My head hurts, ayoko pang idilat ang mga mata ko ngunit nakakarinig ako nang nag-uusap kaya naman marahan numulat at kahit malabo ay unti-unting nag-adjust ang paningin ko hanggang sa makita ko si Arissa at Ridge. Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ang nakakabit na swero. Now, I’m having a sense of deja vu. “W-What happened?” tanong ko, dahilan para makuha ko ang atensyon ng dalawang kaibigan. Agad silang tumayo at lumapit sa akin na tila nag-aalala. “You passed out because of stress, how are you feeling? Are you hurt anywhere?” sunod-sunod na tanong sa akin ni Ridge at dahil doon ay naalala ko iyong nangyari at awtomatikong napahawak sa tiyan ko. “Don’t worry. The baby’s fine, Samirah.” ani Ridge, dahilan para magpakawala ako nang malalim na buntong hininga. “Sabi ng doctor kailanga

