Arliyah Villareal Ciejo DESPITE OF many cars parked outside the mansion, I had no hesitation to go inside. Hindi ako narito para makipag-usap o iklaro ang mga bagay na alam kong hindi kailanman magiging malinaw. Hindi rin ako pumarito para ipilit ang katotohanang ayaw tanggapin. If I will leave this mansion. I will leave with my things. Naubos na ako, aalis ako na dala o bitbit ang mga gamit ko. “My wife has been missing for f*****g two days—” napahinto sa pagsasalita si Sandro matapos akong makitang pumasok ng sala. Kumunot ang nuo niya na pinasadahan ng tingin ang ayos ko. Nakita ko kung paano tumagal ang titig niya sa mga pasa at galos ko. Lalo na sa gilid ng aking mga labi. Namuo ang galit at pag-aalala sa kanyang mukha. Halos hindi makagalaw sa kinatatayuan. But what really h

