I walked through the entrance to be greeted by the smell of alcohol and loud music. Karamihan ng tao ay mukhang estudyante pa gaya ko, ang ilan sa kanila ay may hawak na alak, masayang nagsasayaw at ang iba ay nagme-make out pa sa gilid. Napalunok ako nang makita iyon, hindi ko akalain na kung ano ang nakikita ko sa pelikula ay ganoon din sa totoong buhay. Pakiramdam ko tuloy ay pumasok ako sa ibang mundo. “I’m sorry.” agad na paghingi ko ng tawad nang may makabunggo ako habang naglalakad sa loob, medyo hirap pa akong makakita dahil natatamaan ang paningin ko ng mga nakakasilaw na neon lights. “You alone, miss?” tanong sa akin ng lalaking nakabangga ko matapos niyang humarang sa daan. Ininuman niya ang hawak niyang bote ng alak at umabante palapit sa akin, dahilan para mapaatras naman ak

