Arliyah Villareal Ciejo MATAPOS KONG mailapag sa lamesa ang nilutong breakfast ay napaangat ako ng tingin sa kakapasok lang na si Sandro sa kusina. Bagong gising at medyo magulo ang buhok. Kunot ang nuo at iniinda ang sakit sa ulo. “Hinatid ka ni Quisha kagabi.” Napabaling siya sa akin sa sinabi ko. “In case you don’t remember how you got home last night.” Umiwas siya ng tingin at hinila ang upuan para makaupo. Tinalikuran ko siya at dumiretso sa island counter para kunin ang kape. Bumalik ako dala iyun tsaka nilagay sa lamesa. “Nga pala, dala niya yung sasakyan mo nung umuwi kagabi—” “She went home? Malakas ang ulan kagabi at nakainom siya,” usal nito sa akin kaya napatikom ako ng labi. Umiwas ako ng tingin at mas bumigat ang nararamdaman. “Sana pinatulog mo na lang dito, Liyah. I

