Chapter 7

1473 Words
"Nice to meet you, Analyn." "N-nice to meet you din." Wala sa sarili akong napakamot sa batok. Parang ang awkward kasi ng tagpo. Hindi ko alam. Naiilang ako sa presensya ni Adrian. "Ok ka lang?" "Pasensya na. Medyo nanibago lang. First time kong ipagtanggol ng lalaki, eh," kimi kong tugon. "Alam mo 'yon? Parang ngayon ko lang naalala ulit na babae pala ako. Hehe." Totoong first time kong ipagtanggol ng lalaki. Kahit nga tatay ko hindi ko naranasang maipagtanggol ako. Kaya siguro natuto akong lumaban. Kung hindi ako magtatapang-tapangan, ako lang din ang magiging kawawa sa huli. "What do you mean hindi mo pa naranasan? Hindi ba gentleman ang mga lalaki sa lugar niyo?" "Gentleman?" Muntik na akong matawa. Si Carlos kasi at ang mga barkada niya ang naalala ko. Mga kabaliktaran ng gentleman. "Walang gano'n sa school namin. Sila pa nga mismo ang nanghahamon sa akin na magsuntukan, eh." Nang matanto ko ang kadaldalan ko ay mahina akong tumawa. Tumiim naman ang maninipis at makikinis na nga labi niya. "Nasaktan ka ba kanina?" biglang tanong niya na ikinalipad ng paru-paro sa aking tiyan. Ngayon ko lang din nalaman na may paru-paro pala ako roon. "H-hindi. Hindi naman. Ayos lang ako. Salamat ulit. Aalis na ako." "Saan ka tumutuloy?" Patalikod na ako nang bigla niyang itanong iyon. Nilingon ko siya at nakasalubong ko na naman ang mga mata niyang magaganda. "I'm just worried. Ihahatid na kita." "Ah..." Nagkamot ulit ako sa batok. Makati, eh. Allergy marahil ako sa ganito kagwapo. "W-wala pa... Bago pa lang kasi ako rito sa Manila at naghahanap pa lang ako ng matutuluyan." "I have space in my room." "Ha?!" Napalakas yung sigaw ko na ikinatigil niya. "Don't worry. Wala naman akong intensyong masama sa iyo. Gusto lang kitang tulungan. Gabi na, mahihirapan ka nang maghanap ng matutuluyan mo, delikado ka pa sa mga masasamang loob." Tama, iyon lang naman ang intensyon niya. Concern lang siya dahil babae ako at akala niya ay katulad ako ng ibang babae na hindi kayang ipagtanggol ang sarili. Hindi naman siguro masama kung makikituloy ako ng isang gabi? Wala na akong ibang kakilala rito sa Manila maliban kay itay at ayoko naman doon dahil sigurado akong bukas ay ihahatid ako no'n sa terminal ng bus para pauwiin. Si Carlos naman, ayoko nang umasa sa isang iyon. Kapag sinumpong kasi iyon ng katarantaduhan ay ugali talaga no'n ang biglang mang-iwan kahit kaibigan ka pa niya. "Sige. Pero bukas aalis din agad ako, maghahanap ako ng paupahang bahay." Tumango siya. "Rest assured, I won't harm you. Let's go?" Suminyas siya na sumunod ako sa kaniya. Tahimik naman akong naglakad. Kalmado lang siya na para bang kabisadong-kabisado niya ang buong lugar. Syempre, tagarito siya, eh. Pero bukod do'n, parang hindi rin siya takot na baka atakihin kaming bigla ng mga taong halang ang bituka. Mukhang wala talaga siyang kinatatakutan. Ah, marahil dahil may maibubuga naman siya. Sobrang lakas ng sipa niya kanina, kung ako ang tamaan no'n, tiyak ang pagkakatulog ko. Baka nga hindi na ako magising. "We're here." Huh? Inilibot ko ang paningin sa paligid. Malayo na pala ang nilakad namin. Narating na nga namin ang isang malaking mall dito sa Manila at sa tabi no'n ang tinutukoy niya. Isang mataas na building. "Diyan ka nakatira?" "Yes. Isa itong condominium. And mas safe ka rito kompara sa ibang paupahan. May gwardiya at staff ang pwedeng mag-assist sa iyo kapag may kailangan ka." Dire-diretso siya sa loob habang abala sa pagtitipa ng kaniyang mamahaling phone. Ako naman ay nangingiming umapak sa makintab na sahig. Nang hindi makatiis ay hinubad ko na ang sapatos ko at itinira ang lumang medyas na pinagtatiyagaan ko. Nakakahiya, eh. Maputik kasi no'ng umalis ako sa lugar namin sa Bicol kaya ang dumi-dumi ng sapatos ko. Napatingin ako sa mga tao sa lobby na natatawa habang nakatingin sa akin. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob pero dinedma ko. Ano? Ngayon lang ba sila nakakita ng naka-medjas na naglalakad sa lobby nila? "Pwede ka naman ditong mag-rent. By the way, balak mo bang magtrabaho dito?" tanong ni Adrian habang nag-aabang kami ng elevator. Napatingala ako sa kaniya. Ngayon ko lang siya natitigan nang malinaw dahil sobrang liwanag na roon. Ang kinis niya, sobra. Ang itsura niya ay hindi talaga pangkaraniwang, parang mga model na napapanood ko sa internet. Ang tangkad pa at ang hitik ng muscles sa braso niya pati sa dibdib na bumabakat sa kaniyang suot. Paano kaya magka-muscles ng ganyan? Gusto ko rin sana para mas lumakas pa ang sipa ko. "Analyn?" Niyuko niya ako nang hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bahagya pa akong napaatras dahil ang lapit ng mukha niya at amoy na amoy ko ang bango ng kaniyang hininga. Dahil dun ay narinig ko bigla ang boses ni Carlos na parang bumubulong sa tainga ko, 'Aning amoy poke ang hininga!' "Tarantado," anas ko. "What?" "I-ibig kong sabihin, oo. P-pero nandito rin ako para mag-aral. Iskolar nga pala ako ng mayor sa lugar namin. At uh... Sa DRIS ako mag-aaral. Alam mo siguro yun. Sikat daw yun, eh." Nginitian ko siya pero hindi niya iyon sinuklian. "I see." Umayos siya ng tayo. Nang makalayo siya ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. "Sa loob na tayo magkwentuhan. Medyo malalim na rin ang gabi at inaantok na ako." Sinipat pa niya ang suot niyang black leather na wristwatch. "Alas dyes na pala." Kaya pala parang bumibigat na rin ang mga talukap ko. Noong nasa Bicol pa ako, alas otso palang ng gabi ay nahiga na ako sa kwarto. Sumunod ako sa kaniya at sumakay kami sa isang elevator. Hindi na ako ignorante sa mga ganito dahil madalas ko naman itong napapanood sa palabas sa TV pero hindi ko pa rin alam paano gamitin. Pinanood ko na lang si Adrian na pinindot ang up na arrow kanina saka naman niya pinindot ang number 40. Parang dagat na umaalon ang tiyan ko sa paggalaw ng elevator. First time kong makasakay nang ganito. Nakakalula pala nang kaunti. Pagkabukas ng pinto ay lumabas na siya, sumunod naman ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang unit niya. Nasa pinakatuktok na yata kami ng building. Imagine, 40th floor! Noong nasa Bicol pa lang ako, hanggang second floor lang ang naranasan ko at iyon yung school namin sa highschool. Pagpasok ko pa lang sa kaniyang tahanan ay sumalubong na agad sa akin ang amoy ng mayayaman—yung pinaghalong amoy ng aircon na may kasamang lamig, air freshener pati na ang amoy niya mismo na hindi nakakasawang singhutin. "Bakit mo nga pala hinubad ang sapatos mo?" "Ha?" Isininyas niya ang sapatos na bitbit ko. Nakangiwi ko namang itinaas ito. "A-ano kasi. Nakakahiya. Madaming nakakapit na lupa sa sapatos ko, eh." Akalain mo yon, pati lupa sa lugar namin nakarating na rin ng Manila. "Put 'em in the shoe rack." Itinuro niya iyon sa gilid malapit sa pintuan na agad ko namang sinunod. "May dalawang room ako rito, you can use the guest room." Itinuro niya ang kwarto sa bandang sulok. "There. Dito naman sa akin." Itinuro naman niya ang pinto na nasa harap niya na katabi lang ng kwartong tutulugan ko mamaya. "Bawat room dito ay may sariling banyo kaya hindi mo na kailangang lumabas. Nasa second floor nga pala ang kusina at ang kainan." Baliktad. So kapag nagutom ako, kailangan ko pang pumanhik. "Ang galing. Parang bahay din pala ang condo, may kanya-kanyang kwarto, sala at kusina. Kanino nga pala yung isang kwarto?" "Para sa kapatid ko. Minsan ay dito siya nag-o-overnight," sagot niya at isininyas na maupo kami sa sofa. Sumunod ulit ako at doon nagpatuloy sa pagtatanong. Kailangan kong kabisaduhin ang lalaking ito at kilalanin sa pamamagitan ng mga sagot niya. "Babae ba ang kapatid mo?" "Yup." "Ilang taon na?" "Kaedad mo lang yata. Ilang taon ka na ba?" "20." "Oh. Mas matanda pa pala sa iyo ng dalawang taon." "Ikaw, ilang taon ka na?" "29." "Ilan kayong magkakapatid?" Ang dami ko nang tanong pero sinasagot naman niya lahat habang nakatitig sa mga mata ko. "Five." "Ang dami, huh. Sa bagay, 'yang mga ganyang lahi dapat pinaparami talaga." "How about you? Do you have a sibling?" Napalis ang ngiti ko nang maalala si ate at ang rason kung bakit ako nandito ngayon sa Manila. Tiningnan ko siya sa mga mata. "Meron. Pero nagkasakit siya." "Ano'ng sakit niya?" Hindi agad ako sumagot. Bumuntong-hininga naman siya at tumayo. "It's okay, I understand. Huwag mo na lang sagutin." "Na-gang rape siya," biglang sabi ko na ikinatigil niya mula sa akmang paglakad. "Sinamantala siya ng mga ka-myembro mula sa isang frat. Isang araw, umuwi siya sa amin na tulala at hindi na nakakausap." Hindi ako sigurado sa nakita ko pero parang biglang umigting ang kaniyang panga bago pa man siya dahan-dahan na humarap sa akin. "Ano'ng pangalan ng frat?" seryoso niyang tanong. "TABS Haven."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD