*This chapter contains content and language that may be triggering. Please, read at your own discretion.
“Nieva, you stay.” Napahinto ako sa balak ko na sanang paglabas ng classroom nang sabihin iyon ng adviser naming si Sir Rodriguez. Saglit ko pa itong tinignan dahil naalala ko iyong nakita ko dalawang linggo na ang nakakalipas.
He’s watching me from afar while touching his private part. I thought I was just seeing things but when he smiled at me the moment we made eye contact, I knew his behavior wasn’t normalㅡsince then, I’ve been afraid of making eye contact with him during class. Isa nga siguro ‘yon sa dahilan kung bakit hindi ako nakakapag-focus tuwing math na ang subject.
“B-bakit po, sir? Did I fail the long quiz?” medyo kinakabahan kong tanong nang lumapit ako sa mesa niya. Napalingon pa ako saglit sa likuran nang sumara ang pinto.
“You’ve got 5 wrong answers. What happened? Usually perfect ang scores mo.” Marahan niyang hinawakan ang balikat ko, dahilan para mapatingin ako roon. “May problema ba sa inyo o nahirapan kang sundan ang lessons ko?”
“H-Hindi naman po.” medyo naiilang kong sagot nang maramdaman na tumayo siya at pumwesto sa likuran ko.
“Here, look at your quiz paper.” Yumuko siya at itinuro ang nakabukas kong quiz notebook na nasa mesa. Lalo akong kinabahan nang halos maramdaman ko na ang paghinga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa gilid ng ulo ko.
“Mali ang ginamit mong formula sa division of decimals.” Tila pinagpawisan ako nang idinidikit niya ang gitnang parte ng kanyang katawan sa likuran ko habang ine-explain ang mga mali kong sagot na halos hindi ko maintindihan dahil sa takot na nararamdaman.
I want to move my body and run but I was frozen in place. I can’t even talk, I don’t know how to get away in this kind of situation. Natatakot ako na baka saktan niya ako o mas malala pa ang gawin niya sa akin.
“Nieva, are you listening?” I flinched before his hand touches me.
“Y-Yes, sir. I’m sorry.” paghingi ko ng tawad bago marahas na mapalunok dahil hinimas-himas niya ng marahan ang balikat ko matapos siyang umakbay roon.
“Are you okay?” malambing pang tanong sa akin nito at noong balak ko nang sumagot ay biglang bumukas ang pinto, dahilan para mabilis na alisin ni sir ang pagkaka-akbay niya sa akin. Nakahinga ako ng nang maluwag dahil doon.
“What are you doing here?” tanong ni sir sa kaklase kong lalake na hindi ko matandaan ang pangalan. Ang alam ko lang ay isa siya sa mga pasaway na estudyante rito sa school dahil lagi itong laman ng guidance.
“Nakalimutan ko bag ko, bakit?” maangas na tanong niya pabalik kay sir. Nakabukas pa ang uniform nito kaya naman kita ang pangloob niyang itim sando.
“Bastos ka, ah!” Halos mapatalon ako dahil sa pagsigaw ni Sir Rodriguez, mas lalo akong pinagpawisan kahit na airconditioned naman ang classroom. Hindi ko tuloy maiwasang mapakapit sa kaliwang braso ko at ibaon doon ang mga kuko para kahit paano ay mawala ang nararamdaman kong takot. Gusto ko nang umalis dito, gusto ko nang umuwi.
“Mas bastos ka, sir. Akala mo hindi ko nakita ginagawa mo?” Mabilis kong tiningnan ang kaklase habang naglalakad ito papunta sa kanyang mesa. Pagkakuha niya ng back pack ay sinabit niya agad iyon sa isa niyang balikat.
“What?” tanong ni sir, gusto kong tingnan ang reaksyon niya ngunit hindi ko nagawa dahil lumapit sa akin ang kaklase ko at hinawakan ang kamay ko.
“You should stop being a pervert, sirㅡsince the s****l harassment you’re doing may end up with you getting fired.” pagkasabi noon ng kaklase ko ay hinila niya ako palabas ng classroom.
“W-Wait.” Pigil ko sa kanya ng hanggang sa hallway ay hatak-hatak niya ako. Mabuti na lang at mukhang nakauwi na ang lahat ng nasa floor na ito kaya walang tao maliban sa amin.
“Are you stupid?!” bulyaw niya nang huminto ito at humarap sa akin, “Bakit hinahayaan mong manyakin ka ng teacher na ‘yon? Target ka rin ng mga bully pero hindi mo pinagtatanggol ang sarili mo. You’re so pathetic!”
Hindi ako nagreklamo o sumagot sa sinabi niyang ‘yon. Yes, I am being pathetic and I’m well aware of that, but he wouldn’t understand. I already defended myself once but the bullying just gets worse. I even tried to report it but I didn’t receive any help.
“What? Are you mute? Bakit hindi ka magsalita?”
“T-Thank you for saving me.”
Alam ko na hindi iyon ang gusto niyang marinig kaya pagkasabing-pagkasabi ko noon ay agad akong kumalas sa pagkakahawak niya at kumaripas ng takbo palayo. Tila nanghina pa ang tuhod ko saktong pagkarating ko sa kotse.
“Ma’am Samirah, okay lang po kayo?” tanong sa akin ni manong driver nang bumaba ito ng kotse, medyo nagpa-panic pa siya since hinihingal ako at nanginginig habang nakapahinga ang dalawa kong kamay sa tuhod. My legs almost gave out back there, mabuti na lang at nakayanan ko pa.
“I-I’m okay po. Uwi na po tayo.” Kahit nanginginig ang tuhod ay pilit pa rin akong sumakay sa kotse. Agad kong sinandal ang ulo ko sa backseat at pumikit ng mariin. Without realizing it, I’m already crying. Nararamdaman ko pa rin ang bawat haplos sa akin ni Sir Rodriguez. Napatakip pa ako sa tainga nang maging ang boses at paghinga niya ay parang naririnig ko pa rin.
I want this to stop, everything in my life were a mess. I’ve had enough to the point that I’m thinking of ending my life. Suicide? That’s the only method I can choose if I want to end my suffering. Humingi na ako ng tulong sa iba pero hindi nila ako tinulungan o pinakinggan man lang. Sinabi ko na rin ang totoo sa parents ko hoping na matulungan din nila ako pero hindi nila ako pinaniwalaan.
Noong sinubukan kong lumaban at dipensahan ang sarili ay mas tumindi pa ang panghaharas nila sa akin. Noon ay salita lang, mag-i-spread sila ng rumors tungkol sa akin pero ngayon ay namimisikal na sila. I don’t even know what I did to make them treat me like I am not a human.
Hindi na nga ako tinatrato ng tama ng sarili kong magulang, hanggang sa school ay gano’n pa rin. Minsan tuloy ay iniisip ko kung deserve ko pa ba ang mabuhay, iniisip ko kung may nagawa ba akong kasalanan para maranasan ang lahat ng nararanasan ko ngayon.
Lahat naman ay ginagawa ko para tanggapin ako ng mga taong nasa paligid ko and I’m starting to hate myself because that. The people around me aren’t treating me right but I’m still putting them first before me because I don’t want to be hated.
“Good morning, Mom. Where’s Daㅡ”
“Are you seriously going to ask me that, Samirah? Alam mong nandoon na naman sa babae niya ‘yong daddy mo. Stop asking stupid questions!” Agad kong kinagat ang ibabang labi dahil sa isinagot ni Mommy, what is she talking about?
“Babae? But, Momㅡ”
“Just shut the hell up! Pwede bang mag-almusal ka na lang? Wala akong interest makipag-usap sa ‘yo.” Padabog nitong hiniwa ang pancake sa pinggan niya na halos mangilo ako sa tunog noon. Yumuko na lamang ako at naupo na rin sa dining, agad naman akong hinainan ng pagkain ni manang at hinimas nang marahan ang likuran ng buhok ko.
“Magandang umaga, Hija.” nakangiting bati nito sa akin bago sulpayan si mommy na napapairap pa sa amin.
“Good morning, Manang.” bati ko pabalik. “Nag-almusal na po ba kayo? Do you want to joiㅡ”
“Samirah!” sigaw sa akin ni mom, dahilan para mapapitlag ako, “Are you stupid? Bakit pasasabayin mo ‘yang katulong na ‘yan sa iisang mesa kung nasaan ako?! Nag-iisip ka ba?”
“Mom, please. Don’t talk like that.” mahinang sabi ko nang pasadahan ng tingin si manang.
“Ugh! I lost my apetite!” Padabog na tumayo si mommy at nang umalis ito ay may sinabi pa siya na talagang nagpadurog sa puso ko kahit na ilang beses ko na iyong narinig.
“I really regret giving birth you.” Awtomatikong tumulo ang luha ko dahil doon. Masakit na ‘yong pinaparamdam nila na parang hindi nila ako anak, pero mas masakit pa rin talaga marinig mismo sa sariling ina na nagsisisi siya at iniluwal niya ako sa mundong ito.
“Manang, sorry po sa sinabi ni mommy kanina.” Pilit akong nagsalita ng diretso kahit na humihikbi na ako. Hinimas-himas ni manang ang likuran ko at bumuntong hininga.
“Hija, ‘wag mong intidihin ‘yon. At isa pa, ‘wag mo isapuso ang sinabi ng mommy mo. Sigurado akong hindi niya talaga gustong sabihin ‘yon, bata pa kasi ang mommy moㅡ”
“I know, Manang.” Pilit kong pinunasan ang luha ko bago ngumiti. “Pero kasalanan ko pa ba ‘yon?”
“Hindi, Hija. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalan.” Niyakap niya ako, dahilan para mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.
Alam kong bata pa ang mga magulang ko, especially mom since she gave birth to me whe she was just 18. She would often reminded me that I was the reason why she didn’t enjoy her youth. Kaya kahit masakit siyang magsalita at minsan ay nasasaktan niya ako ng pisikalㅡiniintindi ko iyon. Isa pa, hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw ay matatanggap din nila ako, na mamahalin din nila ako.
“Akin na ‘yan!” Pilit kong hinahabol ang portfolio ko nang pagpasa-pasahan iyon ng mga kaklase kong lalake.
“Give it back, please! Hindi ako pwedeng ma-late sa pagpasa ng project.” makaawa ko dahil strict ang english teacher namin. Ma-late lang ng five minutes sa pagpasa ay hindi na niya iyon tatanggapin.
“Iyak ka muna.” asar pa sa akin ni Andrew, he’s my seatmate. Madalas niya akong asarin at istorbohin tuwing may klase, minsan pa ay inaagaw niya ang assignment ko para kopyahin iyon.
“Napaka-immature mo!” inis na sambit ko nang lumapit ako at tangkaing agawin sa kanya ang portfolio ko ngunit binato niya iyon na nasalo pa ng isa kong kaklase.
“William, bato mo sa ‘kin pabalik!” Nilingon ko ang tinawag niyang William at nagulat nang makita ang kaklase kong humatak sa akin noong kinakausap ako ni Sir Rodriguez.
“Can you give it back to me, please?” makaawa ko, umaasa na tutulungan niya ako pero kusang bumagsak ang balikat ko nang ibato nga niya iyon pabalik kay Andrew at pagpasa-pasahan ulit ‘yon kasama pa ang dalawa naming kaklase.
Pawis na pawis na ako at hinihingal kakahabol pero hindi pa rin nila tinitigil ang pagbato roon. Nang makita kong lukot-lukot na ang folder ay napaupo na lang ako at naiyak. Ilang araw kong pinaghirapan gawin ‘yon, kahit umabot pa ako sa deadline. Hindi na rin tatanggapin ‘yon ni Ma’am Salinas.
“Oh, iiyak ka rin palaㅡaray!” Nag-angat ako ng tingin dahil sa pagsigaw ni Andrew. And there, I saw a senior high student. Hawak-hawak na niya ang folder ko. If I’m not mistaken, sa Crosswood High ang suot niyang uniform. Malapit lang iyon dito sa amin.
“Ganito na ba talaga mga elementary ngayon? Mga bakla ba kayo at nangbu-bully kayo ng babae?” nakangising sabi nito.
“Bakla? Sinong bakㅡ”
“Nagtatanong ka pa?” Pinitik ng lalaking senior high si Andrew sa tainga bago hatakin ang uniform nito.
“Gusto mo bang bully-hin kita gaya ng ginagawa mo sa kanya?”
“N-No.”
“Really? Then get lost, bago pa mag-init dugo ko sa ‘yo at lagyan kita ng black eye.” Mabilis na tumakbo si Andrew at ang dalawa pa naming kaklase dahil sa takot. I’m totally speechless, ito yata ang unang beses na may nagtanggol sa akin sa mga bully.
“Bakit nagpaiwan ka? You looking for a fight?” tanong ng lalake kay William habang pinapatunog ang mga daliri nito.
“Are you seriously picking a fight to someone smaller than you?” Ngumisi si William matapos ay umalis na rin siya.
“What the hell?” ani ng lalake bago ito lumapit sa akin at i-abot ang portfolio ko, “Are you okay?”
“Y-Yes, thank you.” nahihiya kong sabi bago punasahan ang luha ko. Nagtaka pa ako nang i-abot niya rin sa akin ang kamay niya pero hindi kalaunan ay na-gets ko rin kung para saan ang gesture na iyon. Hinawakan ko siya at marahan niya akong inalalayang tumayo.
“Oops, late na ako.” Tiningnan niya ang suot na wristwatch at nagmadaling umalis pero bago siya tuluyang makalayo ay sumigaw ako.
“Wait kuya!” Nilingon niya ako at nagtaas ang kilay.
“What’s wrong?”
“A-anong pangalan mo?” nahihiya kong tanong. Tipid siyang ngumiti bago maglakad pabalik kung nasaan ako. Bahagya pa akong napapikit ng bigla niyang ipatong ang kamay sa tuktok ng ulo at yumuko para magpantay ang paningin naamin.
“My name’s Nigel.”