Tiningnan kong maigi ang sarili ko sa vanity mirror para makasiguradong maayos ang pagkakalagay ko ng make up ko sa mukha ko. Sa ilang taon kong panunuod ng mga make up vlogs ni Arissa ay natuto na rin ako kung paano ayusan ang sarili ko, iyon nga lang ay hindi pa rin ako ganoon kagaling pagdating sa fashion sense. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit laging damit ang inireregalo sa akin ni Arissa, sabi niya kasi ay outdated ang mga damit ko. They’re out of style. At totoo naman iyon dahil karamihan ng mga nakita niyang damit ko ay mga napaglumaan ko na. Kapag nag-aaya kasi siyang magpunta sa bahay ay roon ko siya dinadala sa dati naming bahay. Doon pa rin kasi umuuwi ang parents ko at nagsasama pa rin sila sa iisang bubong kahit na ang toxic na ng relasyon nila. In the end, hindi natu

