“I’m not leading you on, okay?” Paalala ko kay Ridge dahil baka iba ang isipin niya sa pagkakaroon ko ng interest sa kanya. “Matagal na kasi akong nacu-curious, hindi ka naman kasi pala kwento tungkol sa buhay mo, I think you’re a very private person that’s why you piqued my interest. That’s all.” Natawa siya habang nagluluto kaya naman tumaas ang dalawa kong kilay, saglit niya akong sinulyapan bago ngumiti. “I know, you don’t need to make it clear.” “Well, I just don’t want to cause a misunderstanding.” Kibit-balikat kong sabi. “If you’re curious about my dating life, sorry to disappoint you but... I never had a girlfriend.” This time, siya naman ang nagkibit ng balikat at napatulala lang ako sa kanya dahil hindi ko inaasahan na gano’n ang isasagot niya sa akin. I know he’s not lying

