Chapter 5

1938 Words
"Aning! Bakit ngayon ka lang?! Bakit ba sa tuwing pumupunta ka ng eskwelahan ay ginagabi ka? At bakit ganiyan ang itsura mo—Diyos ko!" Natataranta na naman si inay nang makitang marungis ako at may pasa sa mukha. Balak ko pa sanang itago kaso ay nakita niya na. "Ano ba'ng pinaggagawa mo sa buhay mo bata ka! Ang dami dami na nga nating problima, huwag mo nang dagdagan! Anak naman, eh." Nakonsensya ako nang makitang iniyakan talaga ni inay ang naging istura ko. "Sino na naman ang kaaway mo, anak? Pwede bang magtino ka na? Paano kung mapuruhan ka, ha?" "Nay, mag-aaral na po ako ng kolehiyo." Nahinto siya sa pag-iyak at tiningala ako. "M-mag-aaral ka na?" Nag-aagaw ang tuwa sa mga mata niya at ang pag-aalinlangan. "Pero anak, p-pasensya na..." Umayos siya ng tayo. "Alam mo namang pangarap kong makapag-aral ka ng kolehiyo, diba? Pero kasi..." Sinulyapan niya ang silid niya kung saan natutulog si ate. "Gipit tayo, anak." Mula sa likod ay binunot ko ang nakasukbit na plastic envelope at itinaas iyon sa mukha ni inay. Nakaharap sa kaniya ang nakasulat doon. Alam kong hindi niya naintindihan dahil hindi siya nakakaintindi ng English pero binasa niya pa rin iyon. "Nakatanggap ho ako ng scholarship. Kalahati lang ng tuition ang babayarin pero kaya ko naman hong hanapan ng paraan ang kalahati. Pagsasabayin ko po ang pag-aaral at pagtatrabaho, inay." Natigilan na naman siya. Lungkot, awa at hiya ang gumuhit sa mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak ng certificate of scholarship na magkasama naming kinuha ni Carlos mula sa bahay ng kaibigan niya na anak ng mayor. May pirma na ito ng mayor. "A-anak... Baka hindi mo kayanin—" "Kaya ko, inay. Kaya ko," tiim ang bagang na sagot ko. Kakayanin ko para mabigyan ng hustisya ang nangyari kay ate. Ilang gabi ko ring pinag-iisipan, at ilang gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos. Hindi ako mapakali. Hindi ako makakapagpahinga hangga't hindi nakakapagbayad ang mga salarin sa pambababoy sa nag-iisang kapatid sa buhay ko. "Sigurado ka bang ok ka lang doon na mag-isa?" tanong ni inay habang inaayos ang mga damit na dadalhin ko. Mabilis ang takbo ng araw. Ni hindi ko na namalayan na ngayon na pala ang alis ko papuntang Manila. "Tatawagan ko na lang ang itay mo para masun—" "Nay, huwag!" Gulat siyang napatingala sa akin. Akma na sana niyang kukunin ang phone na bigay ni itay noong nandito pa ito. "Huwag niyo na lang ipaalam sa kaniya. Baka pauwiin lang ho ako no'n. Sayang ang scholarship, inay. Pangarap natin ito. Kaya huwag na huwag niyo hong babanggitin kay itay." Wala sa sariling napatango na lamang siya. Nagpaalam na ako. Kahit mabigat sa loob na iwan silang dalawa roon ay kailangan. Para sa ikatatahimik ng loob ko, at para kay ate at sa magiging pamangkin ko. "Handa ka na ba?" nakangising salubong sa akin ni Carlos sabay tapon ng kaniyang yusi sa kalsada. Noong araw na nagkahamunan kami, natalo ko siya. Wala naman talaga siyang binatbat sa akin dahil hindi siya marunong ng self-defense. Oo, malaki ang katawan niya at matangkad pero maliksi naman ako at maraming alam kaya humantong siya sa pagkakabulagta sa lupa. Kahit gago ang kapitbahay kong si Carlos pero may isang salita naman. Hindi niya raw pwedeng ibigay sa akin ang sholarship niya dahil alam na iyon ng nanay niya at hindi na niya ito pwedeng biguin. Gayunpaman, kailangan niyang tumupad sa napagkasunduan namin, kaya sinamahan niya ako sa kaibigan niya na anak ng mayor. Nakiusap siya na gawin din akong scholar ng mayor ng lugar namin. Mabuti na lang at pumayag. Iba talaga kapag may kapit. Tahimik lang ako habang sakay ng bus. Iniisip ko si ate. Sino na lang ang magpo-protekta sa kanila ngayong wala na ako sa tabi nila? Baka abusuhin sila, baka i-take advantage ni nurse Jude o ng ibang kapitbahay naming mga siraulo... "Ayos ka lang? Gusto mo'ng yusi?" pukaw sa akin ni Carlos na ngayon ay kagat-kagat na naman ang isang stick ng sigarilyo. Hinablot ko iyon at itinapon sa bintana na ikinagulat niya. Minura pa ako. "Gago ka talaga kahit kailan!" "Mag-chewing gum ka na lang. Ayoko ng ka-boardmate na may TB." "Wala akong TB!" "Doon na rin iyan papunta." Sa haba ng byahe ay hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami pareho. Ako sa may bintana nakahilig, si Carlos ang nakaupo sa may bandang daanan kaya paggising ko ay nakahilig na siya sa balikat ko. Sakto namang nagising din siya at nagkatitigan kaming dalawa. Medyo matagal-tagal. Ewan ko sa kaniya ba't nakatunganga lang siya sa mukha ko. Basta ako, nagtitimpi na nang todo dahil nilawayan niya balikat ko. "Hoy, ang baho ko na!" Saka lang siya umayos ng upo. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi at dumukot ng panyo para naman ipunas sa balikat ko. "Pasensya na, Aning. Nanaginip kasi ako ng chic na coca-cola body, kaso paggising ko, tumbler yung bumungad. Panira ng imahinasyon!" Muntik nang sumayad ang nguso niya sa sahig matapos ko siyang batukan nang malakas. "Ikaw na nga ang nagkalat ng amoy imburnal mong laway, ikaw pa talaga ang may ganang manlait! Gusto mong ihagis kita sa bintana?" "Hoy, alalahanin mong hindi mo pa kabisado ang Manila. Nakasalalay sa akin ang kaligtasan mo ngayon, Aning kaya magtino ka. Pag ako nabanas sa 'yo, hahalikan kita! " "Ano?! Ano'ng hahalikan?!" "Iiwan kita! Yun yung sinabi ko, apaka-assuming nitong amoy poke ang hininga!" Binatukan ko ulit, sakto namang huminto ang bus kaya bumalintong siya sa sahig. Kahit sakit sa kilay itong si Carlos pero hindi naman madamot. Nilibre niya ako ng hapunan pagkarating namin sa Manila. Dumaan kami sa isang kilalang fastfood restaurant na Jobilee. Mabuti na lang at bukas pa rin iyon kahit gabi na. Ang dami niyang in-order para sa akin. Hindi ko naman kayang ubusin kaya ang ending, siya ang kumain ng lahat ng tira ko. Nang hindi na kinaya ay tinapon na lang niya sa dustbin sa labas ng resto, sa may bandang likod nito. Doon daw kasi banda ang terminal ng mga pedicab papunta sa eskwelahan kung saan kami mag-aaral ng kolehiyo. Bago kami nakaalis nang tuluyan ay nakita ko pa ang isang pusa na dinikwat ang tinapon ni Carlos na sobrang ham burger. May kasama ang pusa na pulubing babae. Kawawa naman mukhang gutom na gutom. Totoo nga pala ang sabi ni nanay, madaming pulubi rito sa Manila. Tiningala ko ang malaking building na nasa loob ng matayog na gate. May nakatatak na DRIS sa harap ng gate at maging sa pinakagitna ng building. Malayo pa lang ay mababasa mo na agad iyon dahil maliban sa malalaki ang letra ay attractive din ang gintong kulay ng pintura. "Eto na 'yon, Aning, o! Dito na tayo mag-aaral!" excited na bulalas ni Carlos. "Ang swerte mong potangina ka! Haha! Bihira lang makakapasok dito! Dito nag-aaral dati ang ate mo, diba?" May kung ano'ng biglang bumundol sa dibdib ko. Napatingala ulit ako sa building na may limang floor yata. "Dito?" wala sa sariling naiusal ko. "Oo. Hindi mo alam?" Wala talaga akong alam noon kung saan nag-aaral si ate. Wala rin kasi akong pakialam kapag tungkol na sa lugar ni Tatay ang pag-uusapan. Kung hindi lang dahil sa nangyari ay baka nga hindi ako makakatuntong dito. "Hayun naman ang boarding house na tutuluyan ko." Itinuro niya ang up and down na konkretong bahay na nasa kabilang side ng daan, sa mismong tapat ng eskwelahan. May kalakihan iyon, malapad at mayroong rooftop. Sa baba naman ay sari-sari store at makikita ang kainan sa loob. "Naku!" Biglang sigaw ni Carlos na ikinagulat ko. Napahampas pa siya sa kaniyang noo at pumikit nang mariin na animo'y may masakit na iniinda. "Problima mo?" Bumuga siya ng hangin at tumingin sa akin. "Aning, nakalimutan kong sabihin na bawal nga pala ang mga babae sa boarding house na 'yan!" "Gano'n ba? Maghahanap na lang ako ng ibang mauupahan." "Magpanggap ka na lang kaya na lalaki para magkasama pa rin tayo?" Pinandilatan ko siya. "Siraulo. Tingin mo hindi tayo mabubuko? Nasa tapat lang ng boarding house ang eskwelahan natin! At ano'ng pangalan ang gagamitin ko?" Nagkamot na siya ng kaniyang ulo. Balak ko rin namang maghanap mamaya ng part-time job. Hahanap na lang din ako ng mauupahan, yung mura lang. Habang abala si Carlos kakaisip kung paano gawan ng paraan ang pinuproblima niya, natuon naman ang paninsin ko sa isang itim na armored car. Tinted ang bintana nito at kumikinang sa bago. Ilang segundo lang ay bumukas naman ang matayog na gate at iniluwal doon ang nga naka-black suit na nagtatangkarang kalalakihan. Lahat sila ay halos magkakasingtangkad na parang mga NBA players, malapad ang balikat at matitikas ang tindig. Nakakapagtaka lang dahil lahat sila ay nakasuot ng itim na mask at may mga itim na cloth gloves. Habang dumadaan sila sa pwesto namin ay sumasabog naman sa hangin ang naghahalo nilang mukhang imported at mamahaling pabango. Hindi ko napigilang mapalunok. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaamoy ng ganong pabango. Iba talaga ang amoy ng mayayaman. Lumampas na sila sa amin nang biglang magsalita ang isa sa kanila. "Ace, ba't nagpatawag ng meeting sa lahat ng TABS Haven members?" Pinanlakihan ako ng nga mata at awtomatikong napalingon sa kanila. Ace! TABS Haven! Nawala ako bigla sa sarili at namalayan ko na lang, naglakad na ako palapit sa kanila. Hinarang ko ang daraanan nila bago pa man sila makalapit sa armored car. "Miss, may kailangan ka sa amin?" tanong ng nakaakbay doon sa pinakagitnang lalaki. Lahat sila ay sa akin nakatingin, nagtataka, ako naman ay nakapukos lamang sa iisang lalaki. Sa pinakagitna... Kay Ace. "Ikaw si Ace?" kumakabog ang dibdib na tanong ko rito. Hindi ito sumagot. Sa halip ay ang lalaki na nakaakbay dito ang muling nagsalita. "May problima ba?" Hindi rin ako sumagot, nakatitig lang ako kay Ace na kasalukuyang nakatitig din sa akin. Ramdam ko ang talim ng mga mata niya sa ilalim ng suot niyang full mask at tulad ko ay ayaw magpaawat. Wala sa aming dalawa ang nagbaba ng tingin. Ace... So tao nga si Ace na laging sinasambit ni ate. Posible kayang siya ang namuno sa mga myembro na nang-gang rape sa kapatid ko? "Miss, nagmamadali kami," mahinahon na sabi no'ng isa pang lalaki ngunit hindi ko ito pinansin. Ayokong putulin ang pagtitigan namin ni Ace. Gusto kong maramdaman niya na kahit sino pa siya, hinding-hindi ko siya yuyukuan. "Pasensya na, fan kasi ako ni Ace," nakangiti kong sinabi at dumukot sa bulsa ng aking pantalon... "Ano 'yan?" Bago pa man ako malapitan ng isa sa kanila ay naiangat ko na ang kamay ko at itinaas ang gitnang daliri sa harap ng mukha ni Ace. 'f**k you.' Natigilan ang lalaking papalapit sa akin. "Para sa 'yo, Ace," nakangiti kong sabi. "Hoy, Aning!" Mabilis na ibinaba ni Carlos ang kamay ko at hinablot ako palayo sa mga lalaki. "Pasensya na mga boss, baliw talaga 'tong kaibigan ko. May deperensya po 'to sa utak. Bawal nga itong iwan mag-isa, eh. Nandidila kasi ito bigla kapag trip niya ang isang tao." "Parang aso pala. Itali mo 'yan baka maputulan namin ng dila 'yan!" Humigpit ang pagkakahawak ni Carlos sa kamay ko. Mas natakot pa ito sa banta ng lalaki kaysa sa akin at agad akong hinila palayo. Ngunit ang mga mata namin ni Ace ay nanatiling nakatutok sa isa't isa. Wala siyang kakibo-kibo pero ramdam ko ang lamig ng kaniyang titig sa akin, sumasagad hanggang laman. Napangisi na lang ako. Kapag sinuwerte ka nga naman. Hindi ko akalain na sa unang gabi ko sa Manila, ay dadalhin agad ako ng tadhana sa lalaking hinahanap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD