“Wow!” Iyon ang agad na lumabas sa bibig ko nang dalhin ako ni Kuya Nigel sa amusement park. To be honest, nahihiya ako sabihin sa kanya kung saan ko gusto pumunta dahil pakiramdam ko ay ang childish ng naisip kong lugar but, he convinced me not to hold back and in the endㅡ sa amusement pa rin ang bagsak namin. Sobrang tagal ko nang gustong makapunta rito since bata ako dahil ni isang beses ay hindi ako pinasyal nila dad. Now that I think about it, kahit sa mall nga yata ay hindi nila ako dinala pero, naiintindihan ko iyon. Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin sa akin nila dad at mom lagi kong iniintindi at hindi ko magawang magtanim ng sama ng loob sa kanila. Maybe Arissa’s right when she said that I’m selfless? Hindi ko gaanong iniisip ang sarili ko but that’s because I am used

