Chapter 6

1004 Words
“Samirah!” I flinched when I heard Kuya Nigel’s voice. Hindi ko ito nilingon at dali-dali lang na dumiretso sa parking lot. I don’t think I can face him right now. “Hey, Samirah! What’s wrongㅡ” “Ouch!” Napapikit ang isa kong mata nang hawakan niya ang braso ko dahil sa pagpigil niya sa akin. Nagtama ang paningin namin ngunit agad din akong umiwas. “Did you get hurtㅡ” “No! Don’t!” Pigil ko nang akma niyang i-angat ang sleeve ng uniform ko. I can’t look him in the eyes, I’m ashamed. Dahil sa akin ay nadamay siya sa mga nasty rumors na kinalat ni Annie. If someone saw us together again, mag-iiba ang tingin nila sa kanya kahit hindi naman nila siya kilala personally. I don’t want that to happen, I don’t want to ruin his image just because he’s hanging out with someone like me. “Is that him?” “He’s handsome, but he’s a total pedoㅡ” Mabilis na lumingon si Kuya Nigel nang marinig niya ang bulungan, dahil doon ay agad na kumaripas ng takbo ang dalawang babae. “Are they talking about me? And wait, did she just say pedo? Me?” hindi makapaniwalang tanong niya habang tinuturo niya ang sarili niya naitago ko na lamang ang labi ko at balak na sanang humingi ng tawad ngunit bigla na lang siyang tumawa nang malakas, dahilan para mapatitig ako sa kanya. Why is he laughing? Is that something to laugh about? Isn’t he supposed to angry instead? “That was so hilarious!” Hinawakan niya ang kanyang tiyan at yumuko habang tumatawa pa rin na para bang nababaliw na siya. Pinunasan pa niya ang luha sa gilid ng kanyang mata bago tumingin sa akin habang nakangiti. “Sorry, that was too funny.” aniya, “Well, ‘yon ba ang rason at hindi mo ako pinansin?” Marahan akong tumango at muling nag-iwas ng tingin ngunit kusa na lang akong naluha nang maramdaman kong ipinatong niya ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Bagay na madalas niyang gawin sa akin at nakasanayan ko na, isa iyon sa mga comfort ko. “Do you think I’m a pedo?” tanong niya, dahilan para mapalingon ako sa kanya at makita ang malungkot na ekspresyon sa mukha niya. Oh, no! I think he misunderstood me. “N-No! That’s not the reason, I mean. Dahil sa ‘kin kaya nag-start ang rumors about you being a pedolphile.” nagpa-panic kong paliwanag kaya iniwas ko ulit ang tingin sa kanya. “I-I’m sorry, because of meㅡ” “Come on, look at me. I’m right here.” malambing niyang sabi kaya kahit nahihiya at natatakot ay lumingon pa rin ako sa kanya. Malawak siyang ngumiti sa akin at marahang tinapik-tapik ang ibabaw ng ulo ko. Wala na ang malungkot na ekspresyon sa mukha niya. “I didn’t mean to ignore you, I’m sorry.” paghingi ko ng tawad matapos kong punasan ang luha ko. “Listen, Samirah. I don’t know what exactly happened, but don’t do this. Don’t just suddenly ignore me and if you have a problem. Talk to me, we’re friends, right?” Marahan akong tumango kaya naman nag-decide kami na magpunta sa wala gaanong makakakita sa amin dahil napansin niya agad na hindi ako komportable at conscious ako sa paligid. “I’m not going to force you to talk about what happened.” ani Kuya Nigel habang nakaupo kami sa batong upuan malapit sa park. Tiningnan ko ang mga kinder na masayang naglalaro sa hindi kalayuan kasama ang parents nila. I can’t help but envy them. Simula magkaisip ako, wala akong memorya na nakipaglaro sa akin sina mom at dad. Lagi lang silang busy, minsan ay hindi pa nila ako pinapansin kapag umuuwi sila galing trabaho. Kapag may business trip ay basta lang silang aalis at ibibilin lang ako kay manang. “How does it feel to be able to play with your parents?” I muttered. “What? May sinabi ka?” Mabilis kong nilingon si Kuya Nigel at agad na umiling. “N-No, nothing.” “Are you okay, Samirah? Are you having a hard time?” “C-Can I be honest?” “Ofcourse.” nakangit niyang sabi kaya naman itinago ko ang labi ko at nag-isip kung paano ko uumpisahan ang pagsasabi sa kanya about sa rumors na kumakalat. I’m sure, aware na siya roon dahil narinig niya kanina but still kailangan ko pa rin linawin kung paano nangyari ang rumors na iyon. Ayokong magkaroon ng misunderstanding sa amin. “I’m not okay. You see, my classmate...” I trailed off, “Uhm, nagkalat siya ng nasty rumors about us...” “It’s okay, take your time.” Malalim akong bumuntong hininga at saka nag-ipon ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. “She said, she saw us k-kissing.” “What the f**kㅡooops, sorry! Erase that word from your memory. I’m such a bad influence.” nagpa-panic niyang sabi nang saglit niyang takpan ang dalawang tainga ko. Napangiti tuloy ako dahil may cute side rin pala siya. “Who said that? When did we kiss? And why would I do such thing? You’re a kidㅡ” Bahagya siyang napangisi habang naiiling at tila hindi makapaniwala. “I see, so that’s why they think I’m a pedo?” “Y-Yes, I’m sorry. It’s my fault.” mahina kong sabi bago yumuko at paglaruan ang sarili kong kamay. “You know, you can’t blame yourself for something you had no control over. It’s not your fault, okay?” Marahan kong nilingon si Kuya Nigel at nakitang nakangiti ito sa akin nang matamis. Hindi iyon ang first time na ngumiti siya sa akin but at the momentㅡmy heart starts beating so fast, I feel like it’s going to come out of my chest. Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis ulit na nag-iwas ng tingin sa kanya, that smile was dangerous.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD