“Why didn’t you tell me that you’re coming home?” tanong ko kay Kuya Nigel habang nasa tapat ko siya at umiinom ng kape, ako naman ay abalang hinahalo ang milk tea na binili niya sa akin. I suddenly felt awkward now that we were alone together.
Mabuti na lang at hindi manhid si Andrew at hindi na nagpumilit na makipag-hangout sa akin. Mukha ring takot pa rin siya kay Kuya Nigel dahil bigla na lang siyang nagpaalan na aalis nang matandaan niyang siya iyong senior high na pumitik sa tainga niya noon at humatak sa uniform niya.
“Because I want it to be a surprise.” nakangiting sabi ni Kuya Nigel bago may kinuha sa bulsa ng suit niya. Napatingin ako sa black velvet box na inilapag niya sa lamesa at in-slide iyon papunta sa akin.
“Super belated happy 18th birthday.” naitago ko ang labi ko dahil hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras iyon. Kinuha ko ang inabot niya at nang buksan ko iyon ay hindi ko na napigilan ang maluha. It’s a gold rose necklace with a customize pendat. Heart iyon kung saan nakaukit ang initials ng pangalan ko.
“Thank you.”
“Come on, don’t cry.” Inabot niya ang pisngi ko at marahang pinunasan ang luha ko sa magkabilang pisngi habang nakangiti. “Did you like it?”
Sunod-sunod akong tumango bago kami sabay na ngumiti sa isa’t isa. Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang bumalik na siya, and to think na babatiin niya pa rin ako kahit late na ay nagpasaya pa rin iyon sa akin.
Marami kaming napag-usapan habang nasa restaurant. Kwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin simula noong umalis siya papuntang America. Sinabi ko rin sa kanya ang situation ko sa bahay since aware na rin naman na siya na iba ang pagtrato sa akin ng parents ko.
After I graduated elementary, I confessed everything. I told him that I’m being mistreated, sinabi ko ang tungkol sa laging pag-aaway ng parents ko, ang pagchi-cheat ni dad at ang nag-trigger sa akin na mag-suicide. Tandang-tanda ko noon kung gaano ako katakot na sabihin sa kanya ang lahat ng ‘yon, sobrang nanginginig ang boses ko habang binabalikan ko ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay ko.
Mahirap para sa akin na balikan ang mga bagay na iyon pero naglakas loob pa rin akong ikwento iyon kay Kuya Nigel noon dahil alam ko na matutulungan niya ako at hindi ko pinagsisisihan na nag-open up ako sa kanya dahil nagbago ang takbo ng buhay ko simula noon.
“I’m glad that you are doing okay now.” nakangiti niyang sabi at tumango-tango naman ako. “Nang umalis ako, sobrang nag-alala ako. Ang daming tumatakbo sa isip ko like what if you’re being bullied again? What if your parents abuse you verbally and physically again and what if you tried to kill yourself again? Paulit ulit kong iniisip ang mga what ifs na ‘yon but I’m thankful na hindi ‘yon nangyari.”
“You grew up so well.” Hindi ko alam kung bakit hindi magawang kumalma ng puso ko sa mga oras na ito. Sa simpleng hawak lang niya ay parang nakukuryente ang buo kong katawanan. I could feel butterflies beginning to fly around in my stomach. Is it because sobrang mature na niya? Or maybe, hindi na lang crush ang turing ko sa kanya all this time?
“It’s all thanks to you, Kuya Nigel. You saved me, you saved me during those times when no one reached out to help me. That alone was enough to change my life. And... Sobrang natakot din ako noong umalis ka, marami rin akong what ifs, pero sabi ko sa sarili ko. Magpapakatatag ako, that wayㅡmaging proud ka sa ‘kin pagbalik mo.”
Muli akong naging emosyonal at mukhang napansin naman iyon ni Kuya Nigel. Inatras niya ang inuupuan niya at saka lumapit sa akin, dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kanya.
Kinuha niya ang velvet box sa mesa at tinanggal ng necklace roon. Bahagya siyang yumuko at marahang isinuot sa leeg ko ang regalo niya. Napatingin ako roon at hinawakan ang pendant noon. I wanted to tell him I like him but I’m scared. Natatakot ako na baka masira ang relasyon na mayroon kami ngayon. Masaya na ako sa estado namin pero naghahangad pa rin ako na one day, mag-iba ang tingin niya sa akin. I want him to like me back. I want him to look at me as woman.
Nag-aral akong mag-ayos ng sarili para gumanda ako, I want to be a proper adult nang sa gano’n ay mag-match ako kay Kuya Nigel but seeing him now, mukhang malayo pa ang dapat kong lakbayin. He’s way out of my league.
“T-Thank you.” nahihiya kong sabi dahil nakatingin sa amin ang ilang nasa café na nakakita sa sweet gesture niyang iyon.
“Shall we go?” nakangiti niyang aya at tumango naman ako. Pagkalabas namin sa café ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto pagdating namin sa tapat ng kotse niya. Ganoon din ang ginawa niya kanina noong umalis kami sa school kaya pakiramdam ko ay girlfriend niya ako.
Since I’m already 18, hindi naman na siguro weird tingnan kung mayroon akong kasamang mas matanda sa akin ng limang taon. That’s what I want to believe pero dahil sa trauma ko noon ay natatakot pa rin ako na baka ma-involve na naman kami ni Kuya Nigel sa rumors. May mga tao kasi na big deal sa kanila ang age gap, isa pa... Nasa school gate kami noong yakapin ko siya so, I’m pretty sure na mapag-uusapan ako sa school.
“Uuwi na ba tayo?” tanong ko nang makasakay na rin si Kuya Nigel sa driver’s seat.
“No, I want to talk to you more.” aniya bago siya mag-umpisang magmaneho.
“O-Okay, uhmm. Can I ask you a lot of questions?” nag-aalangan kong tanong.
“Hmm, go ahead.”
“Dito ka ba magtatrabaho?”
“Yeah. Sorry, I didn’t tell you. I will be a marketing professor at Bluefield University.”
“What?!” gulat na tanong ko kaya medyo nabigla rin siya at napalingon sa akin.
“You scared me. Bakit gulat na gulat kaㅡoh, wait! Don’t tell me you are going there for college?” tanong niya habang naka-focus na siya sa pagmamaneho.
“Yes. Me and Arissa.” excited na tugon ko. Mas lalo lang akong ginanahan mag-aral dahil sa nalaman ko. Kapag nakapasa ako sa entrance exam ay malaki ang chance na hanggang sa college ay magkasama kami. Maipapakilala ko na siya kay Arissa ng personal
“Really? What a coincidence. Ano’ng course ang balak niyong kunin?"
“Business.” Saglit ulit siyang napalingon sa akin and this time ay siya naman ang nabigla because I’m sure, pareho kami ng iniisip. May possibility na maging prof ko siya once na tumungtong ako ng college, and I really hope na mangyari iyon.
Naiisip ko pa lang na magkasama kami sa college kahit na prof siya at estudyante ako ay hindi na mawala ang ngiti sa labi ko, I’m sureㅡmas magiging close kami.
That’s what I thought, but because of an unexpected event. Everything changed, including our friendship.