Chapter 4

1902 Words
“Class dismissed.” Mabilis akong tumayo at excited na lumabas dahil alam kong naghihintay sa akin si Kuya Nigel sa labas ng building. Dalawang linggo na ang nakalipas noong magkakilala kami at simula noon ay lagi na niya akong hinihintay para makasiguradong wala nang mangbu-bully sa akin. And surprisingly, tinigilan na ako nila Andrew. Although may times pa rin na hina-harass ako ng iba, at least nabawasan na sila. “Kuya Nigel!” sigaw ko nang makita siyang nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro. Tumakbo ako at nag-angat naman siya ng tingin sa akin, medyo napahinto pa ako nang makitang may suot siyang salamin. I know he’s already handsome but he’s more attractive when he’s wearing glasses. I don’t know how to put it but he’s giving me a sexy nerd vibe. “Why are you running? Be careful, baka madapa ka.” aniya nang isara niya ang librong binabasa niya at itago iyon sa bag niya. Ngumiti ako nang malawak at saka naupo sa tabi niya. “You look happy, did something happen?” Umiling ako dahil wala naman talagang nangyari. Masaya lang talaga ako na makita siya siya dahil siya lang ang tangi kong kaibigan, siya lang din ang nakakakwentuhan ko maliban kay manang. Gano’n pa rin naman kasi ang sitwasyon ko sa bahay, halos araw-araw nagtatalo si mom and dadㅡthey’re arguing about how my dad’s cheating and mom wanting a divorce whenever we eat dinner together. Wala silang pakialam kahit naroon ako o wala. My presence and mental health didn’t matter to them. Kaya kahit hindi dapat pag-usapan sa harap ko ay pinag-uusapan nila na tila ba hindi ako nag-e-exist. “Oh, now you look sad.” Ipinatong ni kuya Nigel ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko kaya naman napangiti ako nang bahagya. Besides manang, he’s the only person who looked after me. Hindi ko pa siya ganoon katagal kakilala but I’m really happy that I met him. He’s my savior, and I will cherish what we have now because if it wasn’t for himㅡbaka hanggang ngayon, mag-isa pa rin ako. “Are you sure nothing happened?” paninigurado niya. “Ye, nothing.” Malawak akong ngumiti, but I regretted my actions when I noticed how careless I was. Mabilis akong napayuko nang makitang pinagtitinginan kami ng mga kapwa ko grade 6 na kalalabas lang din ng building, ang iba pa roon ay kaklase ko. “Flirting with adult so openly? You sure are shameless.” komento ni Annie nang dumaan sila ng mga kaibigan niya sa bench kung saan kami nakaupo. Kinuyom ko ang mga kamao ko at madiing kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakayuko. “What the he—” “No, i-it’s okay. Don’t mind them, Kuya Nigel.” Pinigilan ko ang braso niya nang makitang patayo na siya, nag-angat ako ng tingin at nakitang sinusundan niya ng tingin sila Annie bago ibalik sa akin ang tingin. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinabit iyon sa uniform niya. “How is that okay?” Malalim siyang bumuntong hininga bago sinuklay ang buhok niya gamit ang kanang kamay niya. “Kids these days sure act like bullying and gossiping are cool.” “C-Can we just go somewhere else?” nahihiyang tanong ko. Ayoko kasi na pati ang una kong kaibigan ay madamay sa mga rumors. Kung ako lang, wala akong pakialam dahil sanay na ako pero kung pati siya ay madadamay, baka mawalan ako ng kaibigan. Alam ko hindi ito ang unang beses na pumunta rito nang ganito si Kuya Nigel because apparently, rito siya nag-aral noon at isa pa—rito rin nag-aaral ang pamangkin niyang nasa grade 1. Kung lagi kaming makikita ng mga ka-batch ko na magkasama, baka iba ang isipin nila. Lalo na’t nasa senior high na si Kuya Nigel. He’s already 17, and I’m just twelve years old. Hindi ganoon kalaki ang age gap namin but since I’m still underage, people might think he’s a weirdo or worse, a pedophile even though he’s not. “Okay, sunduin na natin si Tristan. But, are you sure na sasama ka sa ‘min ngayon sa park? May piano lesson ka tuwing Wednesday, right?” “Oh, uhmm. I stopped my piano lesson.” sabi ko habang pinaglalaruan ko ang sariling kamay at nakayuko. “Why?” nagtataka niyang tanong nang tumayo siya ay nag-angat ako ng tingin at tumayo na rin. “Uh, because mom said that I should study violin instead.” sagot ko nang mag-umpisa na kaming maglakad papunta sa building ng mga grade 1 kung nasaan ang pamangkin niyang si Tristan. Araw-araw kasi siyang sinusundo ni kuya Nigel dahil nasa business trip daw ang kapatid niya, which is daddy ni Tristan. Pwede naman daw katulong na ang magsundo sa pamangkin niya but he insisted na siya na lang dahil malapit lang naman daw ang school niya at halos sabay lang sila ng uwian. “What? Is that okay with you?” Tumango lang ako sa tanong niya kahit sa totoo lang ay hindi okay sa akin. Hindi naman iyon ang unang beses na huminto ako sa lesson. Bago ako magkaroon ng piano lesson ay pinag-aralan ko muna ang Cello, but since I’m still young, hindi pa ako pwede sumali sa mga Cello competitions kaya nag-decide siya na mag-piano lesson na lang ako, but every time I forgot my piece and messed up my performance during competition, sinasaktan niya ako hanggang sa nagsawa na lang din siya, and now—gusto naman niya akong matuto ng violin. Pangarap kasi ni mommy ang maging musician pero hindi iyon natupad dahil imbes na mag-aral ng music ay business and administration management ang kinuha niya. And after grumaduate ay nagtrabaho siya agad sa company nila grandpa. I guess, that’s also one of the reasons why she resent me. Because I’m useless, I tried so hard to learn those instruments, nagbabakasali na maging proud siya sa akin kapag nanalo ako sa mga competition but no—I still ended up disappointing her, kahit may times na naging first o second place ako, hindi iyon naging enough sa kanya dahil ang gusto niya ay nasa top ako. “Hey, are you listening to me?” Mabilis akong napalingon kay Kuya Nigel at sunod-sunod na kumurap nang ma-realized na hindi na ako nakikinig sa kwento niya dahil naging okupado ang isip ko sa ibang bagay. “I-I’m sorry, what were you saying?” “Sabi ko, balik na tayo. Ihahatid na kita sa driver mo. You really looked pale right now.” “I’m okay, Kuya Nigel.” “No, you’re not. Don’t be stubborn. Kids should listen to adult.” Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at marahan iyong tinapik-tapik habang nakangiti, “Come on, let’s go back.” “B-But I still want to be with you.” nahihiyang sabi ko. When I’m with him, I can be surprisingly honest. May mga ugali ako na first time kong nadidiskubre na meron ako dahil sa kanya. I think he’s a good influence, and I’m really enjoying his company. Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko saglit ang mga negative thoughts na pumapasok sa isip ko. Although hindi iyon completely nawawala. I’m still glad na kahit paano ay nagkakaroon ako ng peace of mind. Nagkakaroon ako ng dahilan para gumising sa umaga. “Why do you always come home late?” tanong ni dad nang makauwi ako at maabutan ko siyang nasa living room. Why is he here? I thought he had a business trip with mom? “I-I studied in the library for a while.” pagsisinungaling ko nang tumingin ako sa paligid. “Where’s mom?” Hindi sumagot si dad at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng hawak niyang folder kaya naman nagpaalam na akong aakyat na sa kwarto. Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nagbihis at gumawa ng mga assignments. After noon ay nahiga ako sa kama at hindi namalayang nakatulog ako, pagmulat ko ng mga mata ko ay madilim na sa labas. Usually ay umaakyat si manang para gisingin ako para makakain but why didn’t she wake me up this time? Bumangon na lamang ako at lumabas ng kwarto para sana pumunta sa kitchen ngunit napahinto ako sa tapat ng hagdan nang marinig ang ingay at boses sa kabilang dulo ng hallway kung nasaan ang master’s bedroom. “Aaah! Savier, faster!” I flinched as I heard a different woman’s voice. I’m sure, hindi iyon si mommy. Napahawak ako nang mahigpit sa hem ng suot kong t-shirt bago mabilis na bumaba ng hagdan, muntik pa akong madulas pero mabuti na lang ay nakakapit ako sa railing. Pakiramdam ko ay hindi ko dapat marinig kung ano man ang nangyayari sa kwarto nila dad. Pagkarating ko sa huling baiting ay kusa akong napaupo, bigla na lang nanghina ang tuhod ko. My heart’s beating so fast. Why is it hard to breathe all of a sudden? What’s going on? “Hija, anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” nag-aalalang tanong ni manang nang lumabas ito mula sa kusina at maabutan akong nakaupo at hirap huminga. “W-Wala po.” Pilit akong ngumiti at tumayo bago siya yakapin sa braso at maglakad pabalik sa kusina. Natatakot na baka hanggang dito sa ibaba ay marinig ang ingay na nanggagaling sa kwarto ng parents ko. “Bakit hindi niyo po ako ginising, Manang?” tanong ko, pilit sinusubukan na ‘wag manginig ang boses ko dahil hanggang ngayon ay sumisikip pa rin ang dibdib ko. Hanggang ngayon ay nag-e-echo sa tainga ko ang boses ng babaeng iyon. Who is she? What is she doing with my dad? I know I’m still young but I am not that naive. Mayroon na akong ideya sa kung ano talaga ang nangyayari sa loob ng kwarto pero ayokong aminin sa sarili ko, ayokong aminin na totoong nagchi-cheat si dad. “Pinagbawalan kaming umakyat ni Sir Savier sa taas, e. Pasensya na hija. Nagugutom ka na ba?” Naitago ko ang labi ko matapos iyong marinig. I suddenly felt nauseous. “Nasaan po si mommy? Alam niyo ba kung saan siya nagpunta?” tanong ko nang sundan ko ng tingin si manang at panuorin siyang magligpit ng mga kalat sa lababo. Huminga ako nang malalim at pilit pinanatili ako ang composure ko. “Oh, kauuwi lang ng mommy mo. Wala ba siya sa kwarto nila ni Sir Savier?” tila natigilan ako at agad na napatayo nang sabihin iyon ni manang. “Baki—” Hindi ko na nagawang pakinggan si manang at agad na umakyat sa itaas. Sigurado akong hindi boses ni mommy ang narinig ko kaya naman kahit natatakot ay lumapit ako sa hallway. Napatakip ako sa bibig nang marinig ulit ang boses ng babae at nakumpirma na hindi nga iyon boses ni mommy. Tila lumalim ang paghinga ko at pinagpaiwasan kahit hindi naman mainit. Napatakip na lamang ako sa tainga habang unti-unting nagtutubig ang mga mata ko. Balak ko na sanang umalis doon ngunit napansin kong bukas ang ilaw sa study room na katapat lang ng master’s bed room. Marahas akong napalunok bago punasan ang mata ko at dahan-dahang nagpunta sa study room. Pinilit kong ‘wag gumawa ng kahit anong ingay at pagpasok ko sa loob ay para akong sinabuyan ng malamig na tubig. I was frozen in place when I saw mom, silently crying in the corner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD