Chapter 5

1952 Words
“Is that her?” “Yeah, she already has a boyfriend. And I heard, senior high school na.” “Oh no, what a flirt. Nasa elementary pa lang tayo.” Hindi ko pinansin ang mga narinig na bulungan sa hallway at dumiretso lang ng lakad. Walang pakialam kahit pagtinginan pa nila ako na para bang napakadumi kong tao. I’m tired, I’m tired of everything. The sight of my mother crying, the sound of another woman moaning inside my parents’ room. It’s still hunting me, I don’t know how to erase that unpleasant memory from my mind. I want to forget everything. “Samirah, can we talk?” Napahinto ako sa paglakad nang mayroong humarang sa daraanan ko. Noong una ay hindi ko pa siya nakilala, mabuti na lang at nakita ko ang pangalan sa ID niya. Right, he’s the boy who confessed to me weeks ago. “Sorry, kailangan ako sa faculty, e.” Sinubukan ko siyang iwasan ngunit humarang ulit siya sa daan. “Totoo bang may boyfriend ka? Was that the reasonㅡ” “Wala akong boyfriend, Nicolo. Kuya Nigel is just my friend and I’m too young to be in a relationship.” “But Annie said she saw you kissing.” “What?” gulat na tanong ko sa kanya, dahilan para mas lalong dumami ang bulungan ng mga nakarinig sa sinabi niyang iyon. Napakagat na lamang ako sa labi at agad na bumalik sa classroom para harapin si Annie. I’m afraid, I’m afraid of confronting someone like her but I need to. Kung ako lang ang involve sa rumors, okay lang sa akin. Wala akong pakialam, pero ang gumawa ng gano’ng klase ng kasinungalingan kung saan involve ang taong wala namang ginagawa sa kanya. Ibang usapan iyon, I don’t want to drag Kuya Nigel into my problems. “A-Annie, can we talk?” “Talk about what?” mataray niyang tanong habang nakasandal ito sa bintana. Since breaktime namin ngayon ay nasa labas ang iba naming kaklase at walang teacher na nagbabantay sa amin dahil nasa meeting. Gusto ko siyang kausapin ng kami lang pero alam kong hindi siya papayag dahil gusto niya na ma-witness ng ibang tao ang pag-uusap namin. That’s the kind of person she is, she’s disgustingly cunning. “B-Bakit nag-iimbento ka ng kwento? When did I and Kuya Nigel kiss? Why would we do such thing? We’re not even in a relationship, we’re just friends.” mahinanon kong sabi, as much as possible. Hinihinaan ko ang boses ko. “Friends? Yeah, right. Bakit hindi mo na lang kasi aminin na malandi ka? And why are you getting mad? Totoo namang nakita ko kayong naghahalikan.” Naikuyom ko ang mga kamao ko nang sabihin niya iyon sa malakas na paraan. Sinadya niyang lakasan ang boses niya nang sa gano’n ay marinig siya ng mga kaklase namin. “Why are you looking at me like that? What? Are you going to hurt me?” Umalis siya sa pagkasasandal niya sa bintana at saka itinulak ang kaliwang balikat ko gamit ang hintuturo niyang daliri. Inulit-ulit niya iyon na tila ba naghahamon. “Bakit? Lalaban ka na kasi may boyfriend kang senior high?” nakangisi niyang tanong sa akin habang nakataas ang kanyang kilay. Saglit akong napayuko dahil pinipigilan ko ang sariling magalit at sumabog dahil alam ko na ako rin ang mags-suffer sa huli kapag hinayaan kong kontrolin ako ng sariling emosyon. “What? Why aren’t you saying anything? Kunwari ka pa kasing painosente, malandi ka naman. You even accepted his invitation when he invited you to their house,” Mabilis akong nag-angat ng tingin nang gumawa na naman siya ng panibagong kasinungalingan. What have I done to her to make her slander me like this? I didn’t even do anything to her. But why? What did I do to deserve this? This is so frustrating. “What’s his name again? Nigel? What kind of adult would invite an elementary student to his home? Is he a pervert? A pedophiㅡ” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal nang malakas ang pisngi ni Annie nang sa gano’n ay hindi niya maituloy ang kung ano man ang sasabihin niya. Nangingninig ang katawan ko sa takot, pero mas nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko ngayon. “Oh my God! Call the teacher!” sigaw ng kaibigan ni Annie nang makitang umiiyak ito habang nakahawak sa pinsgi niya. She didn’t even fight back, umiyak lang siya nang umiyak kaya napaatras ako. Hindi ko alam ang gagawin, nilingon ko ang paligid ko at nakitang pinagbubulungan ako ng mga kaklase ko habang nakatingin sa akin na para ba akong isang kriminal. Bumilis ang t***k ng puso ko kaya naman napahawak ako sa dibdib ako. I suddenly felt dizzy and started sweating bullets. Pakiramdam ko ay may mga boses sa isipan ko, I feel like I’m going to pass out. I need to get out of here. “What’s happening?” Agad akong napalingon nang dumating si Ma’am Salinas. Mabilis itong lumapit kay Annie na hanggang ngayon ay umiiyak kaya naman napakagat ako sa labi. “Ma’am, l-let me explain. I didn’t mean to hurt Annie. It’s justㅡ” “Enough!” madiing sambit nito, dahilan para mapapikit ako nang mariin. “Annie, what happened?” malambing nitong tanong. “It’s okay, don’t cry. Explain to me what happened.” “S-Sinugod po ako ni Samirah dahil nagkakalat daw ako ng rumors about her. I’m just expressing my concern. I don’t want her to get involved with shady people. N-Nakita ko po kasi siyang nakikipaghalikan sa senior high student so...” Hindi na napigilan ng luha ko ang pumatak matapos marinig ang mga kasinungalingan na nanggaling sa bibig ni Annie. Masama akong tiningnan ni Ma’am Salinas bago ako hinawakan sa palapulsuhan. “Come with me, I’ll talk to your parentsㅡ” “N-No! Ma’am, please. Don’t call them.” makaawa ko habang hila-hila niya ako palabas ng classroom. Nilingon ko pa saglit si Annie para lang makitang nakangisi ito sa akin habang kumakaway. At that exact momentㅡI felt trapped and the darkness is eating me slowly piece by piece. Why? Why is this happening? “You’re a f*****g disappointment!” bulyaw ni dad pagkauwi na pagkauwi namin ng bahay. “Violence? Really Samirah? Ayan ba ‘yong nabu-bully? Looks like you’re the one who’s bullying!” “But Dadㅡ” “Don’t you know how much embarrassment I took while apologizing to your classmate’s parent?!” Napapikit ako nang mariin ng mas lalo niyang tinaasan ang boses. I’m scared, is he going to hit me? “Come here! I wil teach you a lesson!” Marahas niyang kinuha ang braso ko at hinatak ngunit biglang dumating si manang at humarang sa hagdan. “S-Sir Savier. Huminahon po kayo, nasasaktan ‘yong bata.” “H’wag kang mangialam, Manang. Alam ko kung paano didisiplinahin ang anak ko. Stay out of my way if you don’t want to lose your job.” “I-I’m okay, Manang.” nakangiti kong sabi para umalis siya sa pagkahaharang sa hagdan. Ayokong mawalan siya ng trabaho dahil lang sinubukan niya akong tulungan, at isa paㅡsa galit ni dad, alam kong walang makapipigil sa kanya. “So, please...” Naitago ni manang ang kanyang labi bago marahang umalis, tiningnan ko siya at muling ngumiti bago ako marahas na hatakin ulit ni dad paakyat sa hagdan. Halos madapa pa ako ngunit pinilit kong masabayan ang malalaki niyang hakbang hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at marahas niya akong bitawan na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig. “D-Dad, please. I’m sorry, don’t hurt me.” I begged when I saw him take off the belt he was wearing. Hindi niya ako pinakinggan at napapikit na lamang nang maramdamang lumatay sa katawan ko ang sinturon na hawak niya. “You’re a f*****g disgrace to the family! Pareho kayo ng mommy mo! Mga walang silbi!” At that moment, wala akong ibang naririnig kung hindi ang pagsigaw ni dad, ang sunod-sunod na paglatay ng sinturon sa iba’t ibang parte ng katawan ko at ang pagmamakaawa ko habang malakas na umiiyak. My whole body felt numb, I want this to end. I want to end my suffering. “Hija, sigurado ka bang papasok ka?” tanong sa akin ni manang habang pinagmamasdan niya ang mga pasa sa katawan ko dulot nang nangyari kahapon. They’re still sore, and it’s hard to move. “Opo, Manang. Hindi ako pwedeng um-absent.” Ngumiti ako nang tipid ngunit napailing lang si manang. Halatang naaawa ito sa akin at gustong pagaanin ang loob ko pero alam niyang wala siyang magagawa kung hindi ang sundin ang gusto ko. Mabuti na lang at longsleeve ang uniform ko, matatakpan noon ang mga pasa ko sa braso. It hurts but I have to endure it. Everything that is happening to me now is my own fault. I am too weak, that’s why I have no right to complain. That’s what dad told me yesterday after he disciplined me. I need to reflect on my actions, iyon din ang gusto kong paniwalaan kaya simula ngayon. Wala na akong pakialam kahit saktan o bully-hin ako ng mga kaklase ko. I will endure it, titiisin ko para hindi na ulit maipatawag sa guidance office ang parents ko. “Good morning.” masayang bati sa akin ni Annie nang salubungin niya ako sa locker area kasama ang dalawa niyang kaibigan na hindi ko matandaan ang pangalan. Sinubukan ko siyang ‘wag pansinin at binuksan na lang ang locker ko para kuhain doon ang ilan kong gamit. “Are you deaf? Aren’t you going to greet me back?” tanong ni Annie matapos kong isara ang locker at tingnan siya ng walang kaemo-emosyon. “Come on, Annie. Don’t provoke her, look. Namamaga mga mata niya, baka hindi lang sampal abutin mo sa kanya this time.” asar ng kaibigan niya bago sila nagtawanan na para bang napakagandang joke noon. Nilagpasan ko na lamang silang tatlo at nagtungo na sa classroom pero pagdating ko sa mesa ko ay puro basurahan na ang ilalim noon, may mga nakasulat din na malandi, violent, at kung ano pa roon. Tiningnan ko ang mga kaklase ko at nakitang nagtatawanan ang ilan sa kanila habang nakatingin sa direksyon ko at ang iba naman ay walang pakialam. Inilapag ko na lamang ang bag ko sa upuan ko para kunin ang basahang baon ko at burahin ang mga nakasulat sa mesa. It happens to me almost everyday so, I’m already used to it. It no longer affects me. “Hey.” Nakarinig ako ng bulungan kaya naman nilingon ko kung sino man ang lumapit sa akin. Saglit ko siyang tiningnan at ibinalik din ang atensyon sa ginagawa ko. Why is he talking to me all of a sudden? He’s a bully, too. Just because he saved me once, doesn’t mean he will do it again, kagaya lang din siya ng iba kong kaklase. “You’re ignoring me?” tanong niya sa akin nang hawakan niya ang braso ko. “Aw!” Daing ko nang mapapikit ako nang mariin, mabilis niya akong binitawan dahil doon. “Ang oa mo naman,” aniya. “J-Just leave me alone.” mahina kong sabi bago maupo at tanggalin ang mga kalat na nasa ilalim ng mesa ko at ilagay iyon sa plastic na baon ko. “Tch!” Iyon na ang huli kong narinig kay William bago siya umalis kaya naman muli akong napabuntong hininga. When will I live normally? All I want is to be happy, have friends, and be loved by my parents. Even just for one day, can’t I experience that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD