Tamad akong napabalikwas ng bangon dahil sa paulit -ulit na doorbell dito sa aking apartment.
At sino namang matinong tao ang kakatok sa pinto ng ganito ka aga? tsk!
Iritado akong napakamot sa aking ulo at madaling bumangon upang mag hilamos.Nakaka-ilang ulit na ito sa pag door bell ngunit himalang hindi pa rin ito umaalis.
Andyan na sandaleeeeee!
Sigaw ko habang nakalugay ang malambot kong buhok at hindi na nag abala pang mag palit ng damit.
Eric? oh my god!!
Luna!
Mahigpit na yakap nito sa'kin
Te-teka paano mo nalaman kung saan ako nakatira? at kailan ka pa dumating galing Switzerland?
Ang dami naman tanong ng Luna ko na yan! baka gusto mo muna akong papasukin bago ako interview-hin?
Ay naku ha ha ha pasenya ka na halika pasok ka sa aking munting apartment.
Giya ko dito papasok.Si Eric ang nag iisa kong bestfriend sa Isla.Nakilala ko ito dahil namamasukan sa kanila ang aking nanay bilang isang kasambahay.Si Eric ay anak ng isang kilalang pamilya sa Isla ng Bataan.Ang nanay nito ay ang kasalukuyang mayora ng aming Isla habang ang Ama naman nito ang kasulukuyang Gobernador sa aming lugar.Kilala ang pamilya ni Eric sa mabubuting nagawa nito sa lugar namin sa Isla.Nang dahil sa mabuti at matapat na serbisyo nila ay talaga namang minahal sila ng taumbayan sa amin.Naalala ko nga noong nalaman ng mga magulang ni Eric na na stroke si Tatay ay sila na ang sumagot sa lahat ng gastusin sa hospital ni Tatay.Ang pinaka pinasasalamat ko sa mga ito ay nang malaman nila na nahinto ako sa pag-aaral simula ng atakihin si Tatay.Agad silang kusang loob na lumapit kina tatay upang offeran ako ng scholarship.Kaya kung ano man ako ngayon, ay pinapapasalamat ko ng sobra iyon sa pamilya ni Eric.
Alam mo ikaw, sa susunod pag may kumatok sa pinto mo pwede bang mag bihis ka muna ng maayos.Mabuti na lang ako lang ang nakakita sayo ng ganyan ang suot mo.Paano kung iba? baka mamaya ginawan ka pa ng masama.Mahirap na, mamahalin pa kita remember?
Sambit nito na ikinahalakhak ko.
Alam mo ikaw, sa apat na taon mong pag aaral sa Switzerland parang halos wala ka naman pinag bago.Ang o.a pa din ng mga jokes at hugot mo.
Saad ko ngunit agad akong natigilan ng maging seryoso ang mukha nito.
Ahm, may problema ba?
Tanong ko dito habang nakayukong pinag lalaruan nito ang kanyang mga daliri.Unti- unting itong tumayo at inabot ang aking kamay at hinaplos ang mga ito.
Luna, you know from day one that i like you so much right?
Tanong nito.Naiwan naka awang ang aking ang mga labi dahil sa awkwardness na bumalot sa aming paligid.
I know this is not the right time to talk about this.But i wan't you to know about my feelings for you.Hindi kita minamadaling sagutin mo ako ngayon.Willing akong mag hintay Luna.Just give me a chance.And will make you the most happiest woman on earth.Okay?
Saad nito habang maamong hinahaplos ang aking pisngi.Hindi na lingid sa aking kaalaman ang nararamdaman ni Eric para sa akin.Napaka buting tao nito at higit sa lahat gwapo at may sinabi sa buhay.Ngunit may mga bagay talaga sa mundo na pilitin man natin ay hindi natin maipipilit lalo pa't kung ang pinag-uusapan dito ay ang puso natin.Mahal ko si Eric ngunit hindi sa paraan na nais nito.Bukod kasi sa malayo ang agwat namin sa buhay, ay ayoko namang isipin ng mga magulang niya na sinasamantala ko ang kabaitan nila.Hindi rin naman lingid sa aking kaalaman na marami nang ineretong mayayamang babae o di kaya'y galing sa mayayamang pamilya ang ama ni Eric sakanya.Alam kong matayog ang pangarap ng ama ni Eric para sakanya at hindi yon para sirain ko.
Ah, gu- gusto mo bang kumain medyo nagugutom na kasi ako he he?
Pag iiba ko ng usapan.
*
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa mall malapit sa aking kumpanyang pinag tatrabaho-han.
Luna, are sure you're okay here? bakit hindi ka na lang bumalik sa atin? i can ask dad to give you a decent job that matches your degree and skills? please Luna?
Nag pa-pouty nitong pakiusap.
Hays! ano ka ba!
Araaaay! bakit ba? ikaw na nga tong inaalok para di na tayo mag kalayo eh.
Sira ka talag eh noh! alam mong hindi ko pwedeng gawin yan Eric.I have my reasons.
Saad ko na muling nag palungkot sa mukha nito.
Hay, ano ka ba? wag ka ngang ganyan! tingnan mo oh! may dirty ice cream don tara!
Hila ko sa braso nito habang tila tamad at walang gana naman itong nagpapatianod sa pag hila ko sakanya.
Teka, libre mo ba to?
Nanliliit na nga mata kong tinitigan ito.
Syempre naman! magagawa ko bang pag bayarin ng pagkain ang future wife ko? hindi noh! kaya sige na ako ang taya pumili ka na ng lunch natin at kanina pa tunog ng tunog yang t'yan mo.
Hay naku oh sige na!
Okay, just wait here okay? i just have to go to the restroom.Order ka na nang gusto mo okay?
Saad nito.Agad naman akong tumango hudyat ng pag sang-ayon dito.
Narito kami ngayon sa loob ng mall upang mag lunch.Halos nang pa nga ang aking mga mata sa presyo ng bawat pagkain sa menu.
D'yos ko ano bang klaseng pagkain to at kay mamahal.Maging ang buko juice ay nag kakahalaga ng tatlong daan.Ano to? huling buko juice na ba to sa buong mundo?
Di makapaniwalang sambit ko.Maya maya pa'y nag ring ang aking telepono at laking gulat ko nang rumihistro ang number ng aking bos dito.
Yes boss.
Pero hindi po ba day off ko ngayon he he.
May importante po kasi akong inaasikaso.
P-po? opo boss papunta na ako d'yan.
Hays, ang dragon na yon! ano na naman bang trip nya sa buhay? at paano nya nalaman na narito ako sa mall kasama si Eric.Ang kapal n'ya masyado ha! parang namang walang nangyaring hulihan kagabi sa ginawa nilang chukchakan sa opisina n'ya.Ang manyak na yon! ano pa't hinalik-halikan n'ya ko? Hay! bakit ko ba naiisip ang mga to eh wala naman akong karapatang magalit o mag selos dahil una sa lahat, hindi niya ako naaalala at ang pangalawa hindi n'ya ako girlfriend.Hayssss! umayos ka nga Luna.Hay, bahala na nga.Kung hindi ko lang alam kung gaano kasama ang ugali at gaano s'ya ka babaero ay iisipin kong sa tono ng kanyang pananalita ay para s'yang tunog boyfriend na nag seselos kung umasta.
Sambit ko sa aking sarili.
Gosh, why am i saying all these non sense things? Dapat matagal ko ng na-realize na hindi lahat ng bagay ay nanatiling gaya ng dati.Dahil darating ang araw na 'yong mga pangako mo ay mapapako kahit gaano ka pa ka seryoso sa naging pangako na yon.Dahil sadyang walang permanente sa mundo kahit pa sa pag- mamahal.
Malungkot na wika ko sa aking sarili.