Part 11 - Till Death Do Us Part

2432 Words

Malalim pa yata sa hukay ng isang tunnel ang buntong-hiningang pinakawalan ni Maris. Alam niyang bangungot ang mangyayari sa kanya nang araw na iyon. At hindi man gusto, wala siyang magawa kundi sisihin si Annalor. “Dios mio, Ate!” bulalas niya habang kausap ang kapatid sa telepono nang umagang iyon. “Tell me you’re just kidding!” “Bakit naman ako magbibiro?” seryosong sabi nito sa kabilang linya. Bumagsak ang mga balikat ni Maris. Ano ang alam niya sa pag-aalaga ng ten months old na baby? “Surely, you have other choice,” sabi niya na parang pumapana sa dilim para sa katiting na pag-asa. Interest rates, foreign exchange at stock analysis, iyon ang kanyang forte. Ano ang malay niya sa diapers at milk formula? Sunod-sunod ang pag-iling niya. Kaya ni Annalor na umupa kahit ilang nurse pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD