My head hurts. What happened? Why didn’t I die? Balak ko na sanang imulat ang mga mata ko ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto at tila kinabahan dahil pamilyar na yapak ng heels.
“Why is she still unconscious?” boses ni mommy. Naramdaman ko siyang lumapit kung saan ako kasalukuyang nakahiga kaya naman nahirapan ako na magpanggap na natutulog pa rin.
“Wake up, Samirah.” Pakiramdam ko ay maiiyak ako nang sa unang pagkakataon ay hinaplos ni mommy ang pisngi ko. Her touch was so warm and that alone almost had me crying, has she realized that she loves me? Her one and only daughter? The thought of that happening made me really happy, pero hindi iyon nagtagal nang maramdaman kong unti-unting bumaba ang kanyang papunta sa leeg ko.
“Wake up, you need a scolding. You’re so stupid. If you’re going to kill yourself. Do it right.” madiin niyang sabi, dahilan para kumirot ang puso ko. Hindi ko alam na ganoon kalaki ang galit sa akin si mommy na kahit nasa bingit ako ng kamatayan ay hindi niya pa rin ako maituring na anak.
I’m really afraid of dying but I still tried to kill myself for mommy’s sake, and I hate myself for failing her once again.
“Mrs. Nieva.” Mabilis na inalis ni mommy ang kamay niya sa leeg ko nang marinig ang boses na iyon matapos bumukas ang pinto.
“Good afternoon, Doc. What’s my daughter’s condition? She has been unconscious for three days already.”
“Your daughter’s under stress, she’s suffering from depression. The cut on her wrist was really deep. Fortunately, she was taken to the emergency room immediately and blood loss was prevented.”
“If you don’t mind me asking, Mrs. Nieva. Did something happen? Why would she tried to kill herself like that?”
“I really don’t know why she did that, Doc.” ani mom, dahilan para maramdaman kong magtutubig ang mga mata ko.
“I-I see, after niya discharged, I suggest you take her to a psychiatrist. And also, talk to her. It will help her mental health condition. Bata pa ang anak mo, Mrs. Nieva. She will have trouble coping with the stress and such so, help her. Reassure your daughter of your love and don’t dismiss her problem once she tried to open up. Depression isn’t a joke.”
Nanatili akong nakapikit at saka lang pinakawalan ang luhang kanina ko pang gustong pakawalan nang marinig kong lumabas si mommy at ang doctor. Minulat ko ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang luha ko kahit na napupunta pa iyon sa tainga ko. Nakatingin lamang ako sa kisame habang nakatago ang labi ko nang sa gano’n ay hindi ako makagawa ng ingay.
I don’t know what to do anymore. I feel so miserable, why do I need to experience this kind of life. Just why?
“Hija, anak. Ayaw mo ba talagang magpahinga lang muna? Kaka-discharged mo lang kahapon. Baka makasama sa ‘yo ang pumasok agad.” nag-aalalang sabi ni manang nang pumasok ito sa kwarto ko. Ngumiti ako nang tipid at tumango, I’m really glad that I have manang by my side. Kahit paano ay gumagaan ang bigat na nararamdaman ko.
Siya ang nagsundo sa akin kahapon dahil simula no’ng bumisita si mommy sa hospital ay hindi ko na siya nakita. Gano’n din si daddy na hanggang ngayon ay nasa business trip pa rin at tila walang pakialam sa nangyari sa akin.
“I need to go to school, Manang. Absent na ako ng ilang araw.” Nakita kong naluha si manang kaya naman nilapitan ko ito at niyakap. “Sorry for being stubborn, sorry for scaring you.“
“Pangako mo sa ‘kin na hindi mo na uulitin ‘yon, Hija.“ Kumalas ako sa pagkakayakap at ngumiti lang nang tipid.
Pagdating ko sa school ay pinilit kong maging normal ang pagbalik ko.
Dire-diretso akong naupo sa tabi ni Andrew nang makitang naroon na siya. Tiningnan niya ako at tinanong kung bakit absent ako ng ilang araw.
“I’m sick, I had a fever.” sabi ko nang maupo ako at mapatingin sa palapulsuhan ko. Hindi pa gano’n kagaling ang sugat ko pero inalis ko na ang bandage noon at nagsuot ng leather bracelet para kahit paano ay matakpan iyon.
Ayoko iyong ipakita sa mga kaklase ko dahil natatakot ako na baka may rumors na kumalat at maapektuhan ang parents ko.
“Class dismissed.” Pagkasabi noon ng teacher ay kinuha ko agad ang bag ko at nagmadaling umuwi ngunit hindi ko inaasahan na makikita ko si Kuya Nigel sa parking lot. He’s talking to my driver.
“K-Kuya Nigeㅡ” Hindi ko naituloy ang pagtawag sa kanya nang makita ko siyang napahawak sa ulo niya na para bang na-stress siya.
“Ma’am Samirah.” tawag sa akin ni manong driver nang mapansin niya akong nakatayo hindi kalayuan sa pwesto nila. Mabilis na lumingon sa akin si Kuya Nigel at lumapit. Tiningala ko pa siya nang tuluyang siyang mapunta sa harapan ko at tumayo lang doon.
“H-Hello, it’sㅡ”
“Why?” Putol niya sa balak ko sanang pagbati sa kanya. “Why did you hurt yourself? Why did you try to end your life?”
Naitago ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. I can’t look at him in the eyes, I felt bad for making him feel sorry for me and now that I’m seeing him after a few days.I feel like I’m going to cry again.
“I-I’m sorrㅡ” Hindi ko naituloy ang paghingi ng tawad nang yakapin niya ako.
“Don’t apologize. It’s not your fault, I’m sorry, I didn’t mean to question you like that.” aniya bago kumalas sa yakap at lumingon sa driver ko para magpaalam na hihiramin niya muna ako.
Nag-alangan pumayag si Mang Raul at alam ko kung bakit. Binilin kasi ako sa kanya ng asawa niyang si manang na i-uwi ako agad pagtapos ng school dahil kailangan kong magpahinga and I know he’s concerned for me, too.
"It’s okay, Mang Raul. Wala naman sina Mom at Dad. Pwede ako umuwi ng late, ako na po bahala mag-explain kay manang.”
“Oh, sige. Basta bumalik kayo agad.” Tumango-tango ako kaya naman umalis na kami ni Kuya Nigel. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at hindi ko na rin tinanong pa dahil pakiramdam ko ay galit siya sa akin. I don’t want him to hate me, what should I do?
“What do you want to eat?” tanong niya sa akin nang makalabas kami ng school.
"I’m not hungry.”
“Then what do you want to do? Tell me, and we’re going to do it. Do you want to go to amusement park? Aquarium? Mall?” tanong niya at tipid naman akong ngumiti. He’s trying to cheer me up, and I’m happy but deep inside I still feel miserable. Pakiramdam ko ay masasayang lang ang effort niya kaya umiling na lamang ako.
Huminto siya sa paglakad at nagpunta sa harapan ko. Bahagya siya yumuko nang sa gano’n ay magpantay ang paningin namin kaya naman medyo napaatras ako. My heart feels like it’s about to jump out of my chest.
“Are you sure? Sabihin mo lang sa ‘kin kung ano ang gusto mong gawin. Don’t hold back,”
“T-Then... Can you give me a hug again?” nahihiya kong tanong at ngumiti naman siya bago ipatong ang kamay niya sa ulo ko at tumayo nang diretso.
“Come here.” He stretched his arms wide to allow myself to be hugged by him. Noong una ay nag-alangan pa ako, but in the endㅡniyakap ko pa rin siya at idinikit ang gilid ng ulo ko sa dibdib niya. Ang kamay naman niya ay inilagay niya ulit sa ulo ko at marahan iyong tinapik-tapik.
“I know you’re going through a rough period. I know you don’t want to burden me with your problems but I’ll let you know that you can talk to me anytime, Samirah. Tell me all your struggles, I will listen to it. You know I care for you and you’re not alone in this.”
His words made me cry and at that exact moment, I knew he’s gonna change my life.