Chapter 9

1361 Words
“Manang, papasok na po ako!” paalam ko nang magmadali akong bumaba ng hagdan at pumasok sa kusina kung saan siya naroon. Kumuha ako ng tinapay na nasa pinggan at sinubo iyon sa bibig ko. As usual, wala ang parents ko sa bahay. They rarely come home, minsan nga ay iniisip ko na hindi na sila rito nakatira kaya si manang na ang nagsisilbing guardian ko. “Ayan lang ba ang aalmusalin mo?” “Opo.” tipid kong sabi habang nilalagyan ng tubig ang tumbler ko. Nang malagyan iyon ng laman ay hinawakan ko na ang tinapay at inalis iyon sa bibig ko para makabeso ako kay manang na abalang nagluluto. “Una na po ako.” “Oh sige, mag-ingat ka. Good luck sa exams mo, hija.” “Thank you po.“ Ngumiti ako nang tipid at mabilis na lumabas ng bahay. I didn’t expect na aabutin ako ng madaling araw kaka-review, kung kailan finals ay saka pa ako kinapos ng oras. It’s been a week already since I turned 18. My debut was successful, but I wasn’t that happy. Naghintay ako ng video call o message man lang galing kay Kuya Nigel pero wala akong natanggap at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. I’m starting to worry, what if something happened to him? Did he overworked himself? Is he sick? Umiling-iling na lamang ako at pilit inalis ang negative thoughts na gumugulo sa isip ko. Tiningnan ko na lamang ang phone ko at nakitang may message sa akin si Andrew. We exchanged contact number that night on my debut and somehow became friends, also... Naging interesado siya kay Arissa noong ipakilala ko sila sa isa’t isa and now—he’s still pestering me to give him Arissa’s number. Hindi ko na lang muna iyon pinansin at nag-review ulit habang nasa byahe. “Ma’am Samirah, nandito na po tayo.” Tumingin ako sa labas ng bintana at nakitang nasa tapat na kami ng school kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at isinabit ang bag ko sa balikat. “Thank you, Mang Raul. You don’t need to pick me up later.” nakangiti kong sabi bago mabilis na bumaba ng kotse. Pagdating na pagdating ko sa classroom ay naroon na si Arissa at abalang nagre-review, imbes na batiin siya agad ay naupo na lang muna ako dahil ayoko siyang maistorbo pero nang makaupo ako at lingunin ko siya ay halos masamid ako nang makitang nakatago sa reviewer niya ang cellphone niya at nagbabasa siya ng boy’s love na manhwa. “Oh, nandyan ka na pala.” puna niya nang mapansin niya ako. Ang tingin ko naman ay nasa screen ng phone niya dahil nagse-s*x ang dalawang bidang lalaki na naka-drawing doon. Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko kaya iniwas ko na ang tingin doon at inayos ang buhok ko. “I-I thought nagre-review ka.” utal kong sambit. “Oh girl, don’t get me started. Alam mo bang—” Hindi na niya naituloy ang balak na pagkukwento nang pumasok ang teacher namin. Simula noon ay hindi na kami nakapag-usap pa dahil nag-focus kami sa final exam namin. Ilang linggo na lang kasi ay ga-graduate na kami and since pareho kami ng course na kukunin ni Arissa at same college rin kami ng papasukan sigurado akong magiging magkaklase pa rin kami. That’s one the reasons kung bakit naka-focus kami, we need to study hard in order to pass the entrance exam once we take them. “Ah, grabe! Gamit na gamit ang utak ko ngayon.” ani Arissa habang nag-uunat ito at magkasabay kaming naglalakad sa hallway. Tiningnan ko ang cellphone ko at chineck kung nag-message na ba sa akin si Kuya Nigel ngunit na-disappoint lang ako nang makitang wala pa rin. “s**t! I forgot, may lakad nga pala kami ni kuya.” Nilingon ko si Arissa at nakitang nakatingin ito sa cellphone niya habang mabilis na nagt-type. “Sorry, Sami. I need to go.” “Oh sure,” Tumango ako at ngumiti sa kanya dahil tiningnan niya ako habang nakanguso na parang batang nalulungkot. “It’s okay, go.” “Okay, I’ll see you tomorrow.” Mabilis na bumalik sa dati ang eskpresyon ng mukha niya kaya naman natawa ako at bumeso na sa isa’t isa. Pinanuod ko siyang tumakbo sa hallway habang nakangiti. “I want to sleep.” mahina kong sabi sa sarili bago maya’t maya i-check ang phone ko, nagbabakasali na makatanggap ng message galing kay Kuya Nigel. “Let’s hang out first.” Mabilis akong nag-angat ng tingin at sumimangot dahil inagaw ni Andrew ang phone ko. I didn’t know what he’s doing outside our school gate. Hindi naman siya rito nag-aaral. “Why are you here?” tanong ko. “You’re leaving me on read, you’re hurting my feelings.” Nagsimula siyang mag-drama sa harapan ko kaya naman medyo napairap ako at napatingin sa mga schoolmate kong nagsisiuwin na rin at napapatingin sa amin ni Andrew, most of them ay mga babae and by the looks of it, mukhang na-attract sila sa kanya. Well, I can’t really blame them because Andrew’s pretty cute. He has that sexy nerd vibe around him, and not to mention that he’s wearing his round glasses. “Arissa doesn’t want to give her number. I mean, sabi niya ikaw raw mismo ang manghingi sa kanya. Ayaw niya sa torpe.” sabi ko at medyo natawa ako nang makitang nalungkot siya. To be honest, feel ko ay magki-click sila ng bestfriend ko. Arissa’s outgoing and he’s mischievous. Hindi ko pa sila nakikita na magkasama ng silang dalawa lang pero mukhang magiging aso’t pusa sila kapag nag-bonding. I think they would look cute together. “Come on, give me back my phone.” Inabot ko iyon pero bigla niyang inangat ang kamay niya, and since mas matangkad siya sa akin ay nahirapan akong kunin iyon kahit nakatingkayad na ako. Now, I’m having sense of deja vu. I swear, ganitong-ganito rin niya ako asarin noong elementary kami. “Hey now, don’t be such a child. Give it bac—” Hindi ko naituloy ang sasabihin nang may kumuha no’ng cellphone ko sa kamay ni Andrew, sabay naming nilingon kung sino iyon at halos matigilan ako nang makita si Kuya Nigel. He grew taller and became more handsome, he was so manly to the point that I couldn’t take my eyes off him. His hairstyle has also changed, the low fade comb over haircut really suits his jet-black hair. Pakiramdam ko ay nagtubig ang mata ko kasabay nang malakas na paghangin. Sa mga oras na iyon ay naghalo-halo ang naririnig; sari’t saring boses ng mga estudyante, ang tunog ng mga kotseng bumubusina at pagwasiwas ng mga puno sa paligid. But aside that, tila naririnig ko rin ang malakas na pagtibok ng puso ko. My heart’s beating so fast as I fill up with mixed emotions.We haven’t seen each other for a long time but until now, I still like him so much. “Kuya Nigel!” masaya kong tawag nang lumapit ako at yumakap sa kanya nang mahigpit. He smelled like cigarettes and perfume. He’s really a grown adult now. “You missed me?” tanong niya matapos ilapag ang kamay niya sa ulo ko gaya nang ginagawa niya sa akin noong bata pa ako. Dahil doon ay naitago ko ang labi ko para mapigilan ang tuluyang pag-iyak. Pumikit ako saglit pero nang marinig ko ang bulungan ng mga nasa paligid ay mabilis akong dumilat at kumalas sa yakap bago lumayo sa kanya nang bahagya. That was embarrassing. “S-Sorry,” nahihiya kong sabi habang nakaiwas ang tingin sa kanya. What am I thinking? I’m not a kid anymore, hindi ko na siya pwedeng yakapin ng gano’n-gano’n lang. “Come on, where are you looking? I’m right here.” Hinawakan niya ang baba ko at hinarap iyon sa kanya, dahilan para bumalik ang tingin ko sa kanya. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko dahil medyo naka-bend siya para magpantay ang paningin namin. Matamis siyang ngumiti sa akin habang ang mukha namin ay malapit sa isa’t isa. “I’m back.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD