"Lalong lumalala ang sakit nga tatay ko at ngayon nasa ospital siya. Hindi ko alam kung may chance pa ba na humaba ang buhay niya o ngayong taon ay kukunin na siya sa amin. Mahal na mahal ko ang tatay ko. Kaya nga ako pumunta dito upang makahanap ng mapapasukan at makapagbigay sa kanila. Ngunit kailangan na talaga ng sapat na halaga. Kaya naman pumayag ako sa isang kasunduan mula sa lalaking matandang mayaman. Nagbigay siya ng malaking pera kila mama upang magamot na si tatay. At bukas ng umaga, kailangan kong makipagkita sa matandang lalaking iyon upang bayaran ang perang ibinigay niya. At iyon ay ang katawan ko. Ang puri ko...." lumuluhang sambit ni Lala. Naikuyom ni Jasper ang kaniyang kamao. Naaawa siya kay Lala dahil handa nitong gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya. Na pati kata

