Chapter 10

2209 Words
“Ang saya mo yata nitong mga nakaraang araw, hija?” puna ni manang habang hinahainan niya ako ng hapunan. Ngumiti ako nang matamis at saka siya tiningnan, bawat galaw niya ay pinapanuod ko. “Remember Kuya Nigel, Manang? ‘Yong kwinento ko sa inyo noon na nagligtas sa akin sa mga bully?” tanong ko dahil bukang-bibig ko si Kuya Nigel noon at si manang lang naman kasi ang nakakakwentuhan ko ng mga nangyayari sa akin sa araw-araw dati. “Oh, ‘yong crush mo?” Agad kong naramdaman na nag-init ang pisngi ko kaya naman napahawak ako roon. “Opo, umuwi na siya noong nakaraang araw. He even gave a gift, here look. Isn’t it pretty?” masaya kong wika nang ipakita ko sa kanya ang necklace na suot ko. “Oo, anak. Parang ikaw, maganda.” Nahiya ako nang sabihin iyon ni manang since hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga compliments. Kahit marami akong natanggap na-confession at compliments simula noong tumungtong ako ng junior high ay hindi pa rin ano nasasanay. Everything seemed still new to me. “S-Salamat po, manang.” “May lakad ba kayo ng crush mo bukas at pinaplantsa mo ang dress na niregalo sa ‘yo ng kaibigan mong si Arissa?” Marahan akong tumango at ngumiti naman si manang. Sabi kasi ni Kuya Nigel ay ilalabas niya ako this weekend para makabawi sa akin dahil matagal kaming nagkahiwalay. Pakiramdam niya ay may atraso siya sa akin. Sinabi ko na ‘wag na siyang mag-abala dahil busy rin siya but he still insisted, so in the endㅡtuloy pa rin ang lakad namin bukas. “Dalaga ka na talaga, hija. Parang kailangan lang ay ang liit-liit mo pa, ngayon ay may date ka na.” Pakiramdam ko ay ang pula na ng mukha ko dahil sa pinag-uusapan namin ni manang. I’m already 18 pero wala pa rin akong alam sa pakikipag-date. I am still clueless when it comes to dating and such. Hindi naman kasi iyon sumagi sa isip ko dahil puro aral ang inatupag ko these past few years. Kahit na minsan ay sinasama ako ni Arissa sa mga group dates ay umuuwi rin ako agad since ang awkward ko sa mga strangers. Especially sa mga lalake na hindi ko tipo at proactive. “It’s not a date, Manang. Mamamasyal lang po kami.” paglilinaw ko. “Sabi mo, e.” tila nang-aasar na wika ni manang kaya napailing ako at inumpisahan na ang pagkain nang sa gano’n ay makatulog ako ng maaga. Kinabukasan, umaga pa lang ay nasa harapan na ako ng salamin. I’m still in my pajamas pero iniisip ko na kung anong style ang gagawin ko sa buhok ko dahil lagi na lang iyong naka-side ponytail. Tiningnan ko ang study table ko at naupo roon bago buksan ang laptop ko at pumunta sa mga hair and make up vlogs ni Arissa. Pinanuod ko ang million views tutorial niya at inaral iyon para i-apply sa akin mamaya. Abala ako sa panunuod sa youtube nang marinig ko ang phone ko. Agad akong tumayo at inabot iyon na nakapatong sa side table. Just seeing his name on the screen is enough reason to make my heart beat faster. Nag-practice pa ako kung paano ko siyang babatiin pero ayaw ko siyang matagal na paghintayin kaya sinagot ko na iyon kahit hindi pa ako ready. “H-Hello?” Napapikit ako nang mariin nang pumiyok ako. Binatok-batukan ko pa ang sarili ko dahil sa pagpapahiya ko sa sarili. Why am I so nervous? “Oh, good morning. I just saw your good morning message.” ani Kuya Nigel sa kabilang linya. Tila nakiliti pa ang tainga ko dahil ang lalim and at same time ay ang sweet ng boses niya sa phone. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. “I’ll pick you up before lunch, okay?” paalala niya sa akin. “O-Okay. I’ll see you later, Kuya Nigel.” nakangiti kong sabi kahit hindi naman niya iyon nakikita. “Alright, see you later.” Pagkababa niya ng tawag ay nahiga ako sa kama at pinaghahampas ang unan sa sobrang kilig. I’m so happy! I can’t wait to see him again. Sana ay hindi ako maging awkward mamaya kapag magkasama na kami. “Okay! I’ll get ready.” sabi ko sa sarili bago patayin ang laptop ko at bumaba para mag-almusal. Maya-maya lang ay nasa harapan na ako ulit ng salamin, tinitingnan kung okay ba ang itsura ko. I just wore the Black Retro Bubble Sleeve Plaid Dress that Arissa gave me on my 18th birthday. Tinernohan ko iyon ng white sneakers at itinali ko naman ang buhok ko into high ponytail. I also put on a simple natural look make up to match the occasion. Tiningan ko ang leeg ko at hinawakan ang pendant ng necklace na iniregalo sa akin ni Kuya Nigel. “Manang, how do I look?” tanong ko nang marinig na pumasok siya sa kwarto. “Ang ganda mo, hija.” nakangiti niyang sabi nang lumapit siya sa akin at hawakan ang dalawang kamay ko. “Sana tuloy-tuloy na ang pagiging masaya mo, Samirah. Saksi ako sa paghihirap noong bata ka pa lang kaya sobrang saya ko na makitang kang masaya. Iyon lang naman ang gusto kong makita, ang lagi kang nakangiti.” “Manang, don’t make me cry.” bahagya lang siyang tumawa sa sinabi kong iyon dahil alam kong naging emosyonal din siya. Niyakap ko lamang siya at marahang tinapik ang likod niya, kahit hindi kami magkadugo ay parang tunay na anak na talaga ang tingin niya sa akin. And I’m really happy that she has become a part of my life. Hindi nagtagal ay nag-message na sa akin si Kuya Nigel na nasa harapan na siya ng gate namin kaya naman nagmadali na akong kunin ang Mini Chain Sling bag ko at isabit iyon sa balikat ko. “H-Hi.” nahihiya kong bati nang makasakay ako sa kotse sa front seat. “You look beautiful.” bungad niya sa akin, dahilan para maiwas ko ang tingin ko sa kanya. I can’t get manang’s words out of my mind. This isn’t a date, Samirah. Pilit kong kumbinsi sa sarili ko. “Ooh, you’re blushing. Don’t tell me you’re embarrassed?” he asks, teasing me. “N-No! I’m just not used to being called beautiful.” mahina kong sabi habang sinusuot ang seatbelt sa akin. “Why? Hindi ka pa nagkaka-boyfriend?” Agad akong umiling nang itanong niya iyon. Hindi ako prepared na pag-usapan namin ang ganitong topic. “No, I’m busy with my studies so it hasn’t crossed my mind yet.” Pinilit kong ‘wag mautal dahil ayokong isipin niya na kinakabahan ako at siya ang dahilan. Kuya Nigel’s not dense, hindi malabong malaman niya na may gusto ako sa kanya kapag nagpakita ako ng obvious signs. I need to pull myself together. “Aw!” Daing ko nang mapapikit ang isa kong mata matapos maramdamang may pumasok doon dahil sa biglaang paghampas ng malakas na hangin. “What’s wrong? Napuhing ka?” nag-aalalang tanong ni Kuya Nigel nang magpunta siya sa harapan ko at i-angat ang mukha ko nang sa gano’n ay mapatingin ako sa kanya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niyang iyon pero pinilit kong ‘wag ipahalata na na-flustered ako. “Y-Yeah.” sabi ko at hindi inaasahan na bigla niyang ilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Minulat niya ang mata kong napuhing at saka iyon hinipan. “Masakit pa rin?” tanong niya at umiling naman ako kaya bumitaw na siya sa akin at bumalik sa dati niyang pwesto. Tumabi siya sa akin at sinabayan akong maglakad patungo sa isang restaurant. “Order ka ng kahit anong gusto mo, It’s my treat and then think of a place where you want to go. I’ll take you there after.” nakangiting sabi ni Kuya Nigel nang abutan ako ng menu ng waitress na lumapit sa amin. Noong mga oras na iyon na-realize ko na ang hirap magtago ng feelings. I have fallen for him a long time ago, I’m just afraid of admiting that it’s no longer just a simple crush. Natatakot ako na lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya, butㅡit’s already happening. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko and I hate myself for that. Ayokong sirain ang kung ano mang mayroon kami dahil alam ko sa sarili ko na hindi niya ako nakikita bilang babae. “What’s wrong? Nahihirapan ka pumili?” tanong ni Kuya Nigel, dahilan para mapatingin ako sa kanya. “Ah no, nag-almusal ako sa bahay kaya light meal lang ang kakain ko. I’ll have...” Binalik ko ang tingin sa menu at binanggit ang una kong nakita roon. “Mediterranean Grilled Chicken Salad.” Pagka-order namin ng pagkain ay nag-usap kami habang naghihintay. Mostly ng topic namin ay about sa pag-aaral at kung ano ang mga balak ko sa future. When I’m with him, ang bilis ng takbo ng oras. Hindi ko namamalayang dumating at naubos na namin ang mga pagkain. Nawala na rin ang kabang nararamdaman ko kanina kaya mas naging komportable ako. “Hi, miss. Mag-isa ka lang? Gusto mo samahan kita?” Mabilis akong napalingon nang lapitan ako ng isang lalake. He’s probably in his late 20’s, amoy sigarilyo ito at alak kaya napaatras ako. “May kasama po ako. I’m just waiting for him.” sabi ko bago lumingon sa restaurant na pinanggalingan ko. Bumalik kasi si Kuya Nigel sa loob para kunin ang cake na in-order niya. “Sus. ‘Wag ka na magsinungaling sa ‘kin, alam ko gusto mo ako.” Kinilabutan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nag-trigger iyon para maalala ang ginawa sa akin ni Mr. Rodriguez noon sa akin. I suddenly felt disgusted and nauseous. I wish I could rush over and shove him but I’m too scared to do anything. “L-Let go, please.” makaawa ko nang bigla na lang niya akong hatakin. Sinubukan kong bawiin sa kanya ang kamay ko ngunit masyado siyang malakas. I tried to ask for help but one stopped him from dragging me into his car. Isinisigaw niya kasi na kuya ko siya at pinapauwi niya ako dahil naglayas ako ng bahay para makipagtanan. And it’s just ridiculous that people believed in him. Sobrang natatakot ako sa sitwasyong meron ako but at this point, I’m the only one who can protect myself. Huminga na lamang ako ng malalim at kinagat ang braso ng lalake ngunit naging dahilan iyon para tabigin niya ako at matamaan ako sa pisngi ng braso niya. Napaatras ako at kinakabahang napatingin sa kanya nang marinig ko siyang magmura. The moment he went closer, all I can do is to close my eyes pero wala akong naramdamang kahit ano, dahilan para marahan kong minulat ang mga mata ko just to see the bad guy beaten to death by Kuya Nigel. Napaupo na lang ako dahil hindi na talaga kinaya ng tuhod ko ang sobrang takot. “Sigurado ka bang hindi ka nasaktan?” tanong sa akin ni Kuya Nigel matapos niyang ipa-report ang lalake sa mga pulis. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng kotse niya at doon nagpahinga saglit. “Y-Yes. I’m fine.“ Ngumiti ako nang malawak at nabigla nang ipatong niya ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa magkabila kong tuhod. Namumula ang mga kamao niya dahil sa pagbugbog niya sa lalake kanina. Mabuti na lang at nagawa ko siyang awatin kung hindi ay tuluyan niyang mapapatay ang taong iyon. “Don’t tell me you’re fine when you are shaking like this.” aniya, dahilan para tuluyang tumulo ang luha ko. “I’m sorry.” paghingi ko ng tawad sa kanya dahil bukod sa takot ay nahihiya ako dahil hanggang ngayon, ang hina ko pa rin. I can’t still protect myself. “I’m sorry for troubling you. I’m such a burdeㅡ” “Hey stop. Don’t apologize, don’t say anything bad towards yourself. Wala kang kasalanan.” sabi niya nang hawakan niya ang gilid ng ulo ko at marahan iyong hatakin nang sa ganon ay dumikit iyon sa dibdib niya at mayakap niya ako. “It’s okay, just cry but don’t blame yourself.” Tinapik-tapik niya ang gilid ng ulo ko at hindi nagtagal ay kumalma na rin ako at bumalik sa dating pwesto. Paulit-ulit niya akong tinanong kung okay lang ba talaga ako at pilit ko namang ipinakita sa kanya na okay ako kahit na sa totoo lang ay hindi magawang kumalma ng puso ko. “Do you want to go home?” tanong ni Kuya Nigel habang pinupunasan niya ang mukha ko gamit ang panyo niya. “No. I want to stay with you. I don’t want to ruin this day.” Ngumiti siya nang sabihin ko iyon at tipid na kinurot ang pisngi ko habang nakangiti siya sa akin nang matamis. He’s so sweet and affectionate towards me, that it made me want to kiss him. I wanted him all to myself but I know that’s impossible. “I want to spend more time with you so, let’s stay together until dusk.” ani Kuya Nigel at tumango naman ako at nahihiyang ngumiti. “Okay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD