Chapter 3

1834 Words
“And you? What’s your name, kid?” Inalis niya ang pagkakapatong ng kamay niya sa ulo ko at saka tumayo nang diretso. Bahagya ko siyang tiningala dahil sa height difference namin, medyo nangawit pa ako dahil halos hanggang ibaba lang ako ng dibdib niya. He’s tok tall for a grade 11 student, and matured too. “I-I’m Samirah.” nahihiya kong banggit sa pangalan ko. “Alright, Samirah. Lagi ba ‘tong nangyayari sa ‘yo? Let’s report this to your teacher.” aniya, dahilan para matigilan ako at mapakapit nang mahigpit sa palda ko, walang pakialam kahit na malukot pa iyon. “N-No, it’s okay. I...” Kinapa ko ang gusto kong sabihin, but in the end. Mas pinili kong ‘wag na lang iyong ituloy. I don’t want to burden someone I’ve just met. “What do you mean it’s okay? Bullying isn’t okay.” “I’ll go ahead, t-thank you for helping me.” Tipid akong ngumiti at mabilis na kumaripas ng takbo hanggang sa makarating ako sa faculty at pumunta sa table ni Ma’am Salinas. Nilagay ko ang kamay ko sa likuran ko at kinurot-kurot ang palad ko habang pinapanuod siyang tingnan ang portfolio ko na gusot-gusot na. “You submitted too late, Nieva. You know my rules, and what’s with your portfolio? Pinulot mo ba ‘to sa basurahan?” Naitago ko ang labi ko at marahas na lumunok. “I’m sorry, m-my classmates pulled a prank on me. Pinagpasa-pasahan po kasi nila ‘yong portfolio ko.” kinakabahan kong sabi, pumikit pa ako nang mariin dahil hinahanda ko ang sarili ko sa sasabihin niya sa akin. “Are you blaming your classmates?” Minulat ko ang mata ko nang marinig iyon at nakita ang nakataas na kilay ni Ma’am Salinas na tila ba hinihusgahan niya ako, na para bang may mali akong sinabi na kinainis niya. “N-No, ma’aㅡ” “You think I will accept this trash? I’m so disappointed in you, Nieva. Don’t expect a high grade from me this midterm. And next time, don’t blame others for your mistakes.” pangaral niya sa akin at tumango-tango na lamang ako, hindi ko na ipinagtanggol pa ang sarili ko o nagmaakawa dahil wala namang maniniwala at makikinig sa akin. Isa pa, nakakapagod nang umasa na maiintindihan nila ako. I’m tired of standing up for myself. “Sorry, ma’am. I’ll make sure this doesn’t happen again.” “As you should. Go home.” Paglabas na paglabas ko ng faculty ay nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Tumingala pa ako sa kisame at napalingon sa hallway nang marinig kong may tumawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya nagmamadaling tumakbo papunta sa akin, but for some odd reasonㅡnabawasan ang nararamdaman kong frustration. Tila umatras ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. “W-Why are you here, Kuya Nigel?” tanong ko nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Ang dalawa niyang kamay ay nakapahinga sa tuhod niya habang pilit hinahabol ang paghinga. "A-Are you okay?” “Here, you dropped this.” Inabot niya sa akin ang keychain na regalo sa akin ni manang last year kaya naman nanlaki ang mata ko at kinuha iyon sa kamay niya. “T-Thank you.” nahihiya kong sabi bago itago ang keychain sa bulsa ng palda ko. Pakiramdam ko ay nagtubig ang mata ko kaya naman mabilis kong iniwas ang tingin at magpapaalam na sanang aalis na ako ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko para pigilan. “Do you want to eat ice cream? I will treat you.” Marahan kong binalik ang tingin kay kuya Nigel at nakitang nakangiti ito sa akin. I know it’s dangerous to go with a stranger, but I think he’s not a bad person. “Really?” “Yeah, let’s go?” Sunod-sunod akong tumango at napatingin sa palapulsuhan ko dahil hindi niya ako binitawan. His hand were big and bony, also... It’s warm. Naitago ko lamang ang labi ko at sinabayan siya sa paglalakad. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan, is it really okay to go with him? “Did your parents not teach you not to talk to strangers?” tanong niya sa akin pagkaabot niya ng strawberry ice cream na nasa cone. May mga makukulay pa iyong toppings, unlike sa kanya na plain lang. “They never taught me anything.” nakangiting sabi ko bago dilaan ang ice cream. Bahagya pang nagsalubong ang makapal na kilay ni Kuya Nigel matapos iyong marinig. Dahil doon ay napansin ko na may peklat siya sa bandang noo. Hindi iyon ganoon kalaki at mahahalata lang kapag malapit ka sa kanya o kaya naman ay nakatitig. I’m still young but I can say that he’s attractive. He’s tall, dark, and handsome in a flirtatious kind of way. He also had spots on his face, but they weren’t that noticeable like his scar. “Are you being mistreated at home?” He asked, breaking me out of my trance. Sunod-sunod akong kumurap bago mabilis na alisin ang tingin sa kanya at dilaan ulit ang ice cream na natutunaw na. “N-No, it’s not like that. You see, my parents are always busy...” Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko at napatingin na lang sa sapatos ko habang kinukuyakoy ko ang mga paa ko. I suddenly felt embarassed to talk. “Ma’am Samirah, hinahanap na po kayo ng daddy niyo.” Mabilis kong naibaling ang tingin kay Manong Raul nang lumapit siya sa akin. Noong una ay nagtaka pa ako kung bakit ako hahanapin ni dad ngunit nang maalala kong Friday nga pala ngayon ay mabilis akong napatayo. “I need to go, thank you sa ice cream. I-I’ll treat you next time.” sunod-sunod kong sabi nang harapin ko si Kuya Nigel bago mabilis na tumakbo pabalik sa school since naroon pa ang kotse. What do I do? Nawala sa isip ko na ngayon ang birthday party ng anak ng business partner ni dad. He even reminded me yesterday to go home early today. Napakagat na lamang ako sa kuko ko at nagdadasal na sana ay ‘wag niya akong pagalitan. Ayoko nang madagdagan pa ang rason nila para magalit sa akin. “You’re late, kanina pa tapos oras ng klase mo. Didn’t I told that you I would take you to the party because you were also invited?” bungad sa akin ni dad na nakaupo sa couch sa living room. Halos magsalubong na ang kilay niya dahil sa inis. Kinabahan ako at marahas na napalunok. “I-I’m sorry, Dad. Somethㅡ” “Save your goddamn explanation later! Umakyat ka na at magbihis.” Tumango-tango ako at mabilis na umakyat ng hagdan. Pagpasok ko sa kwarto ko ay naroon na si manang at inihahanda ang susuotin kong dress at sapatos. “Nako, Hija. Bakit ngayon ka lang? Dali maghubad ka na. Malapit na rin matapos sa pag-aayos ang mommy mo.” nagmamadaling sambit ni manang kaya naman agad ko siyang sinunod. Gusto ko pa sanang maligo dahil pinawisan ako kanina pero pinunasan na lang ako ni manang dahil hindi naman daw ako mabaho. Nang masuot ko na ang kulay gold rose chiffon dress ko at sandals ay dali-daling inayusan ni manang ang buhok ko, and since nagmamadali ay sinuklay na lang niya iyon at nilagyan ng hair clip na hugis star. “Sige na, Hija. Bumaba ka na.” ani manang at tumango naman ako bago tumayo at umalis sa harapan ng vanity mirror. “Thank you, Manang.” nakangiti kong sabi bago tuluyang lumabas ng kwarto at makasalubong si mom na pababa na rin ng hagdan. Balak ko na sana siyang i-compliment dahil mukha siyang prinsesa ngunit nang makita niya ako ay agad na sumimangot ang mukha niya at inirapan ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago sumunod sa kanya nang bumaba siya ng hagdan. “Happy 12th Birthday, Arissa.” nakangiting bati ni dad nang lapitan namin ang anak ng business partner niya. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako nang makita iyon, maybe because he never greeted me like that? As far as I can remember, never niya akong binati ng gano’n sa birthday ko. Magbibigay lang siya ng mamahaling regalo and that’s it. We never celebrated my birthday together because they’re always busy. “Thank you, Mr. Nieva.” masayang tugon noong Arissa, it’s my first time seeing her pero mukhang napaka-outgoing niyang tao at kahit hindi sabihin ay halatang mahal siya ng pamilya niya. I envy her. “Come on, just call me uncle. You’re too young to be that formal towards adult.” natatawang sabi ni dad at tumango-tango naman si Arissa bago mapatingin sa akin. Lumawak ang ngiti niya kaya naman napangiti ako nang tipid. I don’t know what I’m going to do. I’m jealous, napaka-gentle sa kanya ni dad. “Oh! Ito na ba si Samirah?” Napalingon ako nang may babaeng lumapit sa amin. She’s probably Arissa’s mother because they look alike. “Yes, hon. Isn’t she lovely?” nakangiting sambit ni Mr. Marquez matapos niya yakapin sa baywang ang kanyang asawa. Ang sweet nilang tingnan, unlike my parents. I mean, magkatabi sila ngayon sa likuran ko at nakayakap din ang tig-isang kamay sa baywang ng isa’t isa, but I knew better. Alam ko na ginagawa lang nila iyon just for show. Ayaw lang nila ipakita sa mga tao na hindi maganda ang relasyon nila kaya kahit ayaw nila, kailangan nilang magmukhang affectionate sa isa’t isa. “She is,” ani ng mommy ni Arissa nang marahan niyang hawakan ang pisngi ko. Without realizing it, nakangiti na rin ako sa kanya. Sana ganito rin ka-affectionate sa akin si mommy. Her touch was so warm, it’s addicting. Maya-maya lang ay nag-usap na ang mga matatanda about business kaya naman naiwan akong kasama si Arissa, noong una ay nahihiya pa ako sa kanya at hindi alam ang gagawin dahil napaka-energetic niya. She is the total opposite of me. Simula noong sabihin ng daddy niya na samahan ako ay siya lang itong nagsasalita sa amin. “Uhm, am I making you uncomfortable? Am I too noisy?” tanong niya sa akin at agad naman akong umiling habang wine-wave ang kamay ko. “Uh no, hindi lang ako sanay na may kumakausap sa akin ng ganito, I’m sorry.” nahihiya kong sabi. “By the way, Happy Birthday.” “Thank you.” nakangiti niyang sabi, “Should I introduce you to my friends?” “S-Sure.” Napatingin ako sa kamay ko nang bigla niya iyong hawakan at hatakin ako papunta sa iisang mesa kung saan naroon ang ilang mga bata na kasing edad namin. Gaya ng sinabi niya ay ipinakilala niya ako sa mga iyon, and for the first time—pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kaibigan kahit alam ko namang hindi kami magiging close dahil magkaiba kami ng school na pinapasukan at isa pa, ang laki ng differences ng personality namin. I wish I could be more like her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD