“We wish you a merry Christmas! We wish you a merry Christmas—” Napigil ang wala sa tonong pagkanta ni Maris nang sumingit sa pag-iyak ni Gaby ang tunog ng doorbell. Kinakabahan siya habang humahakbang palapit sa pinto. Baka may nagsumbong na sa building administrator at inaakyat na siya! Pero iba ang nabungaran ni Maris. The man was wearing a simple T-shirt and denim pants. At hindi iyon ang uniform ng building administrator. “I live next door,” sabi agad nito bago pa siya makapagtanong. “I could take the crying and the baby pero hindi ang kanta mo.” She was shocked. “Salamat sa insulto,” sabi niya. At dahil natigil siya sa pagsayaw-sayaw sa pamangkin, lumakas pa ang iyak nito. “Gaby!” padaing nang sambit niya. Isa pang pag-iyak nang malakas ng bata, malamang na bumunghalit na rin siy

