Arliyah Villareal Ciejo NATULOG SA SALA si Sandro habang ako ay nasa kuwarto ng kanyang tiyuhin. Nagising ako at lumabas na wala na siya ng bahay. Ngunit may naabutan na ako roon na breakfast sa lamesa. “Magandang umaga.” Napabaling ako sa sink at naabutan ang Tito ni Sandro roon na may hawak na tasa na may lamang kape. “Maagang umalis si Sandro, naghanda na ako ng agahan dahil uuwi raw kayo ngayon?” maagan ang aura nito na bumungad sa akin. I glanced at the food under the table. Hindi ko alam na uuwi na kami ngayon mismo, ngunit inaasahan ko na rin naman iyung mangyari. Hindi ako sumagot kaya nagsalita ito muli. “Ang sabi ng asawa mo huwag kitang lalapitan at hayaang mag-isa muna rito. Kaya… lalabas na ako, kung may kailangan ka ay nasa bakuran lang ako.” Muli ko siyang tinignan at

