti habang sumisimsim ng kape niya. I took a few steps closer to him, until he noticed my presence and slowly lifted his head to watch me. Para bang bumagal ang oras sa paraan ng pagtitig niya sa akin, pinasadahan nito ng tingin ang suot kong damit niya.
“My sweatshirt looks cute on you,” he commented that made my face heated. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang upuan sa tabi niya. “Sit here. I’ll get your drink.” Tinalikuran niya ako at dumiretso sa sink.
Umupo ako at inayos ang sarili sa stool bar chair. Bumalik siya dala na ang tasa para sa akin. Matapos ilapag sa harapan ko iyun ay umikot ito sa counter at doon umupo. Humigop muna siya ng kape bago naninimbang akong tinignan.
I cupped my cup using my both hands. Ramdam ko agad ang init nun sa palad ko. Mabilis kong inangat para mainom. Sa pagmamadali ay napaso pa ang labi ko kaya muntikan ko itong mabitawan. Mabuti na lang at agad na kinuha sa akin ni Mr. Ciejo.
“That’s why it’s called hot chocolate,” he uttered teasingly and looked at my lips. “Napaso ka ba? Dahan-dahan lang, para sayo yan. Walang aagaw, Liyah.”
Napanguso ako sa panunuya sa boses nito. Inayos niya ang tasa sa harapan ko bago binagsak muli ang saliri sa upuan. Sumimsim siya ng kape at naroon pa rin ang paglalarong ngisi sa labi.
“Bakit ka bumalik? Basang basa sa ulan.” Napalunok ako habang hawak pa rin ang pang-ibabang labi, hindi naman napaso pero masakit ng konti. “Did my secretary informed you that you will leave this house today? Para kang palaboy kanina sa labas…” he commented and straightly drink his coffee.
“Nasabi naman ho.”
“Kung ganun bakit nasa labas ka pa rin kanina? Para kang pinalayas ng biglaan.” Seryoso ito ngunit kaswal lamang ang paraan ng kanyang pakikipag-usap. “You want bread?” alok niya sa gitna ng pag-uusap namin.
Tumayo siya at pumunta sa kabilang counter. Hindi man ako sumagot ay naghanda na ito ng tinapay para i-toast.
“Wala ka bang matutuluyan? Where are your relatives?” Humarap siya at humilig sa counter, pinagkrus ang braso at tinaasan ako ng dalawang kilay. “I’m asking you, Miss Villareal. This is no longer your home like you can go back anytime you want.”
Napatikom ako ng labi at yumuko.
“Umuulan pa. Aalis din ako agad,” mahina kong sagot at sumulyap sa labas ng bintana.
“Saan ka tumutuloy o tutuloy kung ganun?”
“Hotel.”
He scoffed and fixed his stance. Pakiramdam ko tuloy mali ang naging sagot ko.
“Bakit sa hotel? You know the expense of a hotel? Bakit hindi ka tumuloy sa mga kamag-anak mo? Mayroon ka naman siguro, diba? Your Tito, I heard that he was also a businessman who used to live here for a couple of weeks.”
He knows? Of course he did! Bahay na niya ito, dapat lang alam niya ang nangyayari sa mansion.
“Hi-hindi ako tatanggapin ng mga kamag-anak ko. I… I can stand on my own. I’m eighteen!” I proudly said as I looked at him with courage. Pero habang tumatagal ay nanghihina ako at tila hindi nakukumbinsi sa sinabi.
“And you should be in school.” Inayos niya ang baso sa gilid at malalim na napabuntong hininga.
“Hindi na ako papasok. I’ll be working and sustain my needs. Tapos… kapag may pera na ako tsaka na ako mag-aaral ng college.”
Natawa siya at dinilaan ang pang-ibabang labi, marahan na tumango na tila gusto pang marinig ang mga plano ko.
“Then?” he urges.
“Pagsasabayin ko ang pag-aaral at pagwo-work kapag may sapat na ipon na ako.” I bit my lower lip.
“Don’t you know it’s hard to find a job if you didn’t graduate in college with bachelor’s degree. May mahahanap ka ngunit hindi ko alam kung magiging sapat ba ang kita mo para sa sarili at pang-araw-araw na gastusin. Have you experienced working before? Or earning your own money?” Napakurap ako at hindi nakaimik. “You’re a Villareal, of course you don’t.”
Bigla akong nanliit sa sinabi nito. Nanuyo ang lalamunan ko at inabala na lamang ang sarili sa paghigop ng chocolate drink. Baka sakaling matanggal ang bara sa lalamunan ko sa narinig.
Tinalikuran niya ako matapos tumunog ng oven. He took the sliced bread out of it, it was already toasted as he gentle put it on the plate.
“What choice do I have?” marahan kong tanong sa kanya. “Mag-aaral pero magugutom ako? Saan ako kukuha ng pera?”
Tila wala siyang narinig at mas pinagtutuunan ng pansin ang ginagawa niyang sandwich. Tila ba walang halaga ang mga hinaing ko. Bumagsak ang balikat ko at agad na nagkaroon ng imahe sa masama at masungit nitong pag-uugali.
“Scholarship, Liyah,” he uttered lazily. Pinasadahan ko ng tingin ang likod niya.
“Ang dali lang naman magsalita kung paano.”
I heard him smirked, nung humarap siya ay tama nga ako at nakangisi ito. Lumapit siya dala ang plato at nilapag sa harapan ko ang isang sandwich.
“Ang dali lang naman magsalita tungkol sa mga plano at pangarap,” makahulugan niyang saad na tila tinutumbok ang katatawanang sinabi kong mga plano sa kanya. “If you badly want to study, then you should find ways to procure the financial support.”
“Namatay ang parents ko at may naiwang malalaking halagang pagkakautang. Ang ilan ay hindi pa nababayaran. Saan ako tatakbo para humingi ng tulong kung ang galit ng mga tao sa aking ama ay nababaling din sa akin?”
“Hindi lahat galit sa iyong ama.” Tinitigan niya akong mabuti. Nakatayong humilig sa counter gamit ang dalawang braso nito. “Ang respeto ko at pagpapahalaga sa pinagsamahan namin ay hindi matutumbasan ng salapi. I reached this position not just because of my hard work and persistent. Mr. Lawrence Villareal was a huge factor of my success, Liyah. Binahagi ng iyong ama ang kanyang kahusayan sa negosyo hindi lang sa akin.”
Ang lungkot, pait at pangungulila ay muling nanumbalik. Ang pagmamahal ko sa kanila na hindi nawala ay muling nagbibigay pasakit at kirot sa kanilang pagkamatay. Pakiramdam ko ay hindi pa ako tapos magluksa.
“He is a great and expert businessman. A good friend.” He pursed his lips and took a sit. “Kung ang kayamanan ko ay ang lahat ng natutunan ko sa kanya. Ang tanging yaman niya na iniingatan ay ikaw, Liyah. Tutulungan kita, pero kailangan mo paghirapan ang bawat tulong na ibibigay ko sayo.”
“Huh?” hindi ko alam kung mabubuhayan ako roon o matatakot. Pero mas nanaig ang pag-asa ko na may tutulong sa akin. Na may pag-asa pa para sa akin.
He licked his lower lip and took a sighed.
“I don’t want to end the legacy of a Villareal, magaling ang iyong ama. Nag-iisa siyang anak. Nag-iisa ka rin niyang anak. I’m hoping that someday, you can also have your own success and empire just like your father.” Pero pumalpak si papa kaya nga nagkautang utang siya. Subalit hindi maitatanggi ang galingan nito. “I will offer you a scholarship, pag-aaralin kita ng college. Any course you want. Pero magtatrabaho ka sa akin.”
“Trabaho?”
His lips rosed a bit.
“Maninilbihan ka rito sa mansyon ko.” Maid? Walang problema! I have a free stay and he will expense my studies. That’s a great deal. “I wouldn’t be always here, I have various meeting abroad. Habang wala ako ay ikaw ang magbabantay ng mansyon, tuwing uuwi ako ay dapat maayos ang lahat dito. Foods, the furnitures… I want a clean house and healthy foods under my table once I’m home.”
Napalunok ako at halos hindi maproseso ng sinabi niya. Basta ang nasa isip ko lang ay makakapag-aral na ako.
“When my girlfriend is here, she will be staying in your room while I’m not around. Sa guestroom na ang kuwarto mo simula ngayon. Gusto ko rin na may makakasama siya rito habang wala ako.”
Doon ay nakuha niya ang atensyon ko at naputol ang pagpapantasyo ko sa pagpasok sa escuelahan.
Bakit hindi sa kuwarto niya? Ah, oo nga naman. Mas mabuting unahin muna ang kasal… pero para na rin naman silang mag-asawa kung titira sila sa iisang bubong, diba? Kung ganun dapat ko na rin itigil ang pagpapantasya sa kaguwapuhan ni Mr. Ciejo, lalo na at makakasama ko rin pala ang nobya niya rito. Dapat lang na tumigil ako!
“She won’t be staying here often. Kapag gusto niya lang at nandito ako.” Nagsimula na siyang kumain ng sandwich na gawa nito. “Bahay ko na ito simula ngayon, Liyah. I will imposed my rules. At wala kang magagawa kundi ang sumunod.” His dark eyes become intensed and menacing. Hindi ko alam kung may iba pa ba siya roong pagpapakahulugan.