Bahagya pa lang napipikit si Maris nang biglang magulat sa lakas ng pag-iyak ni Gaby. Kahit hirap, napilitan siyang magdilat ng mga mata. Natikman na niya ang kalibre ng pamangkin kung paano ito umiyak. At nag-aalala siyang baka hindi na siya mapagbigyan ng katabing unit kapag naistorbo uli nang dahil sa iyak ni Gaby. “Gaby,” parang nakikiusap na sabi niya nang lapitan ang pamangkin. Sa pagkakataong iyon, alam na niya ang unang dadamputin at nang maabot iyon ay agad na niyang inilapit ang dede sa bibig ni Gaby. Pero iniiwas lang ng sanggol ang mukha. At gaya ng inaasahan, mas malakas na iyak ang isinukli nito. Ilang sandaling pinagmasdan ni Maris si Gaby. At kung hindi pa dinala ng hangin sa kanyang ilong ang hindi kanais-nais na amoy, hindi pa siya magkakaroon ng hinala. Awtomatikong n

