Sandro Ciejo I PRESSED THE play button and watched it again for the nth time. Halos kanina pa ako paulit-ulit sa footage na pinapanuod pero mas lalo lang akong naiirita tuwing makikita na walang puwersang nakapasok ang kaibigan ni Liyah sa loob ng mansyon. “You won’t make any progress if you’re going to play it over and over again,” puna ni Rico sa akin nang mapansin ang kanina ko pa ginagawa. I am sitting on the stool bar chair in the kitchen. Facing the island counter while the laptop is right in front of my face. Rico poured alcohol into my glass when he saw it was almost empty. Napasulyap ako roon at hinilot ang sentido. “Ang balita ay tinulungan ng pamilyang Sanchez na makaalis ng bansa ang asawa mo… hinayaan mo yun, Sandro?” Siv smirked like he couldn’t believe that I was lett

