May ilang sandaling walang rumehistrong emosyon sa mukha ni Dave. Ni hindi kayang hulaan ni Annalor kung ano ang nararamdaman ng asawa. Basta nakatingin lang ito sa kanya. Kahit ang kamay na humahawak sa kanya ay kapos sa puwersa at parang nakadantay lang. “Kaya mo bang patunayan `yan?” Salat din sa emosyon ang boses ni Dave. Napalunok siya. “Wala sa akin ang papel, D-Dave. Sabi ni Judge Abesamis, siya na muna ang bahala. Kakakasal lang natin nang mangyari ang aksidente. Magkasama tayo noon.” “Mag-isa lang ako nang mabangga ng bus ang minamaneho ko, Annalor.” Para siyang sinaksak sa narinig. Pakiramdam niya, puno ng pagtuya ang tinging ipinupukol ni Dave sa kanya. “I-iyon siguro ang sabi nila sa iyo, Dave. Dinala tayo sa ospital. Nang magkamalay ako, nasa ICU ka at malubha. Ni hindi a

