Nakipagkita si Jasper kay Oliver. Pero kay Oliver niya lang balak makipagkita sa ngayon dahil wala pa siyang planong makita si Serenity. Inaabala niya ang sarili niya sa ibang bagay. Gusto niyang mag-focus sa iba upang hindi na maisip pa si Serenity. At ang ginagawa niya, napapadalas ang pagdalaw niya sa apartment ni Lala. At hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit doon siya dinadala ng kaniyang paa. "Jasper.... maraming salamat sa lahat-lahat. Alam ko na naging mahirap para sa iyo na alagaan ang mag-ina ko lalo pa't may nararamdaman ka sa asawa ko. Hanga ako sa iyo dahil hindi ka gumawa ng kapahangasan sa asawa ko habang nasa puder mo siya. Thank you very much, Jasper. I'm so happy for what you've done..." wika ni Oliver bago nginitian si Jasper. Bumuntong hininga naman si Jasper. "S

