"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?!" paasik na tanong sa akin ni Carlos nang makaalis na ang sasakyan ng limang lalaki. "Hoy, Analyn! Wala ka sa bukid o isla, hindi na ito probinsya. Syudad 'to. Malaking syudad! Ang mga tao rito ay sari-sari at halu-halo mula sa iba't ibang lugar. Hindi mo kabisado ang takbo ng utak nila, higit sa lahat, hindi mo kayang higitan o pantayan man lang ang kapangyarihan nila kaya huwag kang sisiga-siga. Kung ano ka man sa atin, iwan mo yon doon! Sinasabi ko sa 'yo, mapapahamak ka lang dito kapag nagpatuloy ka sa kayabangan mo!"
"Tss." Bakit ba lagi nilang sinasabing mayabang ako? Hindi ba pwedeng palaban lang? Tahimik lang naman ako, ah? Hindi naman ako pabibo at kung hindi lang nila ako pinagtitripan ay baka panis na 'tong laway ko dahil halos hindi naman ako kumikibo. Mga tao talaga.
"Sabi sa akin ni Aion, na kapag daw nakasalubong mo ang mga matatangkad na lalaking nakamaskara at naka-formal lagi ang kasuutan ay iwasan mo na agad. Sila ang high ranking officials ng new generation ng fraternity na TABSH. Kapag isa sa kanila ang kinalaban mo, para mo na ring kinalaban lahat sa frat nila."
Tinapik ko ang kamay niyang nakahawak pa rin nang mahigpit sa akin saka ko hinilot ang aking palapulsuhan.
"Myembro ang mga iyon ng TABSH?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
"Hindi lang basta myembro. Nagmula sila sa mga angkan na maimpluwensya at hindi basta-basta."
"Pero tao pa rin sila."
"Ano?" Kunot na kunot ang noo niyang sinilip ang mga mata ko at ang maninipis niyang mga labi ay naiwan pang nakahugis O. "Ano'ng tao pa rin? Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Tao pa rin, gawa pa rin sa laman ang katawan."
"Oh, eh, ano ngayon? Linawin mo, Aning!"
"Na kahit sila pa ang pinakamayaman o pinakamakapangyarihan sa mundo, may hangganan pa rin ang buhay nila."
"Ano ang ibig sabihin mo dun?"
Napahilot na ako sa sentido. "Nakalimutan kong wala ka nga palang utak. Hina!"
Walang permanente sa mundo natin. Lahat ay may hangganan at isa na roon ang TABSH. Sa ngayon, sila pa ang nasa tuktok ngunit darating ang panahon, gagapang din sila sa ibaba. Alam kong imposibleng pakinggan, pero hangga't bilog ang mundo, tiyak akong mangyayari iyon.
Hindi na ako sinamahan ni Carlos sa paghahanap ng mauupahan. Napikon siya kaya iniwan niya ako bigla sa labas. Ayos lang naman sa akin, sanay akong naglalakbay mag-isa. Hindi ko man kabisado ang Manila pero natiyak kong magiging maayos sa akin ang lahat—
"Hold up 'to."
Nanigas ang bawat parte ng aking katawan nang maramdaman ang matulis na bagay sa tagiliran ko. Sa likod ko naman ay nakabalot ang isang lalaking amoy usok.
Napaungol ako sa inis. Napaalalahanan naman na ako ni inay tungkol sa mga ganito pero hindi ko pa rin akalaing mangyayari sa akin.
"Boss." Humigpit ang hawak ko sa aking bag. "Pasensya na pero kapos din ako sa pera, eh. Kung gusto mo, samahan na lang kita sa pangho-hold-up. Magaling ho akong mangilatis ng totoong may pera."
Dumiin ang patalim sa tagiliran ko. Ramdam ko na ang pagtagos ng matulis na pabay sa suot kong t-shirt na tumusok sa balat ko. Isang maling galaw lang, masusugatan na ako
"Ibigay mo sa akin ang bag kung ayaw mong ma-gripuhan sa katawan."
Gusto kong magmura! Malas! Ang malas naman! Kani-kanina lang parang ang swerte ko pa, ah? Ang bilis namang magpalit ng tadhana. Si Carlos lang yata ang nagdadala ng swerte sa buhay ko. Ang gagong 'yon.
Tiningnan ko ang lalaking nakatakip ng panyo ang kalahati ng mukha. Payat ito, maitim at may mga bilog na hikaw sa tainga. Siguro nasa early twenties pa lang ang edad. Pwede ko naman itong patumbahin, kailangan ko lang ng magandang timing para hindi madisgrasya.
"Akin na!" sigaw nito na inilipat sa leeg ko ang patalim. "Yung pera mo, ibigay mo na sa akin kasama ang bag! Bilis. Nauubos na ang pasensya ko!"
Bumunot ako ng malalim na hininga at inihanda ang sarili. Pabagsak kong ibinigay dito ang aking bag at sa bigat no'n ay napaatras pa ang lalaki. Wala pa yatang Jain 'to.
Nakahanda na agad ako na sundan ito ng atake nang bigla na lamang may sumulpot na matangkad na lalaki sa likod ko sabay palipad ng malakas na sipa sa mukha ng hold upper.
Kitang-kita ko ang paglipad ng hold upper at nagpaikot-ikot pa sa ere bago bumagsak. Hindi pa man ito nakabawi ay sinunggaban na agad ito ng lalaking bagong dating saka inagaw ang kutsilyo at walang habas na isinaksak sa kamay ng hold upper.
Napangiwi ako sa sigaw nito. s**t. Ang sakit no'n.
Lumipat agad ang paningin ko sa matangkad na lalaki nang mapansing papalapit na siya sa akin, habang bitbit ang aking bag.
Pamilyar ang tindig niya, parang yung mga lalaki kanina na myembro ng TABSH. Pero nakasuot ang isang ito nang simple, white t-shirt at cargo short saka tsinelas na makapal. Higit sa lahat, iba rin ang amoy. Wala siyang anumang suot na cologne sa katawan... Ang nalalanghap ko lang ay ang amoy niyang parang bagong ligo.
Nang masinagan siya ng liwanag mula sa lamppost ay biglang bumagsak ang mga panga ko sa pagkakamangha. One word to describe him... Mala-Adonis ang anyo niya!
"Ok ka lang?" Ramdam ko ang pagdilat ng mga mata ko nang marinig ang malalim at malamyos niyang boses.
Parang yung klase ng mga boses na itinatago't iniingatan nang matagal, na kapag pinakawalan ay pihadong magtatayuan ang mga balahibo mo sa katawan.
Lumapit pa siya lalo sa akin at lalo naman akong tumingala sa kaniya, grabe ang tangkad niya! Mabagal lang ang hakbang niya habang sumasalubong sa ilong ko ang natural na bango niya. At habang palapit nang palapit siya, lalo naman akong nai-intimidate sa kaniyang presensya.
"Hey, are you hurt?" tanong niya ulit na hindi ko na naman napansin. Abala ako sa pagpasada sa kabuuan niya.
Buong buhay ko—simula nang magkaisip ako—wala akong maalala na nakakita na ako nang ganitong mukha at tindig. Mapapamura ka na lang talaga sa isip dahil tangina, parang diyos na itong kaharap ko at hindi tao, ah. Ang ganda ng pagkakahulma, mula sa pagkakatangos ng ilong na manipis at patulis ang dulo. Makakapal ang mga kilay pero hindi kalat, pati buhok na kasing itim ng gabi at kasing kinang ng mga bituin ay makapal din at mukhang masarap hawakan dahil sa lambot. Ang mga mata naman niyang parang hayop kung makatingin ay napalilibutan ng makakapal at mahahabang pilik-mata, na nagsisilbing pang-akit niya sa mga taong tulad kong nakatunganga na sa kaniya.
"S-salamat... Sa tulong," usal ko nang mahismasan.
"Don't mention it."
Lumapit pa siya at huminto lang nang makontento na sa kaunting distansyang naiwan sa pagitan namin. Napalunok ako nang matantong hanggang dibdib niya lang ako. Para akong maliit na kahoy na natabunan ng kaniyang malapad na katawan. Sa tantiya ko, basi lang sa maturity ng kaniyang katawan ay nasa late twenty's na siya o baka nga ay thirty na. Sobrang tangkad din niya! Halos kasing tangkad niya ang mga lalaki kanina mula sa TABSH. Kasing tikas din niya ang mga ito. Hindi kaya, kabilang siya sa mga iyon?
Gumalaw siya at itinaas ang kaniyang kamay na may hawak ng aking bag at dahil do'n ay nag-flex ang braso niyang may matitigas na muscles.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya.
Umiling ako at kinuha ang aking bag na may kabigatan. Ikinabit ko ito sa kaliwang balikat. "Hindi naman."
"By the way, I'm Adrian." Inabot niya sa akin ang kanang kamay niya.
Nagdalawang-isip pa akong tanggapin ito pero sa huli ay tinanggap ko rin. Para pa nga akong nakuryente nang bahagya matapos maglapat ang aming mga palad.
Mainit. Malapad. Matigas. Ito ang klase ng mga kamay na batak sa pag-eensayo ng martial arts. Hindi na rin kataka-taka dahil sa bilis ng galaw niya kanina at sa lakas ng kaniyang sipa, halatang hasang-hasa siya sa pakikipaglaban.
"Adrian," usal ko na hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Bigla kasi akong nahiya. Langhiya talaga.
Ngayon lang yata ako tinubuan ng hiya. Akala ko nga rati manhid na ako. Ba't nga ba ako nahihiya't naiilang sa lalaking ito? Ang abno pa ng t***k ng puso ko ngayon, parang nanggagago.
Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili. Ayokong mahalata niya na naiilang ako sa magkahawak naming kamay. Hinalukay ko rin sa loob ng katawan ang pagkaastig ko, bigla kasing nawala.
"Ehem!" tikhim ko ulit at maangas na yumango sa kaniya. "Analyn, pre... Ako si Analyn."
"Analyn... What a brave name." Umangat ang sulok ng mapupula niyang mga labing may katam-tamang nipis. "Nice to meet you, Analyn."