Chapter 6.5

1140 Words
“By the way, did you get hurt? What happened to your arm?” Kahit masakit ay agad akong napakapit sa braso ko nang tanungin iyon ni Kuya Nigel. Ngumiti ako nang tipid at umiling-iling, I really don’t want to lie to him since he’s a like a big brother to me. Ganitong-ganito rin siya mag-alala kapag nasasaktan si Tristan, and I’m really happy na nag-aalala siya rin sa akim but I can’t tell him the truth. “M-My arm’s okay.” pagsisinungaling ko nang iiwas ko sa kanya ang tingin at marahas na mapalunok. Ayokong malaman niya kung ano ang sitwasyon ko sa bahay, I don’t want to burden him. I don’t want him to feel bad for me. “Are you sure? O baka napahigpit ba paghawak ko sa ‘yo kanina? I’m sorry.” “No, no. You didn’t hurt me.” nagpa-panic kong sabi dahil ayokong sisihin niya ang sarili niya. “Uhmm, to be honest, I-I hurt my arm but it wasn’t that serious, promise!” “Are you sure?” nag-aalalang tanong niya at tumango-tango naman ako. “Okay, give me your hand.” aniya. Noong una ay nag-aalangan pa akong i-abot ang kamay ko ngunit ginawa ko pa rin. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at binukas ang palad ko, matapos noon ay may inilapag siyang candy. Matamis siyang ngumiti sa akin bago malambing na tinapik-tapik ang ibabaw ng ulo ko. “I know we’re not really a family but you can rely on me and think of me as your big brother. Don’t hesitate to tell me your problems, I’m all ears.” seryoso niyang sabi na para bang nakatatanda ko siyang kapatid. “Bata ka pa, Samirah. ‘Wag mo isarili ang mga bagay na gumugulo sa isip mo, it won’t do you any good.” “I’ll try. T-Thank you.” “Good girl.” tipid niyang sabi bago tumayo at ilahad ang kamay niya sa akin. “Let’s go.” Masaya akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam kung ano ang exact reason pero pakiramdam ko ay magiging okay lahat kapag kasama ko si Kuya Nigel. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak at hindi ko napigilang mapangiti. He’s sweet and caring, and I might have a crush on him. Since that day Annie and her friends has stopped bullying me. I don’t know what exactly happened but I feel like Kuya Nigel was behind it. Kung ano at paano ang ginawa niya? Hindi ko na inalam at hinayaan na lang lumipas ang mga araw. My school life became peaceful, pero ganoon pa rin ang sitwasyon ko pagdating sa bahay. Kung hindi nagsisigawan ang parents ko ay naririnig ko naman ang ingay ng ibang babae sa kwarto nila dad and then one night, na-discover ko na secretary ni dad ang madalas kong marinig sa master’s bedroom. Nakita ko siyang lumabas ng kwarto at naghalikan pa sila ni dad bago ito bumaba. That night, naglakas loob akong tanungin si dad kung bakit niya iyon ginawaㅡhe said that it was normal, and it’s none of my business. “What’s this?” Marahas akong mapalunok nang ipakita sa akin ni mommy ang report card ko. My grades are okay, nasa line of nine lahat except sa english na 80 lang ang nakuha ko. Sinubukan kong magmakaawa kay Ma’am Salinas na bigyan niya na lang ako ng special project kapalit sa hindi ko pagpasa ng portfolio sa tamang oras pero ang sabi niya ay final na raw iyong 80. “H-Hindi po kasi nakapagpasa sa tamang oras ng portfolio since my classmates pulled a prank on me. Pinagpasa-pasahanㅡ” Gulat akong napahawak sa pisngi ko nang maramdaman ang paglapat ng palad doon ni mom. Nangingilid ang luha ko siyang tiningnan at nakita kung gaano ito kagalit. “Don’t blame others for your mistake! Hindi ka male-late kung nagpasa ka ng maaga! Damn it, you’re so stupid! English na lang, hindi ka pa nakakuha ng mataas na grade!” “I-I’m sorry, I’ll do better next time.” Nanginginig ang boses ko at pilit na pinigilan ang pag-iyak dahil ayaw ni mommy na nakikita niya akong umiiyak, naiirita siya at lalong nagagalit. Simula noong araw na makita ko siya sa study ay mas lumala ang galit niya sa akin at ayoko nang dagdagan pa iyon. “I don’t care. You’re a failure. You’re better off dead.” Natigilan ako matapos iyong marinig. “I don’t care. You’re a failure. You’re better off dead.” “I don’t care. You’re a failure. You’re better off dead.” Paulit-ulit nag-echo sa isipan ko ang sinabing iyon ni mom at bumalik lang ako sa sarili nang tawagin ako ni manang nang makaakyat na si mommy sa itaas. Napatingin pa ako sa sahig dahil napansin kong punit-punit na ang card ko. “Hija.” “Okay lang po ako.” mapait akong ngumiti at umakyat na sa itaas. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay tiningan ko agad ang sarili ko sa salamin. Medyo namumula ang pisngi ko kaya hinawakan ko iyon habang tumutulo ang luha ko. “You’re so pathetic, Samirah.” I said to myself, “You’re better of dead.” Ngumiti ako at binuksan ang bag ko para kuhain ang gunting doon. I can still hear my mom’s voice saying that I’m better off dead. Nag-flashback sa isip ko ang image niya sa study na pilit kong kinakalimutan. She’s crying while begging me to die. “It’s your fault.” Masama akong tiningnan ni mommy nang mapansin niyang nasa loob na rin ako ng kwarto. “M-Mom.” Naglakas loob akong lapitan siya ngunit nang makarating ako sa harapan niya ay marahas niyang hinawakan ang magkabila kong balikat. Napapikit ako nang mariin dahil bumaon ang mahaba niyang kuko roon pero tiniis ko ang sakit dahil alam kong mas nasasaktan siya ngayon kaysa sa akin. “It’s your fault. If it wasn’t for you... Please, just die!” “Just die, okay? Please... Just die. I’m begging you.” Nakita kong tumulo sa sahig ang luha ko nang yumuko ako matapos maalala iyon. Noong nakilala ko si Kuya Nigel ay nawala na sa isip ko ang pag-suicide pero dahil sa pagmamakaawa ni mom sa akin noong araw na iyon. Naisip ko na baka iyon ang makabubuti sa lahat. Now, the burden of being alive suddenly took a toll on me. Tiningnan ko ang palapulsuhan ko at inilagay roon ang matulis na bahagi ng gunting. Sabi ko ay hindi ako susuko hangga’t hindi ko nakukuha ang affection nila mom. And maybe, if I diedㅡmatutuwa na sila sa akin. Yes, that’s right. I’m better off dead. So, I slowly closed my eyes and took a long, shaky breath before slitting my wrist in one quick motion. I want this to end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD