“Mommy look! There’s a monkey.” excited na sambit ni Samantha bago niya hilain ang kamay ko papunta sa cage kung nasaan doon ang mga unggoy na sinasabi niya, at dahil hawak din niya si Ridge sa kabilang kamay ay sabay-sabay kaming napunta roon. “Oh, that’s your Tita Arissa’s friends.” ani Ridge, dahilan para masamid ako at mahampas siya sa balikat. Bumitaw na rin kasi si Samantha sa amin dahil kinakawayan niya ang mga unggoy. “Really? Tita Ari’s friends with monkeys?” kumikinang ang mata ni Samantha nang tanungin niya iyon pagkalingon sa amin. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko ang sarili. “No, anak. Dada’s just joking.” sabi ko at natawa naman si Ridge kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kahit magkalayo kami ni Arissa ay twice a week pa rin kaming nagvi-video call kaya kilala rin si

