Napatingin ako sa wrist watch ko nang hindi pa rin pumapasok si Arissa. Pumasok na rin ang prof kaya naman nilabas ko na ang phone ko. Balak ko na sana siyang i-message pero naunahan niya ako. [Sami, Sulat mo na lang ako sa attendance. Next subject na ako papasok.] [Why? What happened?] Agad na reply ko ngunit hindi na siya nag-message ulit. Itinago ko na lamang ang phone ko at nag-focus sa klase ngunit hindi ko iyon nagawa dahil pilit akong kinakausap ni Ridge tungkol sa pagpunta niya ng nightclub mamaya kasama si Andrew. He’s asking if I’m going. Sinabi ko nang hindi ako sasama pero pinipilit niya ako na sumama. “Why are you such a kill joy? Kahapon, basta ka na lang umalis. Ngayon ayaw mong sumama. Don’t worry, hindi kita pipilitin uminom. Sumama ka lang para may kasama rin si Ariss

