Chapter 8

1626 Words
6 years later “Happy 18th birthday, Sami!” bati sa akin ni Arissa nang lapitan niya ako. We bacame friends as soon as we entered junior high school, mula grade 7 hanggang ngayong grade 12 na kami ay magkaklase pa rin kami. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust dahil hindi ako sanay magkaroon ng kaibigan but since she’s very outgoing, unti-unti ay nasanay rin ako. Ibang-iba ang naging buhay ko pagtungtong ng junior high dahil hindi ako nabu-bully, bukod doon ay mayroon akong kaibigan. Although at some point ay nagkaroon ng problema dahil kumalat ang rumors na nag-attempt ako ng suicide... Hindi rin naman iyon nagtagal at napalitan din ng ibang rumors. As for Kuya Nigel. Isang taon kaming naging mag-schoolmate pero hindi kami gaanong nagkikita dahil busy siya sa studies and after he graduated ay pumunta siya agad sa America para roon mag-college. We still keep in touch, and we’re still friends. “When are you going to introduce me to your college friend?” “I don’t know, he’s still in America.” kibit-balikat kong sagot habang pimagmamasdan ang debut party na inihanda sa akin ng parents ko. “I know, but you said he’s a graduating student, that means uuwi na siya ng Philippines, right? Or doon siya magtatrabaho?” curious na tanong niya dahil sa five years naming magkaibigan, ni isang beses ay hindi ko nabanggit ang pangalan ni Kuya Nigel sa kanya. Ayaw kasing ipaalam ni Kuya kahit kanino na magkaibigan kami dahil ayaw niyang may kumalat na naman na rumors at maapektuhan ang mental health ko. Kaya since grade 7, naging sikreto na ang pagiging magkaibigan namin. I know it’s weird, but I like the relationship we currently have. “Well... He said, dito siya mag-work but I don’t have any idea when he will come home. He’s busy these past few months. He barely messages me.” Medyo nalungkot ako nang sabihin ko iyon dahil maswerte na ako na makatanggap ng message mula sa kanya sa isang araw sa isang buwan. I know he’s studying hard because he’s a graduating student, I understand that. Isa pa, binigyan na niya ako ng heads up na hindi na kami gaanong magkakausap dahil magiging busy siya sa mga exams and thesis niya. Naging busy rin naman ako sa studies since I don’t want to disappoint my parents like I did back then. Isa pa, lagi pa rin ako ine-encourage ni Kuya Nigel na gawin ang best ko. “Wala ba talagang namamagitan sa inyong dalawa? Come on, be honest. You’re trying to monopolize him, right? That’s why you don’t want tell me his name.” pang-aasar pa sa akin ni Arissa habang sinusundot-sundot niya ang tagiliran ko. Natawa na lamang ako at napatingin sa double door ng hotel function hall nang bumukas iyon at iluwa noon si mom at dad. It’s been years already but they’re still putting on act for the sake of their image and our family name. Wala akong ideya kung paano kumalat ang attempted suicide ko no’ng grade 6 ako pero nakaabot iyon sa mga business partners ni dad and since then—nag-iba na ang relasyon naming tatlo. Nakatira kami sa iisang bahay pero madalang kaming magkita-kita, hindi na rin kami kumakain ng magkakasama except kapag may family reunion kami. They still don’t treat me well, but at least, hindi na nila ako gaanong sinasaktan nang pisikal. Despite everything that happened, umaasa pa rin ako na maaayos pa ang pamilya namin at mamahalin din nila ako balang araw, that’s why I’m still doing my best to make them proud of me. “Happy birthday, Samirah.” sabay na bati sa akin nila mom at dad nang makalapit sila sa akin. Kahit alam kong peke ang affectionate na ibinibigay nila sa akin kapag nasa public, masaya pa rin ako dahil kahit paano ay naranasan ko kung paano nila ko ituring na anak. I don’t care even if everything is just an act. I’m already contented with that. “Thank you, Mom. Dad.” nakangiting sabi ko bago sila bigyan ng tig-isang halik sa pisngi gaya ng inutos nila sa akin bago pa man mangyari itong party. “Good evening Mr. and Mrs. Nieva.” nakangiting bati ni Arissa at binati naman siya nila dad bago siya tumingin sa akin at humawak sa braso ko. “Puntahan ko muna mga classmates natin,” “Okay, thank you sa gift.” Pagtapos naming magpalitan ng beso ay hinarap ko ang parents ko. “Let’s go, we’ll introduce you to some of our client.” ani dad at tumango naman ako bago ipatong ang regalo ni Arissa sa mesa kung nasaan ang iba pang regalo. Since silang dalawa ang nag-organize ng debut ko, halos lahat ng bisita ay mga businessmen and women kasama ang mga anak nila na hindi ko naman kilala. Ang mga ka-edad ko lang na kakilala ko sa party ngayon ay ang mga kaklase kong malapit din sa akin. “Good evening Mr. and Mrs. Manabat. Are you enjoying the party?” nakangiting tanong ni dad nang lapitan nito ang mag-asawa na parehong umiinom ng champagne. “Oh hi, you’re both still looking young, huh?” puri ni Mr. Manabat dahil matanda na ito, I guess they’re already in their 60’s. “And right, happy birthday, Samirah. I’ll introduce you to my eldest son.” “Andrew.” Nang tawagin ni Mr. Manabat ang pangalan na iyon ay alam ko na kung sino iyon. Agad akong lumingon nang may lumapit sa aming naka-suit at hindi na ako nabigla nang makita ang seatmate at naging bully ko noon na si Andrew. “It’s been a while.” bungad na sambit niya sa akin at ngumiti naman ako nang tipid. “Yeah, how are you?” medyo awkward na bati ko pa kahit sa totoo lang ay para akong pagpapawisan. Hindi naman ganoon kalala ang mga harrasment na natanggap ko kay Andrew noon pero knowing na witness siya sa mga nangyari sa akin noon ay nati-trigger pa rin ang trauma ko. I thought, naka-move on at nakalimutan ko na ang mga bad experience na naranasan ko noon, pero hindi pa rin pala iyon ganoon kadaling kalimutan. “Oh, you already knew each other?” tanong ni mom at tumango naman ako. “He was my classmate in elementary. We’re seatmates.” Pilit akong ngumiti nang matamis at itinago ang anxiety na naramdaman ko. “Is that so? Why don’t you entertain him first? Mag-uusap lang kami nila Mrs. Manabat.” ani mom. “O-Okay.“ utal kong sabi bago tingnan si Andrew. Ang laki ng ipinabago niya, I almost didn’t recognize him. “Shall we go?” “What?” nagtataka pa niyang tanong na para bang hindi niya inaasahan na aayain ko siya. Saglit niya akong tiningnan at hindi nagtagal ay tumango rin siya at inilapit ang siko niya sa akin, nagsasabi na ipulupot ko ang braso ko sa braso niya. Kahit nag-aalangan ay ginawa ko ang gusto niya. I don’t want to make things uncomfortable between us, and I don't want to mess up tonight. Ayokong gumawa na bagay na hindi magugustuhan ng parents ko. “Now then, let’s go somewhere quiet.” “Why do we need to go somewhere quiet?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa isang bench na narito sa function hall. Malapit iyon sa glasswall kaya naman kita ang nightview sa labas. Ang mga nagtataasan at makikinang na ilaw mula sa mga building ay talaga namang nakakapukaw ng tingin. This is the reason why night is my favorite time of the day. “Nothing, I’m not really a fan of casual parties. Kung hindi lang ako pinilit nila mom, hindi ako a-attend. We’re not even that close.” ani Andrew nang makaupo kami sa bench at tanggalin ko na ang pagkakayakap ko sa braso niya. “Right.” tipid kong sabi. I’m still socially awkward. I don’t know how to have a conversation with him naturally. “Relax. I have no intention of doing anything to you. I will take this opportunity to apologize. I’m sorry for bullying you back then.” seryoso niyang sabi, dahilan para mapalingon ako sa kanya. He has matured, he is no longer the childish Andrew that I knew. Napangiti ako at iniwas din ang tingin sa kanya. People really change when they want to, just like me. Mahirap para sa akin ang magbago since I’m always been timid pero dahil sa kagustuhan ko na ibahin ang buhay na nakasanayan ko ay pinilit kong magbago. I change for the better, although I’m still selflessㅡI really don’t beat myself over it. Hindi naman kasi ganoon kadali baguhin ang mga bagay na una pa lang ay nakasanayan na. “Thank you.” nakangiting sabi ko nang lingunin ko ulit siya. Tiningnan niya ako habang nakataas ang dalawa niyang kilay kaya medyo natawa ako. “Why are you saying thank you?” naguguluhang tanong niya. “Hmm, because you apologized?” hindi siguradong sagot ko. I mean, sa lahat ng mga taong may hindi ginawang tama sa akin ay siya pa lang ang humingi ng tawad. “Well, I picked on you a lot when we were kids. Tuwing naaalala ko kung gaano ako ka-childish noon, nahihiya ako sa sarili ko.” natatawa niyang sabi. “To be honest? I really find you annoying back then, but I really don’t resent you. You picked on me a lot before but you never hurt me once.” nakangiti kong sabi. “Well...” awkward na sambit niya habang nagkakamot ng batok. “You are a different person now and you’ve matured. Isn’t that a good thing?” tanong ko at tumango naman siya habang nakangiti. “Yeah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD