“Wala ka bang balak sabihin sa akin kung sino ka?” Puno ng pagkabagot ang boses ni Dave. Unti-unti na ring kababakasan ng iritasyon ang mukha. Bago nagpunta si Annalor sa Paraiso Almonte, pinaghandaan na niya nang husto ang pagtatagpo nilang iyon. Alam niya ang naging komplikasyon ng aksidente, pero nagkamali siya sa pag-aakalang handa na rin siyang harapin ang sakit na dulot niyon. Parang may pumiga sa kanyang puso sa tanong na iyon ni Dave. Pinili niyang huwag salubungin ang naninitang tingin nito para maski paano ay maitago ang kirot sa kanyang mga mata. “I’m sorry. Hindi ko sinasadyang makarating dito. Nalibang ako sa paglalakad at nagpapahinga lang nang kaunti bago bumalik sa villa.” Lalong tumindi ang iritasyon sa ekspresyon ni Dave. “Wala bang nagsabi sa `yong restricted na an

