“Sigurado ka bang didiretso ka ng hospital? Gabi na, ipagpabukas mo na lang.” ani Ridge habang nasa loob kami ng kotseng pagmamay-ari ng uncle niya na board member ng Uni. After 15 hours of flight ay nakalapag na kami ng Pilipinas and to be honest? I’m having mixed feelings. Masyadong mabilis ang pangyayari, masyadong biglaan. Hindi pa nagsi-sink in na nasa Pilipinas na ulit ako pagtapos ng limang taon. “Yeah, hindi ko na muna isasama si Samantha para makapaghinga. I will just check on Manang and tomorrow, bibisita ulit ako. Isasama ko kayo.” sabi ko habang nagtitipa sa phone. Magkausap kasi kami ni Arissa through message, inaalam ko kung sino ang bantay ni manang ngayon at kung ano ang mga kailangan niya. “Okay, gusto mo bang idaan ka muna ng driver doon?” “No, ‘wag na. Hahaba pa ang b

