Paulit-ulit kong tinat-tap ang manibela gamit ang daliri habang naghihintay na mag go ang signal ng traffic light. I can’t wait to see Samirah, malamang ay naghihintay siya sa akin. Nangako akong susunduin ko siya ngunit ginabi ako. I hope she’s okay. “Nigel.” tawag sa akin ni Samirah nang salubungin niya ako sa labas ng bahay ng parents niya. “Careful.” Paalala ko nang saluhin ko siya dahil nawalan siya ng balanse sa sobrang pagmamadali na lumabas. “What’s wrong? Did you cry?” tanong ko nang idiretso ko siya ng tayo. Tipid siyang ngumiti at saka ako niyakap nang mahigpit. I guess she’s not, something definitely happened with her parents. “Mom and Dad are going to divorce.” aniya at hindi na ako nabigla roon. I knew that would happen sooner or later. “It’s okay, everything’s going to

